Chapter 1

403 9 3
                                    

"Did you know that the population of amphibians lowers at the rate of 30%? Sex inversion currently occurs in them causing them to produce more females than males and this happens because of the occurrence of chlorophenols which is also one of the major pollutants in our environment," basa ni Jeanine. "I'll place these lines in the introduction, perfect na to." She took a sip of her milk tea at sumandal sa pader habang nakatunganga sa harap ng laptop niya.

Deadline na ng research papers nila next week pero tambak ang revisions na kailangan niyang gawin dahil sa mali-maling gawa ng isang member ng grupo nila-na hindi niya kilala for some reasons. Napakamot na lamang siya nang matanggap na niya yung soft copy, di siya makapagreklamo. "Bakit ba kasi sa dinami dami ng pwedeng ka grupo yun pang mga haliparot na yun? May dagdag pang ka grupo na di na nga nagpapakita sa klase, mali mali pa ang gawa," napailing siya. "Lord naman eh. Ang bait ko naman...bakit ganito?"

After a few moments, may narinig na lang siyang hiyawan at sigawan sa loob ng cafeteria. Tumayo siya para tignan kung ano ang pinagmulan nun, di niya maiwasang ma curious.

“Hi Gian!” sigaw ng isang girl mula sa kabilang table. Ngumiti naman yung si “Gian” sa kanya, at nawindang ata si ate.

"Hello Gian! Nate!" sigaw uli ng isang babae.

Napa poker face si Jeanine sa nakita niya. "Volleyball team lang pala," she sighed. Umupo ulit siya habang patuloy na nakikinig sa pag sigaw at hiyaw ng mga babae; wala siyang choice, ang lapit naman kasi ng tambayan niya sa cafeteria kaya rinig na rinig niyaang lahat. "Ano ba kasi ang espesyal sa mga yan? Mukha lang naman ang meron sila, at yung si Gian na yun, Volleyball superstar daw? Ang pandak naman. "

And at that moment...nagsimula na naman si Jeanine sa kanyang usual rant.

"Huy, Jean," saway ng isang pamilyar na boses. Jeanine finally snapped out and she's back to Earth.

"Oh, Suzy, ikaw pala," sagot ni Jeanine sabay ngiti na parang nalimutan na niya ang kung anumang mga sumpa na binubulong niya sa isip niya kanina.

"Kamusta research paper ng grupo mo? Tumulong ba yung mga haliparot?" tanong ni Suzy, referring to the you-know-what girls sa class ni Jeanine.

Guilty, Beauty, Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon