Chapter 12

128 6 3
                                    

A/N: Another update!! Napansin ko lang, medyo sumesegway na pala ako sa 'Guilty Beauty Love' story, pero di bale XD Si Nash naman to! Ang GBL flow will be for Gian and Jeanine only. Parang side story lang to, gusto ko lang kasi talaga magsulat about kay Nassssshyyy :3

Thank you nga pala sa mga readers! Sa mga /nag cocomment, thank you!! haha Sa mga silent, uy! Baka mapanis laway niyo jan! /shot.

Credits to Aemrith Lewis for the pictures of Gian, Jeanine, Nash and Phoebe (yung nasa right side :D yan ang outfit nila sa 'date'!)

So here's chapter 12!! Comment! React! Suggest! :> Dedicate ko ulit to kay UsotsukiHime hahaha :D First comment, dedication ulit! 

Sorry for the typos, grammar errors and such. Wala akong beta reader! XD 

_____________________________________

*Nash’s POV*

I can say that my life is colorful, because of my family, my friends, volleyball at ng sinabawang gulay, de joke lang. But my heart tells me na may kulang pang kulay…

I’m ten minutes earlier. Ganun talaga ako. Hindi uso ang Filipino Time saken. I’m just wearing a simple collar shirt; I just folded the sleeves kasi mainit mashado, then jeans, and sneakers…pero nakatingin pa rin yung mga tao sakin. Problema ng mga to? (¬_¬)

“Nash!!” That voice. It’s her. I looked back, just to be disappointed, kasi nakasunod sa likod niya si Gian. Don’t get me wrong, hindi ako galit sa best friend ko. I let out a faint smile. She’s wearing a white blouse with some designs at the bottom at naka shorts. Sorry, hindi ako magaling mag describe. Si Gian naman, naka collar shirt din at naka-fold yung sleeves…buti na lang at naka vest siya, and black jeans. Kaya nga mag best friend kami, pagdating sa pormahan, pareho kami ng taste, pero ngayon wala akong ganang pumorma ng todo.  (╯_╰)

“Oh, tayo na? Nag-isip kasi ako ng places na pwede natin puntahan while we were on our way here,” sabi ni Phoebe.

“Wait, may hinihintay pa ko. May isa pang sasama saten.” Nasan na ba kasi yung taong yun? Late na oh. Sabi ko pa naman dumating siya ng maaga eh.

*After 15 minutes*

“Nasshy!!!”

 “Sa wakas! At hoy! Ang panghe nga ng Nasshy!!”

Si Jeanine. Siya ang isa pang kasama namin for today.

Gian: ABS!?

Jeanine: GIAN!?

Phoebe: O_O?

 “ANONG GINAGAWA NIYA DITO!?” sabay nilang sigaw, at tinuro pa ang isa’t isa. Makapag react ang dalawang to, kala mo nakakita ng alien na bumaba mula sa UFO.

“Pinapunta ko si Jeanine dito, para naman may partner din ako, di ba Jeanine?” nakatingin lang sakin yung isa at parang napa ‘WFT-ANONG-IBIG-MONG-SABIHING-PARTNER’ look. Binigyan ko din siya ng ‘WAG-KA-MAINGAY-MAKIRIDE-KA-NA-LANG’ look. Galing noh?

“A-ako nga pala si Phoebe! : ) “ lumapit siya kay Jeanine at nag offer ng handshake, which the latter took. Nakalimutan ko na nandito nga pala si Phoebe dahil dun sa OA na reaction ng dalawa =_=

“Jeanine here. Nice to meet you,”

“Ossha. Tayo na, lakad na habang nag ge-getting to know each other kayo.” I took the lead, pero sumunod saken si Gian na medyo troubled ang mukha. Baka gutom na to.

Guilty, Beauty, Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon