I stretched out my arms and in fairness, it's been a while since I've had a good sleep. I reached out for my phone at nanlaki ang mga mata ng makita ang oras.
Shit!! 10 am ang usapan namin ni Haru na magkikita sa mall. 9:30 am na!
Dali-dali kong kinuha ang towel at pumasok sa banyo para maligo. Kung meron sigurong pabilisang maligo, champion ako today. Ang alam ko nag-set ako ng alarm kagabi para magising ng 7am pero bakit hindi sya nag-alarm.
Magkikita kami ngayon ni Haru para dun sa project namin sa Creative Writing. Supposed to be buong group kaso pinag-kaisahan kami ng mga loko kong kaibigan kaya ang ending kami lang dalawa ang gagawa. Basta ibigay lang namin yung output this week and sila na ang bahala sa video.
Hindi na ako nag-abalang magtuyo ng buhok at basta ko na lang kinuha yung mga gamit ko. Palabas na ako ng kwarto ng biglang nag-ring ang phone ko. It's Haru.
Hala, lagot na talaga! Koreans are known for being punctual pa naman. Angel naman kasi.
"Hello, Haru!"
"Yeah, I'm already here at the Cafe" sagot niya.
"Sorry, Haru!"
Shit, paano ko ba ma-translate na paalis palang ako ng bahay. Biglang naubusan ako ng vocabulary.
"Why, what happened?" nag-aalalang tanong niya.
"Ahmmm. You see, Home...." Shit!
"Is the reception bad? I can't understand you?"
"I'm still on my way. I guess I'll be late for like 15 minutes?" I told him carefully.
"Oh, I see. No worries, take your time. My friend already warned me about Filipino's concept of time so I kinda expected it already"
Ayan, na-judge na nga ako. Kasalanan kasi talaga to nung cellphone ko na hindi nag-alarm.
"Just wait for me" sagot ko na lang sa kanya at pinatay na ang tawag.
Pasalamat na lang ako na mabilis akong nakasakay agad ng jeep. Actually, lagpas 15 minutes pa ang aabutin bago ako makarating ng mall but I have to lie. Sisihin ko na lang later ang traffic kahit ang luwag luwag ng daan.
Parang naramdaman yata ng driver yung struggle ko sa time and in fairness nakisama si Manong. Kung ordinaryong araw toh, malamang nagtatawag na ako ng santo sa paspas na pagpapa-andar ni Manong. But, this is the kind of drive that I need today.
10:20 am
Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad sa cafe kung saan kami dapat mag-kikita. Bagong ligo lang ako kanina pero hindi ko na alam kung tubig galing ligo or pawis yung tumutulo sa akin.
Never pa akong nale-late sa mga usapan, I'm always the first one to arrive. Pero kung kailan naman si Haru ang ka-meet up ko, ngayon pa ako nalate.
I saw him sitting with a coffee and a tablet in his hand. As much as I want to appreciate the view, it's not the right time for that.
I sat down across from him and gave him a wide smile. No excuses since it's all my fault.
"I'm really sorry for being late" hinihingal na sabi ko sa kanya.
He smiled at me. "I already told you, it's okay. You must have run?"
Oo, tumakbo ako! Halata bang hingal na hingal ako! Sigaw ng utak ko.
I was still catching my breath when he suddenly reached for my hair. Natigilan naman ako sa ginawa niyang yun then he looked me in the eyes
'You shouldn't go out with wet hair. You'll get sick" nag-aalalang wika niya sa akin with a serious look on his face.

BINABASA MO ANG
My Heart's Choice
ChickLitMy heart chose you. The more I deny it, the more I fall for you.