Hinawakan nya yung kamay ko dahilan upang mapatigil ako sa pag-alis.
"Anu ba talagang problema mo?!" naiinis nyang sigaw sa akin.
"Anung problema ko? ikaw! ikaw ang problema ko. Hindi ko na alam kung paano iha-handle ang sarili ko pagdating sayo. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang puso ko na tuluyang mahulog sayo. Hindi ko na alam!!! Ayaw ko ng magmahal kasi masakit, hindi ko kaya." mahabang paliwanag ko sa kanya habang unti-unting tumutulo ang aking mga luha.
Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko. Halo halo lahat ng nararamdaman ko. Lungkot, selos at sakit na kung hindi ko ilalabas lahat baka mas lalo lang akong masaktan.
"HA?!" naguguluhan nyang tanung.
"Manhid! Mahal kita t*ng*! Mahal kita at ayaw ko ng mas lalong mahulog sayo. Ayaw ko na. Kaya kung pwde lang bitawan mo na ako, gusto ko nang umalis--"
Ramdam ko ang malambot nyang labi na humahalik sa aking mga labi upang patigilin ako sa pagsasalita. Pakiramdam ko tumigil na ang pag-ikot ng mundo. Gulat, pagkalito, saya qt lungkot sa ginagawa nya ngayon. Tumigil sya at tinitigan ako ng mabuti sa mata.
"Bakit kailangan mong umalis, lumayo at umiwas sa akin kung mahal mo pala ako? You know what, you are taking away your happiness dahil dyan sa ginagawa mo. Hindi mo ba alam na laging kasama ni happiness si pain?" Tahimik lang ako sa lahat ng sinasabi nya.
"Sa pagmamahal kailangan mong mag-take ng risk. Hindi porket nasaktan ka na dati, hindi ka na susugal ulit" paliwanag nya sa akin na nakatingin pa rin ng maigi sa aking mga mata.
"Kung hindi pala madaldal yang bestfriend mo hindi ko talaga malalaman yung problema mo sa akin." nakangiti nyang sabi sa akin. "Saka siguro hindi ako magkakalakas ng loob na lumapit sayo ngaun. Tapos kung hindi daldalera yang bestfriend mo, habang buhay na siguro nating pagsisihan na hindi man lang tayo nagkatuluyan."
"ANU?!" hindi ko maintindihan. Further explanation please.
"Engot mo naman harthart eh! Ang ibig kong sabihin mahal din kita. Matagal na. Kaya lang sobrang sungit mo kasi sa akin eh kaya hindi ako makaporma, pero ngaun na napatunayan ko na yung tunay mong nararamdaman sa akin hindi na kita pakakawalan."
Hindi ko alam kung paano magrereact sa mga sinabi nya. Mahal din nya ako? Parang lumulutang ung utak ko kung saan-saan. Grabe! Ibat-ibang emosyon ang naglalaro sa damdamin ko ngaun.
Gusto kong umiyak.
"So Kei, my Harthart, can I call you mine? now and forever?" tanung nya sa akin habang nakahawak sa akin mga kamay at nakatitig sa aking mga mata.
Sobrang saya ng pakiramdaman ko ngaun to the point na wala na akong masabi.
Magpapaka choosy pa ba ako? Syempre hindi na noh! Tumango na lang ako bilang tugon.
Hindi ko na talaga mapigilan, nag-uunahan na sa pagtulo ang aking mga luha hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa sobrang saya.
Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.
"Salamat dahil minahal mo ako. Salamat at pinagkatiwala mo sa akin ang puso mo. Hindi ko masisigurado na hindi ka iiyak o masasaktan, pero sinisugarado ko na kahit anung mangyari ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Mahal na mahal kita harthart."
"Naniniwala ako sayo at mahal na mahal din kita" A wonderful kiss to seal our promises and love.
END
-------------------
📎 Medyo pangbaget baget pa yung story na ito kaya pasensya na po 🤭 Hopefully, kahit short lang sya ay nagustuhan nyo ☺️ Thank you po 💋
