CH-07

2.2K 61 4
                                    

[Alchene]

nagmamadali akong pumunta sa coffee shop na pagtratrabahuan ko, nalate ako ng gising 7am ang pasok at anong oras na malapit na mag seven. naligo lang ako at nagbihis sa jeep lang ako nagsuklay dahil wala ng oras. first day pa naman, mag aalarm na talaga ako sa susunod.

"good morning po" bati ko sa mga kasama ko pag pasok ko, nandoon na rin ang manager namin mabuti nalang at sumaktong alas siete ako nakarating.

"good morning miss Alchene, right?" saad ng manager ko, tumango ako.

"Ito pala si karen, sya ang magiging trainor mo, iguguide ka nya hanggang malaman mo ang lahat ng gagawin dito" ngumiti naman sakin 'yong karen, kaya I smile back. mabuti nalang at hindi masungit medyo mas matanda sya sakin sa tingin ko lang.

"halika na, nga pala ito ang name tag mo" nilagay nya sa may bandang left side ng chest ko. medyo nanginig pa siya kaya natawa ako.

"ako na po, baka matusok pa e" natawa nalang din siya, kinuha ko ang nametag ko sakanya.

"Alchene" basa nya sa nametag ko na nakasabit na sa damit ko.

"ang ganda naman ng name mo, bumagay sayo" natawa naman ako, nambola pa si ate ha, wala akong candy dito.

"thank you po" saad ko habang nakangiti.

"ano ka ba kahit wag mo na ako e 'po' karen na rin ang itawag mo sa akin. ilang taon kana ba?" tanong niya sa akin.

"19 na ako" medyo naiinip na din ako dami niya tanong dumadami na rin costumer.

"i see, 23 na ako" medyo nagulat pa ako mukha siyang nasa 20 palang or something, baby face.

"owwkay, baby face ka hindi halatang 23" natawa sya sa sabi ko.

"oh sya simula na tayo, mamayang uwian sabay tayo, gusto ko mag kwentuhan pa tayo" tumango naman ako.

"ali ganto 'yan pag may nag order and binigay sayo kunin mo sa loob yung mga order nila and make sure hindi mag bali baliktad kasi baka magalit mga customer, na gets mo ba?" nag thumbs up naman ako.

ali na rin ang tawag nya sakin, kinuha sa AL dinagdagan nya lang ng i angas talaga ng mga 'to kanya kanyang gawa ng nickname ko.

"fast learner ka pala and eye catcher din, madaming customer ang mas lalong pumupunta dahil sayo" napansin ko rin bawat bigay ko ng order nila ay nakangiti din sila at sabing babalik daw sila araw araw para makita ako,natatawa nalang ako at tumango.

napansin kong nakatitig sakin si karen, tinawag ko siya pero hindi siya kumikibo.

"karen?yuhooo!" hala siya hindi na gumalaw, pinalo ko braso nya. doon lang siya natauhan.

"Okay kalang ba?" medyo pag aalala kong tanong sa kanya.

"ha?o-okay lang ako" nauutal pa, anyare sakanya?

"sure ka ha, pahinga ka muna alam ko naman na gagawin ko" nginitian ko siya syaka bumalik na ako sa ginagawa ko.

"ang ganda mo talaga" pabulong niyang sabi pero hindi ko narinig.

"ano 'yon karen?" tanong ko hindi ko kasi narinig.

"ah wala yon, oh sige na balik na" tumango nalang ako at bumalik na.

"Alchene, hatid mo nga 'tong Cappuccino at caramel cake sa table number 4. cr lang ako please." pakiusap sakin ni rhian, kinuha ko naman 'yong order at hinatid sa table na sinasabi niya.

There is a woman na sophisticated and highly class talaga ang datingan, likod palang yayamanin na.

"Ma'am, here's your order" lapag ko sa table, pagtingin ko sa babaeng nakaupo doon is yon din 'yong last time na naka banggaan ko sa restaurant na pinuntahan namin ni ella.
hala, may atraso pa ako sakanya.

yumuko agad ako, at dale daleng umalis. hindi pa naman ako nakakaalis ay hinawakan nya ang kamay ko. medyo nagulantang ako sa part na 'yon kinabahan ako kasi baka pagalitan nya ako dahil last time, tinignan ko siya ng dahan dahan at ngumiti, naka shades pa rin siya na bumagay sakanya. ganda pero mas maganda ako.sympre.

"a-ano po 'yon?" pa utal kong sabi.

"my cake please" potek nalimutan kong ilapag 'yong cake 'yong cappuccino lang pala nalapag ko, kinabahan ako don ah.

"ahh ito po, sorry po nalimutan ko" nahihiya kong saad.

hindi siya umimik, hindi ko alam kung masungit ba 'to o ano, may red tide ata.

dali dali akong bumalik sa may counter dahil tinawag ako ni rhian para mag thank you.

tumingin ulit ako doon sa babae kanina, I don't know if nakatingin ba siya sakin kasi naka salamin e, maya maya ay umalis na rin siya, parang mailap mahal ata ang words sakanya. ang ganda din ng voice the way she speaks is malumanay and may authority.

sa wakas ay natapos na rin ang shift ko omg, sakit ng likod ko. nauna na akong umalis kay karen, nag paalam ako saknya na sa susunod nalang kami magsabay dahil gusto ko na matulog, sumang ayon naman siya dahil marami pa raw siyang gagawin sa loob.

paglabas ko shop ay naglakad na ako at sumakay, malapit na ako sa bahay pero feel ko talaga laging may sumusunod sakin, napaparonoid na ba ako, o baka pagod lang. sinawalang bahala ko nalang at pumasok na sa loob, inaantok na rin ako.

To be continued..

The Obsession of Tiarra Avienne Muñoz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon