CH-26

1.8K 54 2
                                    

[Alchene]

after kong lumabas sa office ni Miss Muñoz ay dumiretso na ako sa second subject ko which is si Miss Del Campo, akala ko mahihirapan ako this sem sa Basic Accounting kasi nga math diba, mahina talaga pagdating sa numbers huhu. mabuti nalang at magaling magturo si Miss Del Campo kaya naman favorite ko na ang math, syempre kimmy ko lang 'yon.

I hate number since then!

nagturo lang si Ma'am Del Campo ng 5 basic principles ng basic accounting like revenue principle, cost principle etc. she's one of the kind din kasi pag hindi mo naintidihan ang topic niya ay lalapitan ka talaga niya para ipa intindi sayo. ganyan siya kalupit pero wala ng lulupit kay Miss Tia- hays! here we go again, naalala ko na naman siya. parehas naman sila magaling magturo pero si Miss Muñoz kasi isang discussion lang gets agad kahit gaano pa kahirap. 

walang bias bias dito, I'm just stating the fact.

patapos na rin naman klase. sabi ni Miss Del Campo ay pwede naming gawin ang gusto namin basta wag lang daw magsaksakan, lalabas lang daw muna siya. pag umabot daw 10 min. wala pa siya pwede na daw kami lumabas.

kaya naman ang mga kaklse ko ay nagkanya kanyang tsismis.

"oy teh alam nyo na ba ang usap usapan here sa campus." ayan na nagsisimula na ang tsismisan sa loob ng room namin, pero anong tsismis 'yon. nakinig na rin ako sympre, sayang yan.

"si queenbee mga teh! kaya pala nawala na parang bubbles dahil naexpelled pati din daw ang shares ng dad nya here ay tinanggal" true ba, kaya pala nung lumabas siya sa room ng araw na binastos niya si Miss hindi na siya nakabalik. kinabahan tuloy ako bigla, what if omg!

"gaga ka andrea baka may makarinig sayo hinaan mo lang, baka peyknews yan ha. pero di nga na expelled si Stacy?" rinig kong sabi ni kyla, mag bff na chismakers!

"anong peyknews anteh, sa ganda kong 'to! syaka oo nga unli ka teh!" gago? saan banda. gusto ko sumingit sa usapan kaso baka sabihan akong epal.

"jusko inday, maghunos dili ka baka matamaan ka dyan ng kidlat susmaryosep ka!" sabay hampas ni kyla sa kaibigan niya. hay nako naman talaga.

"basta totoo 'yong sinasabi ko narinig ko 'yon sa mga officers ng SSC, sa tingin mo kabet si Miss Muñoz kaya may connection siya sa may ari ng school?." lah gago 'to ah, di ako natuwa sa sinabi niya.

"gaga ka teh manahimik ka nga dyan may makarinig sayo hayaan mo na nga 'yon, pero baka nga kabet talaga nuhh" saad ni kyla, na sinang ayunan din ng isang kutong lupang si marimar. mga bff talaga may mga saltik sa utak.

"hoy! gusto nyong isumbong ko kayo sa Student Council? naninira kayo ha." panakot ko sakanila, ayaw magsitahimik ampota.

niligpit naman agad nila ang gamit nila at lumabas agad, ang sama pa ng tingin sakin. tusukin ko kaya eye balls nila.

"gago ka, hayaan mo nga mga 'yan cheniee, isa ka din e. nakikinig ka pa sa tsimis ha." sabay hampas sa kamay ko. love language talaga namin ay physical abuse. laging nagsasakitan.

"namo! 'wag ka ngang nanghahampas, namumula na kaya balat ko!" nag action naman ako na hahampasin sya pero di ko tinuloy, kawawa naman nabububog ko na 'to kanina e.

"oh uto uto, nga pala kanina naiwan ko kayo sa canteen, nag stay kayo ng matagal don?" tanong ko kay ella.

"pagka alis mo, umalis na rin kami non e, bakit namiss mo na agad si ronron mylabs?" ngiting asar ni ella.

"yuvk kadiri anong mylabss, pangit naman ng cs nyo if ever." sabat kong sabi sakanya, tinarayan niya naman ako.

bago na sakit nito e, dati baluktot ang english na ngayon ay tumino na,ang pumalit naman ay ang mata niyang walang katapusan sa pag ikot. parang kinukumbolsyon ampota.

