"Tingin mo Bes, inabangan kaya niya yung oras na nagsabog ang Diyos ng kagwapuhan at katalinuhan kaya nakuha niya lahat tapos nagtago pa siya ng extra" tanong ko sa bestfriend ko habang nakatanaw sa ultimate crush naming dalawa.
"Ano ka ba? Akala ko kaya tayo pumunta dito sa library ay para mag-aral hindi sumilay" saway niya sa akin.
"Excuse me lang po ah. Wag ka ngang magpanggap pareho lang tayo ng agenda dito, mag-aral at sumilay kay Kyungsoo. Awww, ang gwapo gwapo niya talaga" sagot ko sa kanya at muling tinitigan si Kyungsoo.
Matagal na kaming mag-bestfriend ni Charmaine since high school at hindi nagkakalayo ang mga gusto namin kaya nag-click kaming dalawa. Kaya nga kahit sa crush pareho kami. Yun nga lang mas una niyang nakilala si Kyungsoo since pareho sila ng course. Pero sabi nga nila, all is fair in love and war so kiber na kung magka-course sila ni Bes.
Oh wait! Let's talk about Kyungsoo . He's every girls dream guy lalo na dito sa University namin. Paano ba naman, hindi lang siya gwapo, sobrang talino pa kahit na mahirap yung course niya consistent Dean's Lister pa rin siya. He used to be a world math champion kaya naman hindi nakakapagtaka na engineering course ang kunin niya. Hay naku kung magaling lang din siguro ako sa Math baka course din niya yung kinuha ko kaso tulog na tulog yata ako nung binuhos yun ng Diyos.
"Ui, tingnan mo bes! May magtatangkang lumapit sa kanya" kulit ko kay Charmaine.
"Pwede ba tumahimik ka diyan baka mamaya mapalabas tayo dito." saway niya sa akin.
"KJ naman toh." Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin umalis ang tingin ko sa babaeng lumapit kay Kyungsoo.
Madami ng tumangkang mabihag ang puso niya kaso mailap talaga si Kyungsoo. Pano ba naman limited edition lang ang katulad niya kaya karapatan niya talaga ang tumanggi ,after all he's gonna be mine.
Oooppss. Delulu moment.
Napansin ko na nawala na ang focus ni Bes sa pag-aaral at tumanaw na din kay Kyungsoo.
"Celina Benitez, ang queen bee ng mga MedTech. Consistent Dean's Lister din yan si ate gurl at kasali sa Student Council plus last year's Ms. University. Will she pass or will she failed? " bulong ko sa kanya.
" Ang dami mo talagang alam. Kung hindi lang kita kilala baka isipin ko MassComm student ka."
"Hmmm, tingin mo ba dapat MassCom na lang kinuha ko? Anyways, pa-kunyari ka pa na walang pakialam. Syempre kailangan nating kilalanin ang mga possible competitor natin."
Lumapit si Celina kay Kyungsoo na may dalang cake galing sa isang sikat na bakery at mukhang may kasama pang love letter. Hay naku, they never learned. Mukhang may iiyak na naman mamaya.
In 3.2.1.
Umalis na luhaan si Celina matapos tanggihan ni Kyungsoo ang kanyang confession at mukhang may lecture pang kasama since tinuro niya yung sign nung "No Food and Drinks allowed" Kasi naman eh, alam naman ng lahat na strict sa school rules si Kyungsoo tapos dadalhin niya dito sa loob ng library yung cake. Sayang hindi ko narinig yung sinabi niya savage pa naman siya minsan.
"Bes! May pag-asa pa tayo"
Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko kaya naman medyo lumakas ng konti yung boses ko.
"Shhh, shhhh, shhh"
Lumingon ako sa paligid ko at nag-peace sign sa mga nagambala kong pretentious students.
"Sabi ko naman sayo, hinaan mo yung boses mo. Pag tayo talaga napaalis dito" saway ni Charmaine. Bumalik na sa pag-aaral si Bes at tinuon ko na din ang atensyon ko sa lecture na nasa harap ko hanggang sa may napansin akong lumapit sa aming dalawa.
Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero all I know is that I am not dreaming. It's real. Kyungsoo is actually right in front of me. Kinulbit ko si Bes and as expected napanganga siya. It is such a rare moment. But reality check, he's not here to propose or whatsoever.
"This place is called a "Library", if you are not aware of that. Kung nandito lang kayo para mag-chismisan then better do it somewhere else. May mga taong nandito para mag-aral and not to waste time like you"
Hindi kami makapagsalita. Hindi ko din alam kung matutuwa ba ako dahil sa wakas may interaction na kami sa kanya o maiinis dahil sinermonan niya kami. Bumalik na siya sa table niya samantalang si Bes naman hinigit na ako para lumabas.
"Sabi ko na sayo kanina na wag kang maingay eh" sermon niya sa akin.
"Ako? Oo na, sige na ako na ang may kasalanan. Pero aminin mo ang gwapo niya kanina nung lumapit siya sa atin." Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong hindi kiligin.
"Sinermunan naman niya tayo" malungkot na sabi niya.
"Wag ka ng malungkot, at least siya ang lumapit at hindi tayo. Minsan lang yun at for sure inggit yung iba" natatawang biro ko sa kanya pero deep inside medyo disappointed ako.
Syempre, pano kung maging bad ang impression niya sa amin, eh di goodbye lovelife. Hindi pa man nagsisimula, tragic ending agad.
"Ay ewan, punta na ako sa classroom namin. Dun na lang ako mag-aaral. Kita na lng tayo mamaya" paalam niya sa akin.
Well hindi lang naman siya ang disappointed sa nangyari. At least makakasilay pa siya later kay Kyungsoo since iisang building lang sila. Samantalang ako, kailangan ko pang mag-abang sa canteen at library para lang makasilay.
Dahil may konting oras pa naman, umupo na lang muna ako sa isang bench para makinig ng music at mag-aral na rin ng lecture. Start pa lang ng second sem pero nasa stressed mode na yata mga professor namin kaya pati kami dinadamay.
Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko na lecture ng may na-feel ako na parang may nakatingin sa akin. Iginala ko ang paningin ko but there's nothing unusual kaya ibinalik ko na lang ang attention ko sa binabasa ko. Kaso, iba talaga yung feeling eh.
Muli kong iginala ang paningin ko at bukod kay kuya sa kabilang bench who is minding his own business, wala talaga. Wait! Parang ngayon ko lang siya nakita. Well, he's cute. New student kaya siya? Dahil kung matagal na siya dito, paano siya nakaligtas sa aking radar? Sabi nga ni Bes, mas bagay akong maging MassCom student since I know all the ins and outs on this campus.
Based on his looks, he'll be popular. Maybe not the same as Kyungsoo pero I'm sure madami siyang mabibihag. Sorry guys, Kyungsoo really topped the charts here in our University, but we'll never know, if new student nga si kuyang cute sa kabilang bench, I guess he'll be a tough competitor. Pabor naman sa amin ni Charmaine since mababawasan ang mga kaagaw namin.
Hindi inaasahang nagtama ang mga mata namin and I felt that my heart skip a beat. What is that? Hala, nahuli niya akong nakatingin sa kanya. It felt like time stopped for at least 2 seconds and there's no one but just the two of us. Nginitian niya ako and I got startled since my heart skipped another beat. Tumayo ako at nagmamadaling umalis sa pwesto na yun. I guess I better go to my next class.
Muli ko siyang nilingon at nakatingin na siya sa phone niya. I don't know what happened in there. But the way he smiled and the way his eyes looked at me got my heart confused.

BINABASA MO ANG
My Heart's Choice
ChickLitMy heart chose you. The more I deny it, the more I fall for you.