Chapter 4

11 1 1
                                    


If there's one thing na ayaw ko sa course ko, yun yung maglilinis during our Food Laboratory. It's our second semester kaya naman sa Baking kami naka-focus. Our topic for today is Brownies and we are just waiting for them to be baked. Unlike cooking dishes from our previous laboratories, everything should be precise and correct with baking. Kahit yung mismong temperature ng oven and baking time will have an effect on the finished product. Nakasalalay ang grade namin sa success ng maluluto naming brownies today and of course presentation.

Busy ako at ang leader namin sa pag-aayos ng presentation and packaging samantalang yung iba naming groupmates tamang upo na lang at hindi man lang maisipan maglinis ng mga ginamit namin. Pasalamat na lang siguro ako na hindi ko ka-grupo si Ceci pero yung isa niyang alagad kasama namin.

"Ate Almie, hindi mo ba sasawayin yang mga yan. Hindi man lang magkusa mag-linis" bulong ko sa leader namin.

"Hoy, baka naman gusto niyo nag magligpit. Yung ibang group naglilinis na oh," saway niya sa mga ka grupo namin.

Oras ng klase mga tamang flirt flirt lang dun sa tabi. Mabuti sana kung meron silang ginawa kanina. Kami lang ni Ate Almie halos ang gumawa. Sila in-appoint na bumili ng mga ingredients pero kulang at mali yung iba. Kung hindi ka naman talaga maubusan ng pasensya. Buti na lang merong malapit na bakery supplies sa labas ng university, tinakbo ko pa kanina yung mga kailangan namin kung hindi baka wala pa kami ma-present.

"Breena, start mo ng hugasan yung mga mixing bowls para mabigay na mamaya kay Ms. Beth.", utos ko dun sa alagad ni Ceci.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at tinanong, "Bakit? Leader ka ba?"

"Bakit may ginawa ka ba? Pag bili nga ng ingredients mali-mali ka pa"sagot ko sa kanya.

If this is an ordinary day, malamang hindi ko kaya sumagot sa kanya pero nakakaubos kasi talaga ng pasensya. Sya kaya patakbuhin ko palabas ng uni at bumili ng mga kailangan. Ang init init pa naman ng araw sa labas.

Sasagot pa sana sya kaso biglang nagsalita na yung prof namin.

"Check niyo na yung mga brownies niyo tapos lagay niyo sa cooling rack. Make sure to package it well tapos isa isa ko kayong tatawagin to present.

"Madali lang naman sabihin kay Mrs. Belza na wala kang ambag sa group natin ngayon." banta ko sa kanya.

Inirapan niya ako at nagsimula ng maglinis. Yung iba naming ka-group ay patapos na after pagsabihan ni Ate Almie, sya lang talaga nagmamatigas. Feeling privileged since kampon ni Ceci.

Inilabas na ni Ate Almie yung brownies namin and nalagay na din sa packaging. Nag start na din si Mrs. Belza na mag tawag ng groups. Mukha namang hindi dry yung brownies namin and maganda yung appearance. Lumapit sa akin sina Janeth at May.

"Ano gurl, mukhang may mag-aabang sayo later sa labas," biro sa akin ni Janeth.

"Tapang natin today ah" dagdag pa ni May.

"Naubusan na ako ng pasensya. Sino ba kasing matino na bibili ng ingredients, nakalista na nga, pero ang ending mali pa rin. Tapos ang palusot sa amin sana sinamahan daw namin ng picture" reklamo ko sa kanila.

Nagtawanan pa nga ang dalawa. Swerte nila kasi sila ang magka-group. Bakit naman kasi random yung groupings, yan tuloy sa mga pabuhat pa ako napunta. Buti na lang hindi ako ang leader pero kawawa naman si Ate Almie. Lima kami pero dalawa lang kaming gumagawa.

Tapos na sila Ian mag present at lahat ng mga ka-grupo niya ay nakahanda na ang kanya kanya Tupperware. Yes, uso po dito sa amin ang mag-Sharon. Yung iba mas gusto na lang iuwi kaysa kainin during our laboratory. Last sem, swerte sa akin ni Bes kasi madalas yung mga naluluto ko binibigay ko sa kanya.

My Heart's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon