CH-27

1.5K 49 4
                                    

[Alchene]

nabigla naman ako sa nakita ko dahil ang laki ng pinagbago ng itsura niya, ang dati niyang mga mata na naguumapaw sa sigla sa tuwing tatawagin ako ay wala na, napalitan na ito ng kalungkutan. Ang lalim din ng mga eyebags niya, 'yong totoo anong nangyare sakanya? napatanong nalang ako sa sarili ko.

"J-jake? anong nangyare sayo? kamusta kana?" sunod sunod kong tanong sakanya, hindi pa rin ako makapaniwalang siya 'to, ang payat niya na lalo.

"isa isa lang chene, mahina kalaban." nagawa niya pa rin talagang magbiro, sumilay naman ang kaonting ngiti sa kanyang mga labi ngunit hindi na katulad ng dati.

"wag ka nga dyan, sagutin mo na tanong ko." pasungit kong tanong sakanya.

"kakalabas ko lang ng ospital, medyo napuruhan talaga ako buti hindi natuluyan." saad naman niyang nakatingin sa akin, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o sarcastic lang.

"nabalitaan ko ang nangyare sayo non, kaya nga pumunta ako sa ospital kaso nung pumunta ako bigla ka naman natakot, hays!"
pagmamaktol na sabi ko sakanya.

"pasensya kana chene natrauma lang siguro ako kaya ganun ang nangyare, sorry talaga kaya nga pumunta ako dito sa apartment mo ngayon para makita ka." lumapit naman siya ng kaonti sa akin para hawakan ang kamay ko.

"ayos lang 'yon, gusto lang naman kita makamusta that time maiba nga pala tayo anong nangyare sayo? bakit na ospital ka?" sabay tanggal ko sa kamay ko na hinawakan niya.

natauhan naman yata siya sa ginawa niya kaya bigla siyang lumayo ng kaonti sa akin.

"so-sorry chene, nga pala naalala mo nung pumunta ako sa apartment mo?" inalala ko naman syaka ako tumango, kinukulit niya ako that time at talagang ayaw magpapigil tumulong pa talaga sa paglalaba.

"oo, naalala ko. bakit?" tanong ko na may pag uusisa sakanya.

"paguwi ko kasi non may humarang sa aking itim na sasakyan at armadong mga lalaki, kinuha nila ako at dinala sa isang bakanteng warehouse, pagkatapos non bago nila ako bugbugin may tumawag sa isa sa mga lalaking nagdala sa akin doon. pagkatapos nilang makausap ang nasa phone ay binugbog nila ako at pinagpapalo."  nagulantang naman ano sa sinapit ni jake, kaya pala ganon nalang siya magreact noong pumunta ako. talaga palang natrauma siya. I feel sorry for him.

"may atraso ka ba sa sakanila? may sinabi ba sila sayo?." tanong ko kay jake, impossible naman kasing bugbugin siya ng walang dahilan.

"nung halos mawalan ako ng malay may nakita akong isang babae kaso ang labo ng paningin ko dahil sa suntok na natamo ko, may sinabi siya sa akin pero hindi ko lang maintidihan." kumunot naman ang noo ko paanong may babae? akala ko ba lalaki nambugbog sakanya? naguguluhan ako.

"akala ko ba mga armadong lalaki nambugbog sayo? how come na may babae?" tanong ko sakanya, so confusing!

"hindi ko na alam, sobrang hinang hina na ako pero may sinabi 'yong babae sa akin, 'yong boses niya malumanay pero parang may galit." nagiiisp pa rin ako kung sino ang may gawa sakanya non, baka naman may ex girlfriend 'to tas niloko niya? what if.

"baka naman may ex gf kang may galit sayo jake?" asik kong tanong sakanya.

"ha? wala ah syaka isa palang naman nagiging ex ko, ayaw nga non na nasasaktan ako." ngumiti naman siya, siguro may pagtingin pa 'to doon. halata e

"nako, inlove ka pa rin ata sa ex mo e, anyway may nabanggit ka sa akin diba? may sinabi yong babae sayo? tama ba?" tumango naman siya sa mga tanong ko.

"hindi na ah, yung malinaw lang na narinig ko ay 'back to back' ata? ay hindi 'back off' ata yon. basta may back yun na salita. hindi kolang maintidihan kasi papikit na ako non, syaka hayaan mo na 'yon chene." ang hirap naman nito kausap, pero sabagay pag sobrang hinang hina kana wala kana talagang maririnig na maayos .

The Obsession of Tiarra Avienne Muñoz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon