Chapter 3

215 5 2
                                    

*Jeanine’s POV*

Nako, nakalimutan ko pala magpakilala sa inyo noh? Hehe :D

Ako nga pala si Jeanine Abbie Francisco. 19 na ko pero parang 14 lang dahil sa height ko v(^_^)

               

Di ko naman minamaliit ang sarili ko, eh maliit na ko gagawin ko pa yun? Wawa na ako nun. Haha. Secret na lang yung school at course ko ha?

   

Pagpapatuloy ko na kwento ko. Sorry kung mejo bitin yun intro ko, ngayon lang kasi sinabi ni Author na may ganito pa pala eh, di po ako prepared~ oh, heto na!

               

Hindi talaga ako mahilig sa volleyball eh, pero nanonood naman ako minsan sa TV kasama sina Papa at Kuya. Pero di ako kagaya nilang dalawa na todo cheer at sigaw talaga na parang nasa court sila. =_=

               

Magsisimula na yung game. Andito yung banda ng university namin, yung cheerleaders, pati yung fans ng volleyball team na naabutan ko sa gym nung nakaraang araw. Di kaya sila napapaos sa sobrang sigaw?

               

At ayun, nagsimula na yung pag announce ng players.

               

“Number 2! Francis Allen Garciaaa!”

               

“Number 15, Carl Marius Mercadooo!”

               

“Number 13, Max Fraaancisssco!!”

               

“Number 10! Nate Paaadillaaa!”

               

“Number 9, Gian Jaaace Gonzaleeees!”

               

“Number 16, the team captain, Ron Steefaaaan Verrrrrdeee!”

               

“And number 7, their libero, Nash Juliaaaan Reyess!!”

               

Di naman to boxing di ba? =_= Yung announcer kasi eh, Michael Buffer yung peg.

               

“Grabe, daming tumili kay Gian noh?” amazed na amazed naman tong maganda kong best friend.

               

“Pake ko.” =_=

               

“Sus! Ang bitter lang neto kay Gian.”

               

“Mas maraming tumili kay Nate,” at isa na siya dun sa mga tumili. Eto kasi patay na patay sa Nate na yan. Parang poste, ang taas eh, pero mabait..naman DAW. Eh anung kinalaman ng height sa pagiging mabait “daw” niya? O_O?

               

“Sobrang baet kaya nun! Smile ng smile!”

               

Guilty, Beauty, Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon