"Guys ready magready na kayo. Malapit na tayong magperform" paalala ni sir Franco sa amin.
After so many hard practices namin na umabot ng isang buwan. Ito na ang araw ng presentation. So far naging naayos naman ang praktis naming dalawa ni Joe kahit sobrang nahihirapan ako sa presensya nya.
Isang linggo na rin siguro simula ng sumama kami sa iba upang magpraktis. Kailangan kasi na alam namin kung saan kami pupwesto at para na rin magkasabay sabay kami.
Halata sa mga mukha nila na kinakabahan sila. Grabe kutilyon lang ito pero kung kabahan sila parang competition ang sinasalihan eh.
"kinakabahan ka din ba?" Tanung ni Joe sa akin saka humawak sa aking kamay.
"hi-hindi noh!" nauutal kong sabi.
"eh bakit na-uutal ka?"
Ikaw ba naman hawakan sa kamay ng mahal mo. Hindi ka ba kakabahan?
"Wala ka na dun at pwde ba wag kang hawak ng hawak ng kamay" saka ko tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Ready na ba ang lahat? Tayo na ang magpeperform. Punta na kayo sa pwesto nyo" sabi ni sir Franco
Nagpunta naman na kami sa pwesto namin at hindi mo aakalain na sa JS Prom kami magpeperform, paano ba naman ang daming estudyante tapos ang gaganda pa ng mga suot nila.
Pagkarinig namin ng musika, dahan dahan na kaming gumagalaw at sumusunod sa bawat indayog ng tugtog.
"Tandaan mo lang lahat ng sinabi ko sayo sa tuwing nagpapraktis tayo ha. Pangako, matatapos natin ito ng maayos" pagpapaalala nya sa akin.
"uh-uh" sabi ko na lang sa kanya.
Alam nyo ba yung pakiramdam na sobrang iniingat ka ng taong kasayaw mo. Sobrang sarap sa pakiramdam. Parang every steps sinisigurado nya na hnd ako magkakamali, na kailangan ko lang magtiwala sa kanya.
"Na sabi ko na ba sayo na sobrang ganda mo ngaun?" tanung ni Joe sa akin habang titig na titig sa mukha ko. Isip nyo na lang sinabi nya yan habang nagsasayaw kami. Grabe lang ha. Hindi man lang ba nya naisip na nakakatense iyong sinabi nya?
"Anu?" shit grabe ung titig nya sa akin nakakatunaw!
"Sabi ko ang ganda ng harthart ko" bulong nya sa akin habang magkadikit ang aming mga katawan. (a/n: ung parang magkayakap. Basta ung slow dance. Alam nyo yun kung nakapag JS Prom na kayo) "Ang sarap mong yakapin ng mahigpit. Kung hindi lang tayo nagpeperform, iuuwi na talaga kita hahaha"
"Che! Tumahimik ka. Pag ako nagkamali, bubugbugin kita" naku kaunti na lang susuntukin ko na sya. Grabe alam naman nya na nagco-concentrate ako eh. Tsk!
Tahimik naman na kami habang nagsasayaw pero ramdam ko na nakatitig sya sa akin. Grabe hindi ako makatingin sa kanya. Kinakabahan na naman ako.
So far natapos naman ung presentation namin ng maayos at makikita mo naman sa mga mata ng manunuod na nagandahan sila. Nagpasalamat na kami at umalis na sa stage. Paglabas namin sa stage, iyong iba pumunta na sa crowd upang makipagparty tapos yung iba kumain muna.
"Beshy!!!" tawag sa akin ni Miu tapus bigla nya akong niyakap. "ang galing at ang ganda ganda mo beshy. Ayos ang partnership nyo ni Joe ah haha "
Mang-asar daw ba? tsk!
Anyways papunta naman na kami sa mga kaklase namin na nagsasaya sa isang dulo ng hall. Grabe hindi ko agad sila nakilala. Paano ba naman, kung todo ayos ang mga itsura eh.
At dahil isa akong malaking loner, naupo lang ako sa isang gilid. Kahit may mga nag-aayang isayaw ako, hindi ko tinatanggap.
Habang tumitingin tingin ako sa paligid nakita ko naman na may ibang kasayaw si Joe.
Grabe! Bakit ako nasasaktan? Unang una sa lahat wala akong karapatang magselos. Hindi ko naman sya pag-aari. At hindi magiging pag-aari.
Bigla naman syang napatingin sa dereksyon ko. Naramdaman nya siguro na may nakatingin sa kanya. Nakita ko naman na nagpaalam sya dun sa babaeng kasayaw nya at unti-unti syang lumalapit sa akin.
"Harthart pwede ba kitang isayaw?
"Bakit pa? ang dami namang gustong makipagsayaw sayo ah. Tignan mo nga oh. Ang dami pang nakapila. Go dance with them" hindi naman halata na nagseselos ko nyan di ba?
"Nagseselos ka ba? Wag kang mag-alala, sayo ko gusto makipagsayaw" nakangiti nyang sabi sa akin.
"Nagseselos? sinu? ako? In your dreams!" saka ako lumayo sa kanya "Beshy Miu, uuwi na ako. Tinatamad na ako eh" paalam ko kay Miu saka lumakad palayo.