Chapter 15

171 6 3
                                    

A/N: Hellooooooooooooooooooo :D YAAAAAAAAY! Tapos na prelims namin >o< 

500+ READS NA ANG GBL! MARAMING SALAMAT SA MGA SUMUSUPORTA!!! THAAAANK YOU!! Di to aabot sa chapter 15 kung wala kayo >___< KAYA THANK YOU!

Kaya eto na!!! :D Otanoshimi~

_____________________________________

*Gian’s POV*

Naalala niyo pa dati yung description saken? Sabi kasi dun, I have a spell that can make anyone fall for me. Hindi sa pagmamayabang, pero totoo yun. Gumagana nga yun kahit sa mga lalake pa, pero di ko sinubukan, mahirap na! KAYO! Kung anu ano na naman ang mga pumapasok sa isip niyo! Tandaan niyo, sayang ang kagwapuhan ko pag bumakla ako!

So going back dun sa spell spell. Exception si Abs dun. Actually, matagal ko ng sinubukan yun sa kanya eh, as in matagal na. Nung nagkita kami ulit after 12 years, sinubukan ko ulit, pero no avail. That’s when I came to a conclusion na she’s different from the others, she really is. At isang maling pagkakamali ang nagawa ng gwapong nilalang na ito na hindi ko agad naisip yun. Right from the start, I fell for her because she’s different. Kaya nga lang, medyo late na nung na realize ko. Sorry naman! Pagong mode din ako eh!

Habang pagulong gulong ako ngayon sa kwarto ng training camp slash vacation house ni Nate, narealize ko na iba ang spell ko for Abs, and it’s something that is only for her.  I wonder kung kelan kaya gagana yun? Or she’ll end up nullifying it just like my old spell?

Oh? Kinikilig kayo? Nagbabasa pa lang kayo niyan ha! Pano kaya kung naririnig niyo pa ang napaka gwapo at seksi kong boses? Oo di lang mukha ko ang gwapo at seksi, pati boses ko ganun rin! Syempre, para may equilibrium! Alangan naman ganito ka gwapo pagmumukha ko tapos parang totoy at lampayatot yung boses ko?! AMP.

“Hoy! Gian! Tulog mantika ka! Bumangon ka na jan! Kanina pa kita ginigising! Bilis! Mag s-start na yung training!” sigaw ni Carl.

=_= Panira naman oh. Nasa introduction pa lang ako ng pagde daydream ko eh. “Oo na. Babangon na. Tsk, panira.” Hininaan ko na lang yung last part, mahirap na.

Nasan ako? Nasa training camp kasama ang buong team at nag s-stay kami ngayon sa vacation house ni Nate. Christmas vacation sana to eh, singit lang yung training. Kaso ayaw talagang tumigil ni Captain, pinilit talaga na dapat mag train pa rin kahit Christmas season na. Baka daw kasi lamon lang kami ng lamon, pagdating ng bagong taon eh…

Nga pala, andito rin sina Manager Katsuhiro, si Phoebe na nakasuper glue kay Nash, si Suzy na…O_O girlfriend na ni Nate. Etong dalawang to, parang pinaglihi sa ninja! Wala kaming kaalam alam na si Nate pala pumuporma na dun sa kaibigan ni Abs, akalain mo, hatid sundo sa laboratory! AT ETO PA! KNIGHT AT PRINCESS ANG TAWAGAN! NAKAKASUKA!!

And speaking of Abs, syempre, andito din yung ka love team ko. Hindi ako pwedeng mawalan! Isa ako sa main characters ng story na to! At isa pa, yun din naman ang iniisip niyo di ba?

Gwapo ko pa rin kahit bagong gising. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko naman yung dalawang mas angat sa love life kesa saken. At ayun, gaya ko gwapo din ang bagong gising na looks nila, sa kasamaang palad, mas angat ako. HAH, KALA NILA.

“Oh, picture naman ng mga bagong gising na mukha niyo!”

Instant pose naman agad kaming tatlo. Iba na talaga pag gwapo, di na kelangan ng kung ano pang ayos, laging ready humarap sa lens ng mga camera nyo.

“Naman Phoeb, ang aga pa oh,” reklamo naman ni Nash. Pero game na game yan na nag pose kanina -__-

“Okay lang. Cute naman ng kuha mo eh. No worries,” sagot naman ni Phoebe habang tinitignan ang ibang pictures.

Guilty, Beauty, Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon