Chapter 5 - The Truth Beneath

487 1 0
                                    

"Lu .. Lucas?"

Matamis ang mga ngiti ni Sabel. Sa wakas, nasa harapan na niya ang lalaking pinapangarap niya.

Ngunit agad na napalitan ng simangot ang ngiti niya nang magsimulang magsalita si Lucas.

"Pwede ba?! Kunin mo nalang tong .. pipitsugin mong basurang hairclip at umalis. Hindi mo na kailangang paulit-ulitin ang pangalan ko. I'm Lucas," at lumapit siya sa dalaga, "Sikat ako. Everyone .. knows .. me."

Binangga ni Lucas si Sabel at umalis.

"Paharang-harang kasi. Oy kayong tatlo, ano pang hinihintay niyo?"

Tinitigan ng tatlo si Sabel habang dinaraanan ang nakayukong dalaga. Parang gusto nilang magsorry sa ginawa ni Lucas, pero alam nilang wala silang magagawa.

"Friend, okay ka lang?" Tanong ni Ecka sa napahiyang kaibigan.

"Basura? Huh! Yan ba ang tingin niya dito?!," pagtitimpi ni Sabel. "Eh ano namang tawag sa ugali niya? Payatas?! Smoky Mountain? Tambakan ng basura? Kala mo kung sino!"

Natigilan si Lucas at napapikit sa narinig niya. Tumigil siya sa paglalakad at umikot patungo sa kinaroroonan ng galit na si Sabel.

"Oh bakit? Nasasaktan ka? Everyone knows me pala, ha? Alam ba ng everyone na yan na daig pa ang Payatas sa ugali mo?"

Nakayukong papalapit si Lucas sa dalaga. At nang nasa harapan na siya ng galit na si Sabel, isang ngiti lang ang isinagot niya.

"Tumingin ka nga sa paligid mo."

Tumingin? Tama ba ang sinabi ni Lucas?

Tumingin nga si Sabel sa paligid. Una niyang nakita si Ecka na sumesenyas na i-zipper na niya ang kanyang bibig tapos ay sinakal ang sarili, na para bang nagsasabing: Sabel, mamamatay ka na.

Nakita niyang pinagbubulungan siya ng karamihan. Nanliliit ang mga mata nila. Para bang pinandidirihan siya.

"Alam niya bang ginagawa niya?" bulong ng isa.

"Hello? si Lucas yun? Baliw na ba siya?" saad ng isa.

"Nako. I'm sure expelled yan dito. Bye bye!" pang-aasar ng isa.

"Everyone knows me."

Hinatak na lamang ni Sabel ang kamay ni Ecka at umalis. Hindi niya matanggap na pinanigan pa ng lahat ang mayabang na yun.

--------------------------------------------------------------------

"Friend. Baka madamay ako dyan ah. Ma-rerefund naman ata yung tuition mo. Saang school ka lilipat?"

"Ano ka ba? Bakit ako aalis? dito ko pinangarap mag-aral. Kaya nga nagsikap ako tsaka nag-apply sa scholarship nila eh."

"Eh yun na nga friend. Teka, sang foundation ka ba natanggap?"

"Sa .. Del Merce .."

Natigilan din si Sabel. Ang Del Merced Foundation ang nagpapaaral sa kanya. At .. kapag nalaman to ni Lucas, siguradong .. goodbye, I hate to see you go.

Napayuko si Sabel at hinampas ang noo.

"Naku. Patay."

"Patay talaga friend."

A Sister. A Wife. A Mistress.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon