Chapter 10 - Mom Hurts Best

310 2 0
                                    

"Ammm. Pano? Bukas na lang? Bukas na tayo dumalaw kay lolo."

"Okay lang ba sa iyo?"

"Oo naman. Tsaka it's getting late na din. Baka mapano ka pa. Gusto mo hatid na kita?"

"HINDI! Huwag. I mean .. okay lang kaya ko namang umuwi mag-isa."

Nadama ni Lucas ang takot ni Sabel.

"Is it me o .."

"Wala naman. Sige mauuna na ko."

"Okay."

At mabilis na umalis pauwi ang ating bida.

--------------------------------------------------------------------

"Anong oras na Sabel?"

Galit ang tinig ni Amara sa anak. O kung anak man ang trato niya dito. Nakaupo ito sa sofa at nanonod ng t.v.

"Pa .. pasensya na po Mama. Marami lang po kasi yung nakalista di .. dito."

"Nagrereklamo ka? Aba! Wala ka na ngang naitutulong eh nagrereklamo ka pa?!"

"Hindi naman po sa ganon .."

At hinila ni Amara ang buhok ni Sabel bagay na nakapagpaiyak sa dalaga.

"Sumasagot ka pang ipokrita ka! Ano sa tingin mong ginagawa mo? Walang hiya ka! Walang modo! Bastos!"

"Tama na po Mama. Nasasaktan po ako." pagmamakaawa ng dalaga habang lumuluhang hawak ang kamay ng ina.

Napansin ni Amara na nakatingin sa kanya ang mga katulong.

"OH! Anong tinitingin tingin niyo? Tutulong kayo? Sige. Ang umawat sa akin eh tatanggalin ko sa trabaho."

Agad namang nag-alisan ang mga nakatinging katulong. Takot sila sa amo at alam nilang wala silang magagawa.

"Mama. Tama na pooooo."

"Tama na tama na? Tatamaan ka sakin."

Itinulak ni Amara si Sabel at sumalampak ito sa sahig. Tumama ang ulo niya dahilan upang magkaroon siya ng maliit na sugat at kasunod ay ang matinding pagdugo nito.

"Hala! Akayat. Hindi ka lalabas o kakain hangga't hindi ko sinasabi. Akyat!"

Sapo ni Sabel ang nagdurugong sugat at umiiyak na tumungo sa kwarto niya sa attic.

--------------------------------------------------------------------

Alas-dose na ng madaling araw ay gising pa si Sabel. Kumakalam ang sikmura niya dahil hindi siya nakapaghapunan.

Tumigil na rin ang pagdugo ng sugat niya sa ulo. Tinalian niya ito ng panyong nahagilap niya sa drawer ngunit patuloy pa rin ito sa pagkirot.

Tumitindi ang sakit ng tiyan niya. Hanggang sa makarinig siya ng marahang pagkatok sa pinto.

Sino ang gising pa sa ganitong oras?

"S .. sino po iyan?"

"Sabel. Ako ito. Si Manang Upeng."

Mahina man ay natanto niyang si Manang Upeng nga ang nasa likod ng pinto. Nanghihina man ay tumungo siya sa pinto at marahang binuksan iyon.

May dalang kanin, ulam, tubig at gatas ang matanda. Nasabik si Sabel sa dala niya lalo pa't hindi pa nga siya naghahapunan.

"Pasok po kayo Manang."

"Kumain ka na hija. May dala akong paborito mong adobo. Kain na."

"Sa .. san niyo po ito kinuha?" tanong ni Sabel habang inaabot ang kubyertos upang simulang lantakan ang pyestang nasa harapan niya.

"Itinabi ko hija. Nagluto ako kanina ng makakain naming mga katulong at itinabi ko ang parte ko para sa iyo. Alam kong mangyayari na naman ito."

Nakaramdam ng hiya si Sabel. Pinagmasdan niya ang plato at pagtapos ay ang naluluhang mata ni Manang Upeng. Kakainin ba niya ang pagkain na dapat ay sa matanda?

"Ay nako kang bata ka. Huwag ka nang mag-alala. Kumain na ako kanina kaya ubusin mo na iyan."

Napangiti si Sabel. Kahit noon pa mang bata siya ay si Manang na ang kakampi niya.

"Sige po. Salamat po. Pero hindi po ba kayo pagagalitan ni Mama?"

"Hayaan mo nang makagalitan ako ng ina mo. Hindi ko naman maaatim na matulog kang kumakalam ang tiyan. Sige na, sige na. Kain na. Alam kong paborito mo iyan."

"Manang. Magagawan niyo po ba ng paraan na makaalis ako bukas?"

"Aalis ka? Ay pano kung makagalitan ka na naman ng mama mo?"

"Eh Manang."

Napansin ni Manang na napawi ang alala ng dalaga. May kkaibang kislap sa mga mata ng ating bida.

"Saan ka ba patungo?"

"Ammm. Kasi po ..," pabulong na sabi ng dalaga. "May boyfriend na po ako."

"Nobyo ba kamo? Ay dalaga na talaga ang alaga ko!"

"Manang! Baka po magising si Mama. Tahimik lang po kayo."

"Ay sino ba iyan ha? Kilala ko ba?"

"Sa totoo lang po hindi pa po talaga kami. Nagpapanggap lang po ako. Pero sa tingin ko po, inlove na ko."

Hindi makapaniwala si Manang Upeng. Dalaga na nga si Sabel.

A Sister. A Wife. A Mistress.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon