Hay, ang tagal naman ni Bes. Hinihintay ko sya ngayon dito sa gazebo. Buti na lang meron kaming dalawang araw na pwedeng magsabay pag-uwi. Pero depende pa rin siguro yun, 2nd year na kami so malamang niyan at some point we'll be pre-occupied with all the activities from our courses.
Buti pa siya, same course ni Kyungsoo malaki chances na same sila ng activities. Napaka-swerte niya if maging groupmate niya pa si Kyung. #SanaAll na lang ako.
"Girl! Classmate ko si Haru sa isang subject," kwento nung isang Masscom student sa kabilang side ng gazebo.
"Swerte mo naman! Ano ba yan, bakit kasi ang aga kong nag-enroll eh di sana same kami ng block," panghihinayang ng friend niya.
First day palang ni Haru pero super sikat na sya sa buong university. Kahit naman sino kasi talaga mapapatulala na lang sa kaguwapuhan niya. Kung totoong lumabas ng Manga si Tamahome puwede kong isipin na sya yun.
Ang ganda ganda ng skin niya. Pwedeng pwedeng model talaga ng mga Korean skin care. Ano kaya nightly routine nia? Sa lapit ba naman niya sa akin kanina syempre pag-sulyap ko kita ko yung face niya, walang bahid ng pores. Yung buhok niya medyo mahaba and wavy, parang ang sarap hawakan. Mahihiya si Kim Chui kasi walang sabit. Daig pa nga niya yung buhok ko, kahit anong gamitin kong shampoo at conditioner, mukha pa ring dry.
Teka, bakit ko ba sya iniisip?
"Hoy Bes!",sigaw ni Charmaine.
"Aray ha! Makasigaw toh, gusto mo try ko sayo", sagot ko sa kanya.
"Bakit ka kasi tulala diyan? Anyare sayo?"
"Bes, tinatanong pa ba yun? Syempre iniisip ko si Kyungsoo, my Prince."
Sinungaling! bulong ng utak ko.
"Kanina pa kaya ako naghihintay sayo dito Bes. Masyado mo yatang sinulit ang pagsilay mo kay Kyungsoo"reklamo ko sa kanya.
"May project kasi kami kanina kaya medyo nagmeeting pa ng konti"
"Worth it ba naman yung meeting?"
"Medyo. Ka-group ko lang naman si Kyusoo"
"Hala! Hoy Bes, wag mo akong binibiro ng ganyan. Masama akong magalit."
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. #SanaAll na lng ako dito.
"Totoo nga! Sa kanila kami gagawa ng project sa Sabado."
"Meet the parents agad? Masyado ka namang nagmamadali Bes!"
Hinampas niya ako.
"Baliw ka din eh. Sabi na ngang project. At saka wala daw parents niya sa Sabado kaya pwede sa kanila"
"Inggit ako. Pasama Bes" with matching pa-cute.
"Pangit mo, Bes. As if naman pwede. Project nga diba!"
"Ang daya! Bakit kasi nung nagsabog ng katalinuhan sa Math wala man lang gumising sa akin? Eh di sana,nakasalo ako kahit konti."
Struggle ko talaga ang Math. Kaya ko yung 4 na basic operations pero once naging complicated na yan tipong with square root and with letters magtatawag na ako ng lahat ng santo. Until now, hindi ko alam paano ko naipasa ang Math nung high school and maintained being on the pilot section. Sariling sikap ko yun kasi naman ang damot mamigay ng sagot nila Bes.Naalala ko at some point pinagsisihan ko na kaibigan ko sila kasi hindi talaga sila nagpapakopya.
"Nasaan ang number ni Kyu?", biglang tanong ko sa kanya.
"Huh?"
Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Heart's Choice
Genç Kız EdebiyatıMy heart chose you. The more I deny it, the more I fall for you.