Malayo pa lang ay tanaw na namin sina Erryl kasama si JM at Kim na nagpa-praktis ng kanilang mga routine para sa prelim exam namin sa Bar Management. Hindi kami agad nagpunta sa field kasi nag-aya pa sina Ian na mag-merienda sa Tuhog St. Si JM ang tumutulong sa akin para sa routine na gagawin ko. Madali lang naman yung routine at more on basic throws pero eto hirap na hirap pa rin ako. Nagka-trauma yata ako sa bote nung nabagsakan ako ni Janeth last class namin.
"Ui gurl, di ba naging crush mo yang si JM dati?" tanong ni Yana.
Sabay pa ngang nagtawanan sina Janeth at May.
"Crush lang pero hindi naman nagtagal" sagot ko kay Yana.
"Paanong hindi nagtagal? So sinong nauna, si Kyungsoo or si JM?"tanong pa niya.
"Si JM. Nakita ko kasi sya nung CITHM week eh di ba kasali sila noon ni Ceci sa pageant. Ayun, so parang na-gwapuhan ako sa kanya. Tapos naging classmate ko pa sya sa ibang minor subjects."
"Naging jowa kasi ni Ceci si JM kaya tinapos niya na ang feelings niya" singit ni Janeth.
"Ibang section pa kasi kayo that time, para kaming nanonood ng teleserye sa hapon" dagdag pa ni May.
"Magtigil nga! Ang exag niyo baka maniwala pa tong sina Ian at Yana" saway ko sa dalawa.
"Anubayan, kwento na dali! Hayaan muna natin dun sina Erryl."
"Ganito kasi yan, nung maging si JM at saka si Ceci, ayaw palapitan nitong si Ceci si JM kahit kanino. Eh 'tong si JM syempre matalino kaibigan natin ayun lapit ng lapit para makakuha ng sagot pag may quiz" kwento ni May.
"Tapos sa inis ni Ceci lagi niya pinapabantayan kina Breena at Alena pero tong si JM lapit pa din ng lapit. Inisip nga namin baka tong si Angel reason bakit sila nag-break."pagtatapos ni Janeth.
"Grabe Ian, may dramaserye sa hapon pala sa kabilang section hindi natin alam" biro n iYana.
"Pwede ba wag kayong maniwala diyan kina Janeth. Imbento lang yan" depensa ko.
"Eh gurl, bakit laging high blood sayo si Ceci kung hindi. Lalo na ngayon kasi si Haru naman ang lumalapit. Ganda yarn?"gatong pa ni May.
"So paano mo naman nakilala si Kyungsoo? Ang harot ha, bilis magpalit ng crush" tukso pa ni Ian.
Kinikilig kong kinuwento sa kanila kung paano kami nagkita ni Kyungsoo at paanong nalaman ko na sya talaga ang future ko.
"Di ba may hiking tayo dati sa NSTP, naubusan kami ng pwesto sa van na for HRM class kaya napadpad kami nila May sa Engineering since dun na lang meron space. Buti na lang andun si Bes kaya medyo hindi na kami nahiya."
"Kaloka yun noh. Nakakahiya kasi kami nga lang yung HRM dun. Muntik na akong magpa-iwan dito sa school" singit ni May.
"Tapos maya-maya ayun sumakay si Kyungsoo. Legit parang nagbukas ang kalangitan tapos narinig ko yung mga angels na kumanta tapos kasama si Kim Chiu "Ikaw na ba siMr. Right?". Swerte kasi sa may unahan ko sya naupo and ang bango niya as in. Para akong nagka-amnesia like JM who?" pagpapatuloy ko sa kwento.
"Ang landi mo gurl!" biro ni Ian sabay kurot sa tagiliran ko.
"Ganun pala ang feeling pag nakita mo na yung future mo."
"Gurl, hindi ka sure kasi may humahabol" tila may meaning na hayag ni Ian.
"Hindi lang ikaw ang na-fall that time pati yung best friend mo" sabat ni Yana.
"Actually, nauna nga si Bes magka-crush dun eh. Kasi di ba Engineering din sya. Hindi niya sinasabi sa akin yung name so nung attendance inabangan ko talaga. Tapos dun ko nalaman na sya pala yung most sought after bachelor dito sa school."
BINABASA MO ANG
My Heart's Choice
ChickLitMy heart chose you. The more I deny it, the more I fall for you.