Chapter 7

145 5 1
                                    

A/N: Medyo mahaba tong chapter na to...di ko namalayan! XD Credits nga pala kay Aemrith Lewis para sa picture nina Gian and Jeanine jan sa gilid! :D Play niyo din yung song ha! :)

____________________

*Gian’s POV*

“Andito na tayo Miss Tiny,” tumigil kami sa harap ng bahay ko. Hindi naman yun ganun kalaki eh, yung bakuran lang yung malaki or rather, yung parking lot! Si Papa kasi, mahilig sa kotse, ayun mukhang napasobra ata ng bili =_=

Napatingin ako kay Miss Tiny, hindi na kasi siya nagsalita pa. Tapos nakita ko na lang yung mukha niya…hindi mapinta…actually mapipinta pa naman, kaso…ang negative tignan nung mapipinta mo, pula at itim yung background tapus pula yung mata niya >O<

GALIT NA NAMAN SIYA??? >.<!!

“Sinungaling ka talagang hombre ka!!!” hinampas niya saken yung bag niya, na may lamang laptop lang naman!!

“Oh bakit??? >.< ARAY!!” sabi ko pa habang pinoprotektahan ko yung sarili ko, at yung gwapo kong mukha.

“Anong maghihirap ka?! Eh ang yaman yaman niyo naman!! Sinungaling kaaa!!! >.< NAKAKAINIS!”

“Wait lang!” hinawakan ko yung balikat niya, at napatigil din siya sa paghahampas saken. “Mahirap talaga ako. Mahirap ako sa knowledge, kulang ako niyan. Kulang sa talino,” palusot ko pa.

“Heh! Tumahimik ka! Papakain ko sayo tong libro! Mas mabilis kang matututo pag kinain mo to!” sigaw niya habang pinagtutulakan niya yung libro malapit sa bunganga ko.

T^T “Miss Tiny naman ee…”

“Ah, Ser Gian, andito na po pala kayo,” narinig ko yung boses mula sa likod ko. Si Manong Johnny pala, uhmm…butler namin :D Niligtas niya ako T^T “Pasok na po kayo,”

Napatigil naman si Miss Tiny sa pagwa wild niya nung napansin niya si Manong Johnny. Pheewww…buti na lang talaga dumating si Manong. Baka na rape—este…nabugbog sarado ang gwapong nilalang na nag p-POV ngayon.

Halatang nagngingitngit pa rin siya sa galit nung papasok na kami sa bahay, pero hindi siya nagsalita, malamang nahihiya siya mag hasik ng lagim sa harap ng butler namin. Hehehe. Ang gwapo ko talaga, may tagapagtanggol pa akong butler. San ka pa? Magbasa ka na! :D

Nauna naman akong pumasok ng bahay, si Miss Tiny nakasunod lang saken. “Andito na ‘ko!” sigaw ko naman, pero walang sumagot.

“Ah, wala po dito ngayon ang inyong Mommy, Ser Gian. May pinamili ho ata sa supermarket kasama niya po si Julie,” si Manong Johnny yung nagsalita.

“Ganun ba? Baka namili para sa lunch,” lumingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Miss Tiny na palinga linga. “Miss Tiny, hindi pa ata sila nakakapagluto ng lunch… Uhmm..hintay hintay na lang muna tayo. Tapos after lunch na lang tayo mag-aral. Okay ba?” Naka thumbs up pa ako habang kaharap ko siya, pero hindi ata siya na attract dun sa mukha kong ubod ng gwapo. Minsan talaga na wi weirdohan na ako kay Miss Tiny eh, di kaya may depekto siya sa mata? =_= Matanong nga minsan.

Guilty, Beauty, Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon