Chapter 6

10 1 3
                                    

"Aray! May lihim ka bang galit? Tanong ko kay Charmaine ng hawakan niya yung kamay ko.

"Bes, two weeks lang tayong halos hindi nagkita,tapos makikita kitang ganito, puro pasa. Kung hindi ko lang alam dahilan niyan iisipin ko na may nangyayari sayong masama. Sa praktis lang ba talaga yan? Baka mamaya uma-attend ka na pala ng hazing hindi mo lang sinasabi.", sermon niya sa akin.

Kahit sino naman siguro makakakita sa akin ay baka yun ang isipin. Yung taas ng kamay ko namamaga na pati yung mga braso ko daig pang polka dots sa dami ng pasa. Pero no choice dahil need kong mag-praktis.

"Bes, habang nakikipag-date ka kay Kyungsoo every weekend, nagpa-praktis ako kasama ng boteng toh. Malapit na ang prelims kaya need ko talaga mag-practice. Until now hindi pa ako makagawa ng routine, puro basic na nga lang alam ko hindi ko pa mapagsama-sama.", reklamo ko sa kanya.

Pinisil pa lalo ni Bes ang kamay ko.

"Anong date ang sinasabi mo diyan? Alam mo namang magka-group kami at madami pa kaming hindi natatapos sa activity.", sagot niya sa akin.

"Aba malay ko ba. Baka mamaya excuse mo lang yang activity na yan. Ni hindi mo nga ako magawang maipakilala. Nako ha, baka naglilihim ka na.", biro ko sa kanya.

"Ahh ganun. Tamang hinala tayo?" sagot niya.

Tinawanan ko na lang sya. Kahit kailan talaga hindi siya mabiro . But suddenly a thought passed my mind.

"What if hindi ko na pala crush si Kyungsoo? What if may iba na pala akong nagugustuhan?"

Binigyan ako ni Bes ng isang nakakalokong ngiti.

"May nakakarating nga sa aking balita, Bes. Ui ha, ang layo ng Engineering building pero nakaabot sa amin. Kaw ha? Ano na ba status niyo?", biro niya sa akin.

"Hoy, what if lang naman! At bakit parang ang saya mo? Excuse me loyal ako kay Kyung noh . At saka ano bang nakakarating sayong balita ha? At saka anong status ang sinasabi mo?"sunod-sunod kong sagot sa kanya.

"Kalma lang Bes! Masyado ka namang defensive. Grabe ha? Oo na, karibal pa rin kita kay Kyung. Pero baka naman yung puso mo eh iba na ang tinitibok."

Sasagot pa sana ako sa kanya ng makita ko uli si Kyung na papalapit sa amin.

"Subukan mo uli na hindi ako pakilala kay Kyung, iisipin kong binabakuran mo sya.", bulong ko kay Charmaine.

Lumingon sya at nakita si Kyungsoo. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mabilisang pag-ngiti ni Kyungsoo ng makita si Charmaine.

Hala, totoo ba yung nakita ko? May progress na sa kanila ? Hindi ba ako pinaglalaruan ng mga mata ko?

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang makalapit sya kay Charmaine and I can no longer see that hint of smile on his face.

Baka nga imagination ko lang.

"Hey, we need to discuss some tasks." sabi niya kay Charmaine.

"Bakit? May need pa bang I-adjust?" tanong ni Charmaine sa kanya.

They started discussing their activity and I thought I was intruding into them. Wala naman akong maiaambag sa pinag-uusapan nila kaya nanahimik na lang ako. Hanggang sa tumayo na si Charmaine at nag- ayos ng gamit niya.

"Oh, Kyungsoo, I want you to meet my friend pala. This is Angel.", pakilala ni Bes sa akin.

Finally!

Parang nag-bukas ang langit at may mga naglabasang mga anghel.

"Hi Angel, Charm's friend" simpleng sagot niya at inabot ang kanyang kamay for a handshake.

My Heart's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon