CH-13

1.8K 56 4
                                    

[Alchene]

kabado ako habang binubuksan ang pintuan na nakasara na ang room namin, kinkalabit ako ni ella kung may prof na ba pero di ko siya pinansin, nakahinga ako ng maluwag na wala pa pala prof namin.

kaya pala nila sinara dahil sobrang ingay nila at may kanya kanyang mundo, parang mga highschool pa rin mga 'to.

wao nagmamalinis akala mo di isip bata.

takteng utak 'to suma side comment. dahan dahan kaming pumasok ni ella, may bakante sa likod, okay na 'to para iwas atensyon. ayoko ng may attention akong nakukuha.
nasa likod ko lang si ella nakasunod sa akin.

"diba pre crush mo 'yan" saad nung guy na may pag ka moreno. pero di ko nalang pinansin.

"ganda talaga ni ella, dagdagan pa ni Alchene ganda talaga." rinig ko bulong ng di ko kilala.

"pre, pagkakataon mo na 'to lapitan mo na" nagtutulakan pa.

medyo kilala naman ako here kasi before sumasali ako ng mga contest lalo na pag tagisan ng talino. kahit papaano ay may utak naman ako. lahat naman talaga tayo may utak iba iba lang mag function.

"tara dito ella" sabay upo kami sa likod.

tinignan ko ang oras ay 8:10 na wala pa rin 'yong prof namin, buti nalang di kami nalate kundi nalintikan na.

"tagal naman ng prof na 'yan pa importante amp, baka si Mr. torres na naman yang umay na ako sa ulong panot" reklamo ng isa kong mga kaklse.

"That professor is really getting into my nerves, so apathetic!" arte naman nito magsalita, tingin ko ay ito yong sinasabi nilang queen bee na kulang sa pansin.

8:20 na wala pa rin.

ang mga kaklse ko ay kanya kanya ng reklamo dahil sa tagal ng prof namin, okay lang naman sakin para naman makapag isip ako.

bumukas na iyong pinto ng room namin, hindi ko gaanong makita dahil nasa likod ako at nagsitayuan sila matatangkad kasi karamihan dito, matangkad din naman ako pero mas matangkad kasi ang mga boys na nasa unahan kainis!

"Sorry, I'm late is this the class of Public Administration?" she ask while fixing her laptop.

grabe na, professor ko pala 'to? kinakabahan tuloy ako kasi may atraso pa ako sa kanya at pa anga anga ako nong nasa coffee shop ako. ang mga kaklse kong lalaki ay nakatulala sa prof namin, laway nyo hoy!

"yes we are the class of Pub Ad, and why you're so being irresponsible, you're 30 min. late!" tinarayan pa nya ang prof namin, aba ang tapang ng queen bee na 'to.

"oh sorry? there is emergency. do i need to elaborate it to you?" grumpy din pala ang isang 'to. parehas sila yan ang same vibes.

"whatever" sabay taray nya sa prof namin.

"what's your name?" tanong nya sa queen bee na mukhang bubuyog.

"I'm Stacy Alacer, and my dad is stockholder of this university. Ipapaalis kita!" kulang nalang bumuga sya ng apoy. grabe bigdeal kay ate ang pagkalate ni prof.

"oh I see, look who's afraid here, go on. We'll see if who will be kick out on this university, try me, Alacer." she smirk while she's saying those words, nakakatakot siyang magalit. medyo natakot na din 'yong kaninang malditang bubuyog kaya natahimik siya.

"Listen! to those students who are disrespectful to me, GO OUT, NOW." she said with full of authority, di na rin kami umiimik kasi para siyang dragon partida nagsasalita palang siya nyan na parang walang emosyon.

lumabas si Stacy ng padabog at sumigaw sigaw parang baliw. being bitch can be easily fall you down. buti pa ako mabait, pwede na ipako sa krus, eme lang po.

lahat kami ay tahimik at walang sino man ang nagsalita, ito yong ayaw ko e yung gantong atmosphere feel ko anytime pagpapawisan na ako ng malagkit.

"we are run out of time" tinignan nya muna ang relo nya sa may left hand nya, yayamanin kumilos, she's pretty simula palang nung nakita ko siya maganda na talaga.

"we have 20 more minutes, i guess we can spend it thru introducing yourselves." tinitignan nya kami, ng madako ang tingin nya sakin ay nagsmirk siya, seryoso ba? namalikmata lang ata ako.

"start's at the back" tumingin naman ang mga kaklse ko sa akin, hala amp kaya nga ako nasa likod tas ako ang mauuna,umay talaga.

tinuro ko pa ang sarili ko at tumingin sa likod, e pader na 'yon gusto ko lang ma sure na ako 'yon. pahamak naman!

tumayo na ako ng nag aalangan, kinakabahan kasi ako ayoko talaga ng madaming nakatingin sa akin.

tinignan ko naman si ella na pangiti ngiti ang bruha, naneto kinakabahan na nga ako aasarin pa. maya ka sakin.

nag sulat si ma'am sa board ng name, age, biggest fear and why? bakit naman gan'to may pa why pa hanep.

"I-i'm Alchene Lesiah Arevalo, 19 yrs of existence. My biggest fear is losing someone who's really important of my life" saad ko pero wala na nga e, wala na yong taong 'yon si mama, lagi nalang akong nagiging emotional pag naiisip ko.

naramdaman ko naman na hinawakan ni ella ang kamay ko, tinignan ko naman siya na may pagsasabing okay lang ako. I know alam nyang sino ang tinutukoy ko. My papa is wala na rin pake sakin simula ng sinaway ko siya, kaya i don't know if he's one of my biggest fear like losing..

tinignan ko naman ang prof namin she has no emotion, di ko mabasa kung ano ang nasa isip niya mahirap basahin.

"thank you Ms. Arevalo, you may take your seat. Next!" nag pakilala naman ang bff kong dakila.

"I'm Micaella Alvarez, 20 yrs old. My biggest fear is to die without clothes." lah gag* talaga lahat naman tayo mamamatay pero bakit naman ganyan ang biggest fear nitong kulangot.

tumawa din mga kaklse ko, nga naman nakakahiya din kasing mamatay na walang suot tas maraming makakakita, lalo na pag nasa cr ka kunwari nabagok. san san na naman nakarating imagination ko.

natapos ang introduce yourself na may nagtatawanan at asaran.

'Tiarra Avienne Muñoz' sulat ni maam sa whiteboard.

"you can call me Miss Muñoz, or Prof. none anything else. I will be your adviser and subject teacher in good governance and social responsibility"

pag nagsasalita talaga sya with full of authority, ganyan ba talaga pag yayamanin, may kaya naman kami pero sa tingin ko mas nakaka angat 'yong prof namin. itsura palang e.

"Class dismissed" nagsitayuan na ang iilan sa amin at inaayos ko na rin ang mga gamit ko, tinignan ko ang schedule ko may vacant pa ako na 1hr.

"Miss Arevalo" tawag sakin ni Miss Muñoz, nahihiya pa rin ako awits.

"can you help me to bring this to my office?" I nodded, nenerbyos ako. sinabi ko naman kay ella na mauna na siya sa cafeteria.

TO BE CONTINUED..

The Obsession of Tiarra Avienne Muñoz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon