Chapter II

14 1 0
                                    

Ukay-ukayan ni Goring.

Isa ito sa mga hotspots na pinupuntahan namin ni Nana tuwing summer. Ang saya sa pakiramdam na makakabili ka ng mga branded na gamit sa murang halaga.

Our parents won't let us do this for reasons that we couldn't accept. Sabi kasi ni mama when you wear used clothes or when you use used things, the previous owner's energy is transfered to you. Nana on the other hand doesn't believe in such things.

For precaution, I followed Heart Evangelista's suggestion. It is to cleanse and bless these things with holy water after washing them.

"Wala na ba kayong bibilhin?“ ika ni Nana nang nakalabas na kami sa ukay-ukayan.

" I think I'm good." nakangiti kong sagot at ipinakita pa ukit sa kanya ang mga cellophane na may lamang mga damit.

"Kumain na tayo, Nana. Gutom na talaga ako." sabi ni Annie na nakasimangot na.

"Dun pa rin ba sa buko house?" pagkumpirma pa ni Nana.

"Oo naman, Nana." sagot ni Annie na pumapara na ng tricycle.

After a few minutes, nakarating na kami sa buko house. Walang araw na pumunta kami rito na hindi busy. Laging maraming tao sa kainang ito. Maliban sa masarap na mga pagkain, maganda rin ang pwesto ng buko house. Kaharap nito ang pristihiyosong white sand beach na dinadayo ng mga turista.

Naupo kami sa mga kubo-kubo sa labas ng restaurant na nakaharap sa mismong beach.

"Good afternoon, ladies. May I take your orders?“

My ears was captured by that deep, manly voice at napatingin ako sa nakaputing waiter.

Hindi ko man sinasadya pero napamulagat ako nang magkatagpo ang aming mga mata. Nakangiti ito sa akin. Napaawang na lamang ang aking mga labi.

I am speechless. In front of me is Mario. The boy I once promised myself to marry.

"Hello, Nana. I am not expecting to see you here. Kamusta po kayo?" tanong nitong nagmano pa.

"Mario. Abay nagsa-sideline ka ba at ikaw ang waiter namin?“ abot tenga ang ngiti ni Nana. Bata pa lamang kami, masasabi nang paborito nya ang binata.

"It's peak season, Nana so I just thought that I could help out. Besides wala naman din po akong ginagawa." Medyo slang pa rin ito. Hindi maitatago ang kanyang Australian accent.

"Napakabuti mo talagang bata." sambit ng aking abuela.

"Hello, Mario! Can you still remember me?" singit naman ni Annie na kulang na lang ay labasan ng hearts sa mga mata.

"Of course, Annie." aniyang tumingin sa kapatid ko. "And, Gracie." tumitig ito sa akin.

Tiniklop ko amg aking bibig at napalunok na lamang.

The Mario I knew was good-looking pero ang Mario na nasa harap ko ay wala sa aking hinagap.

I thought time would change his features and minimize them. What I haven't taken into consideration is the fact that they have good genes. Half Spanish. Naalala ko ang malaking painting ng namayapang si Don Lucio sa bahay nila. Si Mario ang buhay na version nito.

Matangos na ilong, chiseled face, light brown eyes na nangungusap, at mapulang mga labi.

I couldn't find the words to describe how I'm feeling right now with this mini reunion.

"It's nice seeing you again." Again, I was saved by my sister.

He smiled. "Well ladies, I would love to catch up with you, but I know you're all starving."

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon