Chapter 5

9 1 0
                                    

"Alam mo ba Bes, nabagsakan ako ng flair bottle. Tapos tingnan mo ang dami ko ng pasa. Sino ba kasi nagpasimula niyang flairtending na yan?" reklamo ko kay Charmaine habang nakatambay kami sa gazebo.

"Pinili mo yan diba? Last sem sabi mo excited ka sa Bar subject at flairtending na yan bakit nagrereklamo ka ngayon" sagot niya sa akin habang nagsasagot ng activity nila na habang tinitingnan ko eh nahihilo ako.

"Bes tanda mo ba nung nanood tayo last year ng CITHM week diba ang galing galing nila mag flairtending. Malay ko ba na ganito kahirap. Ang bigat kaya nung bote tapos hindi mo naman maiiwasan na tumama sayo pag namali ka ng tantya."

"I know you, hindi ka sumusuko kaya pagpatuloy mo lang yang practice mo. Diba sa CITHM week niyo sabi mo sasali ka sa flairtending"

"Ay hindi na ako sasali sa flairtending noh. Mag practice lang ako para sa prelim exam and after that hindi na kami magtatagpo ng boteng toh"

Hindi na ako sinagot ni Charmaine, kasi nag-concentrate na sya sa ginagawa niya. Buti hindi sya nawawalan ng focus kahit ang daldal ko dito. May sasabihin pa sana ako ng biglang nakita ko si Kyungsoo. Ang fresh fresh niyang tingnan. Simple lang yung uniform na short sleeve polo and black slacks pero bakit para syang model on a runway.

Ang gwapo niya talaga! Lord, paubaya mo na po sya sa akin, piping dasal ko.

Tama ba toh, papalapit sya sa akin? Lumingon ako sa likuran ko at wala namang ibang tao. Hinampas ko si Charmaine para naman hindi sya mahuli sa paparating na biyaya.

'Ano ba Bes! Kitang mong busy ako dito eh" saway niya sa akin.

"Bes" bulong ko sa kanya.

Hindi ko na natuloy ang sasabihin sa kanya dahil nasa tapat na namin si Kyungsoo. Pero tumigil sya kay Charmaine at nagtanong

"Are you done with your problems?" tanong niya kay Charmaine.

Oo nga pala magka-group sila ni Bes. Bakit naman po ganun Lord, favoritism din Kayo eh? I have a problem Kyungsoo, why are you so handsome?

"I'm almost done. There are some parts na hindi ako sure so balak ko sana tanong sayo sa room" sagot ni Charmaine.

Hala paano kinakaya ni Bes kumalma? Kung ako siguro yan, baka maubusan na ako ng hininga.

"It's almost time for our next class, if you want, I can discuss it to you while going to the classroom"

Inayos na ni Charmaine ang kanyang mga gamit at balak na ngang sumama kay Kyungsoo. Pinandilatan ko sya ng mga mata nagbabaka sakaling ipakilala niya ako kay Kyungsoo.

Bes wag tayong selfish dito, pakilala mo ako

"Dito na lang ba tayo uli magkikita mamaya after class" tanong niya sa akin.

"Hindi ko sure eh baka mag practice kami nila Janeth later. Text na lang kita" sagot ko sa kanya umaasang ipakilala niya.

Anuna! Kahit mabilis lang malaman niya lang name ko. Please. Baka ito na lang chance ko.

"Let's go?" yaya ni Kyungsoo.

At umalis na nga sila ng hindi man lang nalalaman ni Kyungsoo ang aking pangalan. Tinext ko si Charmaine:

Grabe, ano ba naman yung sabihin mo na "This is Angel". Ang selfish Bes!

Saklap naman pero eto hanggang tanaw na nga lang ako, hoping that I was the one walking beside him. Funny because the poem I am going to submit is about my unrequited love for Kyungsoo. Pinaglamayan ko pa 'to kagabi after ng bar class namin.

My Heart's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon