CH-01

6.2K 120 13
                                    

[Alchene]

Nakakapagod.'yan na agad ang nararamdaman ko sa mga oras na'to,hindi ko alam kung saan ako pagod pero kasi nakakadrain lang isipin na magpapasukan na naman ulit at ang mas malala doon hindi ko alam saan ako magsisimula.

panibagong simula sa isang tulad ko na naglayas dahil ayoko sa kagustuhan ng papa ko, sabagay sarili lang naman niya ang iniisip niya. magmula na mawala si mama parang wala na rin siyang pakialam sa akin basta lang makatulong sa negosyo niya kahit anak ka pa niya ay sige lang kahit ikasama pa ng loob ko.

kasalukuyan akong naglalakad at nagmumuni-muni hindi ko alam kung saan ako pupunta. kung saan nalang siguro ako dalhin ng mga paa ko doon nalang. sakto rin ay may nakita akong park at maraming batang naglalaro, sa isip isip ko parang gusto ko nalang bumalik ulit sa pagkabata iyong walang iniisip kundi kumain at maglaro lang.

masaya siguro kami ngayon kung nandito pa si mama kaso wala na eh, kinuha na ng maaga sa amin kaya ito ako ngayon parang pusang hindi alam kung saan pupunta, bakit ba kasi ako naglayas agad, pero okay na rin 'yon gagawa nalang ako ng paraan.

"kuya pabili nga po 'yong tig 5 lang" natakam kasi ako sa mga batang kumakain ng ice cream kaya bumili nalang din ako, I want to try it. first time ko makatikim ng ganitong dirty ice cream masyado kasing mahigpit si papa ultimo ganitong pagkain pinagdadamot, hindi naman 'to nakakalason tss. sarap din pala nito, bakit nga ba ngayon ko lang 'to na try tikman, my childhood is really boring.

pagkatapos ko maubos ang ice cream na kinakain ko ay nagsimula na akong maglakad naghahanap ako ng pwedeng rentahan 'yong mura lang sana, kahit may kaya kami sa buhay ay natuto akong mamuhay ng simple lang para kung sakali di ako mahirapan, buti nalang talaga dahil magagamit ko 'yon ngayon.

"Room for rent" basa ko sa karitula kaya agaran akong nagtanong sa may tindahan kung saan 'yon nakapaskil.

"ate, san 'to banda?" turo ko sa karitula.

"dito 'yan ineng sa may looban, ako ang may ari, bakit rerenta ka ba?" sabi ng medyo may katandaan na pero ang sungit. tss kala nya naman kinaganda nya yan. nagiinit ang ulo ko, pasalamat 'tong gurang na 'to at need ko na talagang may matutuluyan.

"yes po, magkano po ba 'yung pinaka mababa lang po sana" since di ganon kalaki ang ipon ko ay 'yong pinakamababa ang kukunin ko.

"3k ang pinaka mababa dito at magaadvance ka ng 1k para sa tubig at kuryente, ayoko ng maraming reklamo na kesyo mahal kung ayaw, alis!" ginigigil talaga ako nito amp kahit labag sa loob ko ay inabot ko ang 4k na pera na galing sa wallet ko, takte nagtitipid pa naman ako kasi hahanap palang ako ng trabaho kinabukasan.

"osya ito ang susi ayoko ng maingay at maraming pinapapasok ng kung sino sino ha,hindi bar 'tong paupahan ko. osya tabi na dyan" binabanas talaga ako ng matandang 'to konti nalang bibinggo na 'to sakin, sarap sakmalin.

pumasok na ako sa loob infairness okay na rin sulit naman ang binayad ko, pinasok ko ang mga gamit ko, kaunti lang ang dala ko kakamadali kanina dahil sa sagutan namin ni papa, pag naiisip ko pa rin mas lalo lang sumasama ang loob ko, dagdagan pa nitong matandang may ari ng inupahan ko kabanas!

kinuha ko ang phone ko sa bag, at ang daming missed calls from my best friend na si ella, nalimutan kong sabihan sya. maya nalang siguro tawagan ko, inaantok na rin ako. tinignan ko ang oras at alas singko ng hapon siguro matutulog muna ako at paggising nalang ako kakain.











This is my first story here so please bear with me. grammatical errors can also be present sorry advance. thank hu

PLEASE VOTE AND SHARE!

The Obsession of Tiarra Avienne Muñoz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon