Heart 2

34 3 0
                                    

"Riiinnggg" tunog ng bell hudyat na ang nga klase ay magsisimula na.

"Good Morning Ma'am" pagbati namin sa aming guro.

"Good Morning din, sya nga pala hindi na tayo magkakaroon ng final exam dahil lahat kayo ay required na pumunta sa JS Prom, so dun ko na lang kukunin ang grade nyo sa finals." pahayag ni Mrs. Flores

Biglang umingay sa loob ng klase, marami sa kanila ang excited sa nalalapit n JS Prom. Tsk! Ayaw kong sumama, wala naman akong gagawin dun eh.

"Siya nga pala class, kailangan natin ng representative which is isang lalaki at isang babae sa section natin para sa presentation ng kutilyon" dagdag na paliwanag ni Mrs. Flores.

"So ang representative ng lalaki ay si Mr. Roxas" sabi ni ma'am, halata naman na si Joe ang mapipili. Bukod kasi sa magaling sumayaw may itsura pa. Haler, magugustuhan ko ba sya kung hindi di ba?

"at sa babae naman ay si......" habang tumitingin sa amin si ma'am.

Lahat ng mga babae ay nagtaas ng kamay, maliban na lang siguro sa akin. Pati nga bestfriend kong si Miu gusto rin sumali. Haist! Bahala sila dyan, hindi naman ako interesado eh.

"..... Ms. Valdez" sabi ni ma'am habang nakatingin sa akin.

"P-Po?!" gulat kong tanung.

"Ikaw ang representative ng babae sa section natin, mukha kasing balak mong hindi pumunta eh" naka ngiting pahayag ni ma'am.

"Ma'am, sila na lang po. Hindi po ako marunong sumayaw" pagdadahilan ko.

"It's final. Take it and you will have a good grades or, leave it then you will failed the finals. Think wise Ms. Valdez"

Do I have any choice here? Ayaw ko namang bumagsak noh! Aba graduating na ako eh.

"YES!! Partner kami ni harthart. Good job ma'am, galing nyo talaga" sabi ni Joe sabay kindat sa akin.

"Oh... I smell something fishy here hahaha" natatawang pahayag ni ma'am.

"Ayiiee" Pang-aasar ng mga classmate namin.

"hahahaha" si Joe habang tinatawanan ako.  Arrgg!! Nakakainis! May gana pa syang matuwa sa lagay ko ngayon. Hayst.

Isa pa itong bestfriend ko, nangunguna sa pang-aasar. Kainis! Alam nya naman ung sitwasyon ko eh. Si Miu lang kasi ang pinaka close ko eh. Parang sister na sya sa akin. Halos lahat siguro ng sekreto ko, alam nya. Pati yung nararamdaman ko kay Joe.

"So Mr. Roxas and Ms. Valdez, just to inform you, araw - araw ang practice after class. It will start tomorrow. Are we clear?" tanung ni ma'am sa amin ni Joe.

"aye! aye! ma'am" masiglang sagot ni Joe samantalamang isang tango lang ang isinagot ko.

Haist! Juskolord help me. Please.

SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon