The next day....
"Harthart kelan tayo magpapraktis at para maturuan na kita ng mga steps na hindi mo makuha" tanung sa akin ni Joe habang nakaupo ako sa bench kung saan hinihintay namin ang ibang representatives.
"Hindi ko alam. Wala na akong free time bukod sa pagpapraktis dito kasama sila noh" sabi ko sa kanya na ang tinutukoy ay iyong iba naming kasama sa kutilyon.
"Eh panu yan, hindi na pala kita masosolo" pabulong nyang sabi
"Anu?!" medyo mahina kasi eh tapus anung masosolo yung sinasabi nya.
"Ang sabi ko hindi na pala kita matuturuan ng tayong dalawa lang, nakakainis naman" malungkot na sabi nya. Alam nyo ba yung batang nagtatampo. Ganun ung itsura nya. Parang timang lang.
"Eh?! Bahala ka na dyan." Hindi naman na nya ako pinansin nun. Sakto namang dumating si Sir Franco.
"So guys start na tayo. Punta na kayo sa mga pwesto nyo" sabi ni Sir Franco. Bigla namang napatingin si Sir sa direksyon namin.
"Mr. Roxas, di ba sinabi ko sayo kahapon na turuan mo si Ms. Valdez?" pagpapaalala ni sir kay Joe.
"Yes sir" sagot ni JJ. "Kaso sir may problema po eh. Wala na daw pong vacant time si harthart.. este si Ms. Valdez po pala bukod sa pagpapraktis dito"
"Ah ganun ba. Okay sige ganito na lang. Tuwing praktis hindi na kayo sasabay sa amin. Kung baga bubukod na yung praktis nyo sa amin para makapag concentrate ng mabuti si Ms. Valdez. So dun na lang kayo sa theater room magpraktis. Okay?" Sabi ni Sir Franco.
"P-pero.." aangal pa sana ako kaya lang biglang umalis na si sir Franco at magpapraktis na daw sila. Grabe na ito. Parang sinasadya talaga na pagsamahin kami eh.
"Tara na harthart, ng maturuan na kita" sabi nya habang hila hila nya ako papuntang Theater Room. Grabe ngiting-ngiti sya eh. Akala mo nanalo ng lotto eh. Tsk!
Sawakas nakarating din kami. Grabe sakit ng kamay ko! Masyado kasing nagmamadali eh. Akala mo hinahabol ng kabayo eh.
"So tara umpisahan na natin" sabi ni Joe
"Okay" yung feeling na wala naman akong magagawa.
"kagaya ng sabi ni Sir ang 1st step ay hawakan ang kamay ng kapareha mo" Hinawakan naman na nya ung kamay ko. And as usual nakakatense pa rin. Parang may kuryenteng dumadaloy sa inyong dalawa.
"2nd step. Be comfortable." Nakangiti nyang sabi.
"Magpapraktis ba tayo o maglelecture ka muna" walang ganang sabi ko.
"Pwede ba makinig ka muna sa akin" grabe ang seryoso naman nya masyado. Nakakatakot! Parang kanina lang eh ang kulet pa nya tapos biglang naging seryoso. Mood swing?
"Tsk. okay" sabi ko.
"Katulad ng sabi ko kanina. Maging komportable ka. Hindi mo kailangan mailang sa kapartner mo. Isipin mo na lang pagnailang ka, satingin mo ba hnd maiilang ang kapartner mo?" Tanung nya sa akin.
"Aba malay ko" walang kwenta kong sagot.
"Next. Relax. Isipin mo lang lagi na your enjoying. Iyon ang magpapagaan ng pakiramdam mo. Promise magiging Graceful ang galaw mo." Sa tingin nyo, panu ako magrerelax eh yung cause ng stress ko yung taong malapit sa akin na nakahawak sa kamay ko. In short kapartner ko?
"Haist. Okay Last step is Trust. Kailangan mong magtiwala sa kapareha mo. Isa iyon sa pinakamahalaga. You need to trash all your worries and fear. Magpaubaya ka. Hayaan mong dalhin, alalayan at isayaw ka ng kapareha mo" - Joe
Woshu! Trust? Parang may pinanghuhugutan lang eh.
"Okay. okay naintindihan ko na." sabi ko "start na tayo?"
Tumango sya bilang tugon. Bigla nya hinawakan ng kanan nyang kamay ang bewang ko samantalang nakahawak pa rin sa kamay ko ang kaliwa nyang kamay.
SH*T!! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako mapakali na parang ewan.
(a/n: nararamdaman nyo ba? o naramdaman nyo na?)
Dahil sa sobrang kaba, naapakan ko ang isa nyang paa.
"Sh*t. Sorry" hingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Okay lang, just continue. And please remember all the things that I said earlier. Be comfortable, relax and trust me." Pagpapaalala ni Joe sa akin.
"O-okay" Hindi ko na alam ang nangyayari. Basta pakiramdaman ko, isa akong prinsesa na sinasayaw ng isang prinsipe. Ramdam ko ang pag-iingat na ginagawa nya upang mas maunawaan kong mabuti ang mga steps.
Grabe! Parang ang galing galing ko na tuloy magsayaw. hahaha.
So far, natapos kami na ang dami kong natutunang steps at hindi lang yung, mas naging komportable na ako sa kanya.
"Ang bilis mong matuto harthart ah. Ang galing kong magturo noh? haha" pagmamalaki nya sa sarili.
"Yeah whatever" maikli kong sagot. Tama naman sya eh. Ang galing nyang magturo. Tatatak talga sa kukute mo lahat nung sinabi nya. "Sige uwi na ako. Bye"
"Babye harthart! Ayaw mo ba magpahatid?" Tanung ni Joe
"Wag na noh. Magkaibang way kaya daan ng bahay natin. Gagabihin ka pa masyado" sabi ko sa kanya.
"Hindi kaya. Nasa puso mo lang yung bahay ko eh. haha " banat nya sa akin.
"Eh?!" anu daw? Alam ko namang nagbibiro lang sya.
"Haha wala. Sige na. Babye harthart. Ingat sa pag-uwi. Lovelots" paalam nya sa akin.
"Mukha mo! Che!" Pagtataray ko.
Salamat naman at medyo okay na ako. Sana hindi ako magkamali mali sa araw ng presentation. At sana din matapos na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/13607832-288-k611553.jpg)