Ito na ang araw ng practice. Haist! Bakit ba kanina pa ako kinakabahan? makakapartner ko lang naman sya sa sayaw di ba?
"Ready? Punta na tayo sa court harthart" sabi ni Joe sa akin.
"Yeah and please stop calling me harthart, Joe. Nakakainis. Tsaka mamaya, may ibang makarinig sayo" sabi ko sa kanya habang naglalakad ng mabilis papuntang court. Naramdaman ko naman na hinabol nya ako upang makasabay.
Habang naglalakad kami ang dami nyang sinasabi. Bahala ka dyan! Kausapin mo sarili mo. Tumigil lang sya nung nakarating na kami sa court.
Umupo muna ako sa isang gilid upang hintayin ang iba pang representative ng kutilyon. Naramdaman ko naman na tumabi sya sa akin and guess what, kinukulet na naman nya ako. Hindi talaga nauubusan ng kakulitan itong taong ito.
"So guys pila na kayo dito. Start na tayo ng practice" sabi ni Sir. Franco, sya ata ang magiging choreographer namin. Dati syang sikat na dancer ng school noong nag-aaral pa siya dito.
"Harthart, tara na daw dun sa pila" sabi ni Joe habang nakalahad yung kamay nya. Siguro para alalayan akong tumayo.
"Oo narinig ko. At pwede ba, kaya kong tumayo at maglakad papunta dun noh kaya ialis mo na ung kamay mo" mataray kong sabi sa kanya saka tumayo at naglakad papuntang pila .
Habang inaayos yung pila namin ramdam ko ang katahimikan na pinakita nya, siguro natamaan sya sa mga sinabi ko. Nakokonsensya man ako, mas okay na ito. Mas mahihirapan kasi ako pagmasyado na syang malapit sa akin. Ayaw ko ng maattract pa lalo sa kanya.
"1st step syempre ang hawakan ang kamay ng kapareha nyo" sabi ni sir Franco.
Tinignan ko sya sa mga mata at mukha syang nagtatanung kung pwede niyang hawakan ang aking kamay. Bilang tugon, tumango ako sa kanya at nakita kong muli na nilahad nya iyong kamay nya sa akin.
Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo simula ng magdikit ang aming mga palad. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malagkit. Shit! What is happening to me?! For God sake, nagdikit lng ang mga palad namin pero bakit pakiramdam ko hindi lang iyon ang nangyayari.
Noong akma kong huhugutin ang aking kamay, naramdaman kong humigpit yung kapit nya sa akin para bang ayaw nya akong bitawan. Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang ngiti nya sa mga labi.
"Ma-makangiti wagas?" - pagpapagaan ko sa sitwasyon. Masyado na kasi akong natetense eh.
"Syempre naman, at last nahawakan ko din ang kamay ng harthart ko" nakikita ko yung maganda nyang ngipin habang nakangiti sa akin.
"Che! shut up" sabi ko sa kanya sabay irap.
"Hahaha, love you harthart " sabi ni Joe habang magkahawak pa din ang aming mga kamay.
Tuloy tuloy lang ang practice namin pero parang walang pumapasok sa utak ko. Masyadong occupied ang isip ko sa presensya ni Joe.
"Okay guys, tapos na yung practice natin ngayong araw, makakauwi na kayo." sabi ni Sir. Franco. "Ms. Valdez saglit lang"
"Anu po ung Sir? tanung ko.
"Siguro naman napapansin mo na ang dami mong error kanina right? Parang wala ka sa sarili mo." Seryosong sabi ni Sir Franco sa akin.
"Sorry po sir" paghingi ko ng paumanhin.
"Mr. Roxas." tawag ni sir kay Joe. "Pwede mo bang turuan si Ms. Valdez ng mga step? Nahihirapan ata sya makuha eh."
"Sige po Sir, wala pong problema" nakangiting sagot ni Joe.
"So Ms. Valdez, si Mr. Roxas na magtuturo sayo. Sana naman makuha mo na ung mga steps. Sige mauna na ako sa inyo" pagpapaalam ni sir.
"Paanu ba yan harthart, may extra practice pa pala tayo. hahaha" sabi ni Joe habang may malawak na ngiti na naman sa mga labi.
"Tsk!"
Anu na bang nangyayari?! Di ba dapat lumalayo ako? Jusko lord, anu po ba talaga ang gusto nyo.