Chapter I

27 1 0
                                    

"I am just dreaming of nana's biko right now."

Napangiti ako sa sinabing ito ng kapatid ko. Hindi ko siya masisisi, walang tatalo sa biko ni Lola.

"Naglalaway na talaga ako, Gracie. Ikaw ba?"

Hindi na niya napigilan at ako'y kanyang hinawakan.

I know there's no stopping my sister. Kapag ang isip niya ay naka-fix na sa isang bagay, for sure ito na ang magiging topic namin hanggat makarating kami sa ancestral home ni nana.

"Alam mo ano'ng mas magandang gawin?"

Tanong ko naman ditong nakangisi.

"What?"

Walang pasumbaling pinindot ko ang power button ng bintana ng sasakyan. Napahiyaw si Annie nang biglang nagliparan ang kanyang nakalugay na buhok.

Humagalpak ako ng tawa na hindi nya ikinatuwa. Dali-dali nyang pinindot ang switch para isarado ang bintana malapit sa kanya.

"You're so mean." sambit pa nito na inirapan ako at nagsumbong kay mommy at daddy.

Nginisihan ko lang siya at itinuon ko na ang pansin ko sa asul na dagat.

Ako'y napapikit at napasinghap na lamang sa presko at maasin na samyo ng hangin. I always loved the sea. Isa ito sa mga dahilan kung bat hindi ko na ininda ang nakakarinding reklamo ng kapatid ko. As of now, their voices are just background noise.

Nothing matters but the feeling of freedom and the taste of hot, summer sun on my skin.

On the very first day of summer, rain poured.

Itinapon ko ang librong hawak-hawak ko sa kama. Plano ko sanang bumaba sa beach kanina at magbasa, but the weather has other plans.

Ikanga nila, you cannot fight fate. It's meant to rain today at wala na akong magagawa dun. Some things need to be accepted. Pero hirap akong tanggapin ang notion na 'to.

I have this belief na lahat ng bagay ay magagawan ng paraan. And not all that' s happening should be accepted passively.

Napabuntong hininga na lang ako at wala sa isip na hinawi ang kurtina sa pinto ng veranda. Sumasayaw-sayaw ang mga puno sa lakas ng hangin at walang patawad ang ulan sa pagbuhos. May kaakibat pang malakas na pagkulog at pagkidlat.

Then, I have taken action on my crazy idea. Wala ano-anong binuksan ko ang pinto at lumabas ng veranda. Wala pang isang minuto ay basang-basa na ako.

Napahiyaw na lang ako sa lamig na dulot ng hangin at ulan pero hindi ko napigilang mapatawa at mapasayaw. If there is one thing I cherish the most, it's the feeling that I am free and that I have everything under control whatever the circumstances might be.

Pero sabi nga nila, minsan mapaglaro ang tadhana. Just when I am enjoying the rain, nabalot ako ng hilakbot nang may naghiyawang mga lalaki.

Napayakap ako sa aking sarili dahil alam kong bakat na bakat sa katawan ko ang puting long sleeve na pinangtakip ko sa suot kong pulang swimsuit. Napatunganga na lamang ako sa mga ito.

Malayo at nasa baba man sila ng beach pero sa posisyon ko sa taas kitang-kita ko silang nagtatawanan at nagkakawayan pa. Hindi ko malaman kung ano'ng gagawin. I just stood there and stared like a deer on a headlights.

Tatalikod na sana ako nang ang isa sa kanila ay huminto at kumaway ng maayos. It's like he's letting me know that he sees me. It's not good to assume, but, I still assumed that he's smiling while doing so.

Wala man sa hinagap ko pero napangiti na lang din ako at kumaway ng kaunti sa kanya bago ako pumasok muli sa kwarto at sinara ang pinto.

Well, this summer is turning into something unexpected.

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon