Chapter VIII

13 0 0
                                    

"Mabuti na lang at magaan ang loob ko sayong bata ka." ani Nana kay Mario na napangiti na lamang.

Kahit noong mga bata pa kami ay sweet na ito kay Nana. Ilang araw din siyang pabalik-balik dito sa bahay para ipagbiyak ng kahoy ang abuela. Tumulong din siya sa iba pang gawaing bahay at pagkukumpuni ng kung anu-ano.

Nagkasakit daw si Mang Nick kaya naman hindi na nakatanggi si Nana sa pangungulit niya.

Pero may hinala akong binayaran niya ang matandang lalaki na hindi pumasok. Knowing Mario, he always have a trick or two down his sleeve.

Off-limits ang kwarto ko sa kanya pero pag nagawi ako sa likod bahay para maghatid ng meryenda ay wala kaming sinayang na oras.

Our kisses were not innocent at all. It's fiery and rough. Yang tipong pagkatapos ay parang kulang pa rin.

One time pa nga ay nahuli kami ni Annie and all she had to say was, "Get a room you two."

Annie is a conundrum. Nagsusumbong ito about little things but when it came to this, she's supportive.

Habang nagpapaalam kami kay Nana at nagkakarga na ng mga maleta sa van na naghihintay ay hindi ko mapigilang i-assess ang aking sarili.

With what's going on, I could say that I might be losing my virginity soon. I once promised myself to only lose it on my wedding bed, but with Mario it felt right.

I know I am making a big decision. Something that I might regret someday pero marami namang mas bata pa sa akin na binigay na ang kanilang v-card.

Makulimlim ang kalangitan at tamang-tama namang nakaalis kami sa bahay saka bumuhos ang malakas na ulan.

"Are you okay?" Tanong ni Mario na hinalikan ang kamay ko.

I smiled and nodded.

"What are you thinking, then?" Aniyang minasahe ang noo ko.

"I'm just happy to be spending this time with you."

"Me too, princess. Me too."

At hinalikan niya ako sa noo.



Malalakas na alon ang bumungad sa aming lahat sa pier. Hindi rin makaalis ang mga lantsa at bangka na ibinook nina Dale dahil sa sama ng panahon. Nauna na ang mga ikakasal sa venue kanina pang umaga, kami na lamang na mga abay ang wala pa roon.

I could feel Mario's stress from all of these. He kept on calling his brother. Habang nakaupo ako sa bench katabi si Annie, nakikita kong nagtatalo ng bahagya ang magpinsan.

When you look at Mario and Keno, you would see that they're alike and different at the same time.

They both have those light brown eyes, straight nose, and lips to die for. Mario has this boy-next-door aura while Keno has that bad boy look with the buzz cut and tattoos.

All I know is that isang taon lamang ang agwat ng edad ng dalawa kaya close ang mga ito. Keno is an only child while Mario has Dale.

"Hey, sis. Wag mo masyadong tingnan si Papa Mario at baka matunaw." ani Annie na siniko pa ako.

"Luka-luka ka. Bat ba napapansin mo halos lahat ng galaw ko?"

"Like duh! Ngayon lang kita nakitang ma-inlove ng ganyan no. At least I have something against you now. Kaya umayos-ayos ka para hindi kita isumbong kay mama at papa."

Natawa naman ako. "As expected, nag-iipon ka na naman ng bala. Just wait 'til I find out some of your secrets."

"Asa ka pa. Magaling kaya akong magtago."

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon