Alas syete na ng gabi pero heto pa rin ako ngayon, naglilinis ng sahig. Wala pa akong kain at puno na rin ng pawis ang katawan ko dahil sa walang tigil na kalilinis nitong buong bahay pati na rin sa labas nagdidilig ng mga halaman at nagwawalis.
Sinalo ko na lahat ng trabaho ng mga pinaalis kanina, ang laki ng lilinisin at isa pa hindi ito ordinaryong bahay lang kung tutuusin mansyon na ata itong lilinisan ko palagi.
Sumasakit na rin ang likod ko. Ilang minuto pa ay natapos na rin ako sa aking ginagawa, tumayo ako ng maayos at naginat-inat ng katawan.
Hindi na kaya ng katawan ko at napaupo na lamang bigla sa sofa at isinandal ang aking ulo, grabe parang binugbog ang buong katawan ko ngayon dahil sa sobrang pagod. Gusto ko na pumunta sa kwarto para magpahinga.
Tumayo ulit at ako at nag double check kung naka lock na ba ang mga pinto bago ako tumungo sa sariling kwarto. Pagpasok ko palang ay agad ko nang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at agad naman akong nakatulog.
Nagising naman ako ng alas kwatro ng umaga, nagpunas na ako para makapagsimula na rin sa aking trabaho. Tumungo na ako sa kusina para maghanda ng almusal para sa leon kong amo, si sir Zach.
Ini-on ko na ang induction at nagsimula nang magluto. Plano ko sanang lutuin ngayon ay fried egg, tocino roll at ham.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang may maramdaman akong kamay na bumalot sa aking beywang. Bigla akong na istatwa sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang pamilyar na amoy na 'yon at kung sino ang yumakap sa akin patalikod.
"Goodmorning, baby."
Agad nanlaki ang mata ko nang maramdaman kung kaninong boses iyo.
Si sir Zach.
"WAKE UP!" Bigla akong nagising nang binato niya sa akin ang librong dala-dala niya.
Lumingon-lingon ako at tiningan ang paligid, doon ko nakitang nasa sala ako at nakatulog pala ako rito sa sofa. Jusko, akala ko nasa kwarto ako kagabi at..
At...yung niyakap ako ni sir Zach. Panaginip pala!
Agad akong napabalikwas ng bangon nang mag sink-in sa utak ko lahat.
"P-pasensya na sir kung nakatulog ako rito sa sofa, 'di ko namalayang nakatulog pala ako."
"Go to your room."
"Y-yes sir," utal ko. Wala siyang imik na umalis sa aking harapan at ako nama'y pagewang-gewang na bumalik sa aking kwarto dahil nahihilo ako sa biglaang pag bangon kanina.
Tiningnan ko ang malaking relo sa ibabaw at alas dose pa pala ng madaling araw. Ilang oras din pala akong nakatulog sa sofa kanina.
Pagbalik ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame ng ilang minuto.
"Nakakahiya, bakit ko 'yon napanaginipan!!!" Nagpagulong-gulong ako sa kama baka sa pamamagitan nito ay mawala ang kahihiyan ko sa katawan.
Jusko po, hindi nga maganda ang pakikitungo ni sir Zach sa akin, bakit ko pa napanaginipan na binack-hug ako habang nagluluto!
Tapos paggising ko kanina mukha niya pa ang tumambad sa akin.
"Nakakahiyang buhay 'to, makatulog na nga," mahinang anas ko habang unti-unti na ring pumipikit ang mata ko hanggang sa dalawin na ng antok.
Gumising ako ng alas kwatro at naligo na. Gusto ko muna ibabad ang katawan ko sa malamig na tubig, baka sa pamamagitan nito mawawala ang antok ko at masimulan ko ng maayos ang trabaho ko mamaya.
Pagkatapos ng 20 mins. ay lumabas na rin ako ng shower at naghanda na para mag luto ng almusal na ihahanda kay sir Zach.
Tumungo na ako ng kusina pero bigla rin akong napahinto. Huminga ako ng malalim saka pinisil ng malakas ang pisngi ko.
"Araaay!"
Nang maramdaman ko ang sakit ay umukit ang malapad ngisi sa aking labi, napailing nalang ako nang mapagtanto ang ginagawa ko. Sinisigurado ko lang na hindi na ulit ito panaginip. Ayaw ko na ulit makapanaginip ng ganoon baka sabihin pang may gusto ako sa kaniya. Hays, sa dinamiraming pwedeng mapanaginipan bakit ang leon ko pang amo.
Ini-on ko na ang induction cooker at nagsimula nang magluto ng almusal, gumawa ako ng scramble egg at nag prito ng tocina at ham.
Inilapag ko na sa lamesa ang tapos ko nang iniluto at kanin nalang ang kulang. Sasandok na sana ako ng kanin nang bigla akong napatigil, ang pamilyar na amoy na 'yon mabilis akong lumingon at nakumpirmang si sir Zach nga.
"Nakahanda na po ang almusal," tawag ko sa kaniya, wala namang emosyon na tiningnan niya ako at binawi rin iyon agad at agad na tumungo sa lamesa.
Aalis na sana ako para linisin ang terrace nang bigla siyang magsalita.
"Sit down."
Kahit maikli at tipid lang ang lumalabas sa bibig niya ay hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan sa mga sinasabi niya. Hindi ko mababasa kung ano ang pinaplano niya o kung ano ang maaaring gawin niya.
Nagaalinlangan ako ngunit tumango pa rin ako at sumunod agad sa utos niya. Magkaharap na kami ngayon habang nasa harapan namin ang luto kong pagkain.
"Bakit po sir?" tanong ko sa kaniya, tumingin siya sa akin bago magsalita.
"Eat." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya, bakit gusto niyang kumain ako at kasabay pa siya.
Pinisil ko ang kamay ko pero totoo talaga. Tiningnan ko ang pagkain na nasa aking pinggan ngayon.
Pero nag init bigla ang ulo ko dahilan ng pag awang ng aking labi nang marinig ang sunod na sinabi niya.
"If you're still breathing after eating this. I believe you didn't put something in there."
Mukha bang may nilagay ako sa pagkain niya? Mukha ba akong masamang tao?
I'm starting to hate serving this Lion.
BINABASA MO ANG
I'm The CEO's Personal Maid (COMPLETED)
RomanceWhen she unexpectedly took on a job as a maid, little did she know that her life would undergo a significant transformation, throwing her into chaos and misery. Despite encountering initial obstacles, she developed stronger feelings for a guy who co...