Uwian na pero hindi pa rin ako pinapansin ni Kei, galit o nagtatampo nga ata sya sa akin. Ang tangengots ko naman kasi eh. Nakisali pa ako sa mga kaklase namin na nang-aasar sa kanya kay Joe.
Lalapit na nga ako sa kanya para magsorry, ayaw kong maghiwalay kami ngayong araw na hindi nagpapansinan.
"Beshy Kei sorry na oh! Please. Natutuwa lang kasi ako kanina eh. Ang cute cute nyong tignan ni Joe kanina - kilig to the bones hindi lang ako pati mga kaklase natin. Nakita mo din si ma'am naki-join din kanina." Niyakap ko sya ng mahigpit para ramdam nya yung sincerity ko. Tinignan nya ako tapos huminga sya ng malalim.
"Ok lang. Sorry din beshy Miu at hindi kita pinapansin kanina. Masyado na naman ako nagpapadala sa emosyon ko. Sorry ha. Pero sana wag nang mauulit yun. Hindi ako natutuwa sa ganung biro at kantyaw. Ayoko ng mafall tapos eventually marereject din lang. Alam mo naman yun diba?" Malungkot na sabi ni Kei. Kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot at takot.
"Syempre naman beshy. Sorry talaga" saka ko sya niyakap ng mahigpit. Alam ko ang sitwasyon nya. Mahirap talagang masaktan kasi tatatak sa isip mo yung pangyayaring yun.
Kelan kaya sya makakawala sa nakaraan? Sana dumating na ang knight in shining armor nya ng hindi na sya mukhang damsel in distress sa past nya. Masakit na makita na nasasaktan ang beshy ko at higit sa lahat ang nakikitang nangingibabaw ang takot sa kanya na sumubok magmahal ulit.
~short chapter lang po. Sowie!