"nyenyenye" pang asar ni ellangot, isip bata talaga

"oy nga pala beshy sa monday foundation day na, anong club pala pipiliin mo?" tanong sa akin ni ella, ang bilis naman parang kailan lang pasukan namin tas ngayon f. day na.

sa university namin ay pinagsasabay ang foundation day at choosing of club kung saan ka man sasali, sa ibang school it's a organisation but this university ay club ang tawag. may balak ata silang magtayo ng bar. kimmi.

"hindi ko pa din alam, undecided pa" saad ko kay ella, hindi ko naman talaga alam kung saan, hanggang ngayon kasi iniiisp ko tuition ko, lalakarin ko na 'yon bukas. buti nga nakakapasok pa ako e, ang alam ko pag hindi pa nakakabayad hindi makakatake ng mga subs, pero malay natin nagbago ang pamamahala nila. buti nalang!

kinakabahan din ako dahil bihira lang na magkaroon ng scholar dito, hindi ko alam if papayag sila na mag apply ako for scholarship. may maipagmamayabamg naman ako pagdating sa acads kaya nga lumalaban ako dati.

bahala na!

"ikaw ba anong club sasalihan mo." tanong ko kay ella.

"Drama Club sasalihan ko." saad na sabi ni ellangot na parang bingot, joke maganda 'yang ate ko, dinodogshow ko lang.

"aba'y sakto ah madrama ka. pwedeng pwede kana mag emote don." birong pagkakasabi ko sakanya. manghahampas na naman sana buti nakailag ako. muntik na!

"omg beshy! alam ko na pwede mong salihan! no'ng nasa highschool palang tayo nagpapa drawing ako sayo diba, kaya nga naging close kita." nagkakilala kami nong nasa grade 7 palang kami, hanggang ngayon kasama ko pa rin, sawa na ako sa mukha nya, joke lang. pero ano konek?

"oh ano na naman, papa drawing ka ba lika lagyan kita talong sa noo." kumuha ako ballpen. 'yon lang pala e.

"gago! 'wag ka nga, ang gusto kong sabihin sa Art Club ka sumali bano!"

" makabano ka 1+1 nga!" paasar kong tanong kay ella.

"sympre eleven." nag apir naman kaming dalawa, ayan kaya vibes ko 'to e.

"galing mo don ah, pasapak nga! pero pag isipan ko 'yong sinabi mo, medyo nalimutan ko na eh, stick man nalang kaya ko." nag drawing naman ako ng stick man sa notebook ko para ipakita kay ella. tawa naman sya ng tawa.

haba ng chika naming dalawa kaya naman lumabas na kami, mabuti na rin at maagang natapos ang ibang klase namin.

"hatid na kita sainyo cheniee" presentang saad ni ella.

"bait ah, tara." ngiting aya ko naman sakanya.

papunta na kami sa parking lot ng makita kong may dalawang taong naguusap teka si Miss Muñoz 'yon ah, tinignan ko naman ang kausap niya isang matangkad na lalaki. may dalang bouquet of flowers, mukha namang palaka. mukha lang mayaman.

nakatalikod kasi si Miss D-emonic kaya di ko alam kung ano ba talaga ang ginagawa nila sa may parking lot. nagulat nalang ako ng biglang niyakap nung guy si Miss Muñoz. ang sakit nila sa mata, tangina bakit ako nasasaktan, hindi yata basta hindi erase erase, I'm not hurt! final.

"oy beshy sino tinitignan mo dyan." bigla siyang tumingin sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina.

"owww si Miss Muñoz may labidabs na pala, ang pogiii ng guy omg!" tinapakan ko naman si ella para tumigil kakangiti, nakakabanas.

"saan pogi dyan, mukhang palaka!" asik ko na may pang huhusga, totoo kaya.

"bulag ka ba? ang pogi kaya tas ang bango pa tignan." mabango my ass!

"tara na nga, nababadtrip ako lalo e!" hinila ko si ella kung nasaan naka parking ang sasakyan niya.

"meron ka ba? halos di na madrawing mukha mo jusko ka!" hinawakan niya naman ang noo kong nakunot. pinalo ko kamay niya ang likot likot kasi pinagpipisil mukha ko.

hanggang sa umuwi ako ng bahay nakasimangot ako, si ella naman ay tawa ng tawa inaasar pa ako.  The nerve of that woman! ano bang pinaglalaban ko!? tangina naman. may pasok pa ako mamaya sa trabaho, tulog ko nalang muna 'to.

"chene" nagulat na lamang ako dahil may tumawag sa likuran ko.

TO BE CONTINUED...

The Obsession of Tiarra Avienne Muñoz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon