CHAPTER 3

13K 174 0
                                    

Binuksan ko ang pintuan at isinuot ko na ang aking gloves para kunin ang mga basag na baso na nakakalat sa sahig. Inumpisahan ko munang linisin ang kalat dito sa kinatatayuan ko pagkatapos ay inilagay ko sa laundry basket ang ibang mga damit.

Pinasadahan ko sa aking daliri ang maliit na lamesa na lagayan ng vase sa gilid, wala akong nakuha ni katiting na alikabok. Mukhang mali ang hinala ko kahapon na buong akala ko'y isang buwan nang hindi nalinisan, hindi naman pala ganito kakalat ang kaniyang kwarto, tanging makalat lang ay ang mga basag na baso at hulog na mga vase, wall design at ibang damit lang na nakakalat sa baba na mukhang bago lang ikinalat.

Mukhang wala ata siya sa mood.

Pagkatapos kong ayusin lahat ay inilibot ko na ang aking paningin sa kabuuan. Ngayon ko lang napansin na sobrang laki pala talaga ng kwarto niya at ang amoy sobrang bango na parang nagbubuga ng sariling perfume ang kaniyang kwarto.

Naglakad-lakad ako rito loob para tignan kung may mga hindi ko pa nalinisan, napansin ko ang isang maliit na picture frame na nakapatong sa gilid ng kama niya kinuha ko iyon at tiningnan.

Nakaupo siya habang nakapandikwatro habang naka business suit na itim at may suot na eyeglasses. Walang emosyon ang bumakas sa mukha ni sir Zach base rito sa larawan. Kahit sa picture hindi pa rin siya marunog ngumiti, tsk.

"What are you doing here?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa may pintuan, dali-dali ko ring inilapag ang picture frame sa ibabaw.

Si sir Zach.

Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin, napayuko naman ako sa kahihiyan at kinuha na ang laundry basket. Akala ko nasa trabaho siya ngayon at mag oovertime kasi sabado.

"U-uh tapos ko nang linisin ang kwarto mo sir, labhin ko lang muna ang mga damit mo." Aalis na sana ako nang mabilis niyang isinarado ang pinto.

"I'm not done talking to you."

"P-pasensya na po kung hinawakan ang picture fr---" pahingi ko ng tawad pero pinutol niya rin agad ang sasabihin ko.

"Why you can't do your job properly, are you that st*pid?"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya at yumuko nalang. Mali ko rin naman, dapat kasi umalis na ako rito agad at hindi na nagtingin-tingin pa.

"P-pasensya na po, aayusin ko na po sa susunod."

Hindi siya sumagot at binuksan niya ang pinto habang nakapamulsa pa ring naglakad, sumunod na rin akong lumabas dala-dala ang laundy basket. Tiningnan ko siya at nakitang tumigil ito sa harapan kung saan nandoon ang mga piling kasambahay na naglilinis ngayon dahil na rin araw ng sabado.

Napansin din ata nila ang presensya ni sir kaya tumigil sila sa kanilang ginagawa at nag bow.

"All of you are fired! Get out of my house, now!" Nagbow ulit sila at bakas sa mukha nila ang takot, ilang minuto lamang ay wala nang ibang tao rito sa buong bahat at taming kami nalang ni sir ang naiwan.

Ako nama'y napanganga sa gulat. Bakit niya iyon ginawa? Tumingin si sir sa kinaroroonan ko kaya napaayos agad ako ng tindig. Habang naririnig ko ang yabag ng mga paa niya patungo sa akin ay siya rin ang paglakas ng pintig ng puso ko dahil sa nerbyos at kaba na sa kahit ano mang oras ay matutumba na ako.

Dahan-dahang inilapit ni sir ang mukha niya sa akin saka ngumisi.

"See? You are now the one who clean the whole house starting today." Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin hanggang sa tumapat sa aking teynga, ramdam ko ang mainit na hininga nya na tumatama sa aking balat, bumolong siya dahilan ng pagtaas ng aking balahibo.
"Do their job." pabulong pero galit na anas niya sa akin at nilagpasan akong nakanganga pa rin.

Nakaalis na siya sa harapan ko pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang prisensya niya. Naramdaman ko ang paghina ng aking tuhod kaya maya-maya'y napaupo ako sa sahig. Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko, ang gulo ng isip ko. Nalilito ako kung bakit niya pinaalis ang mga kasambahay at ako ang ipinalit sa trabaho nilang lahat.

Dahil ba galit siya sa akin? Nakakadamay na ata ako ng mga marangal nag tatrabaho para sa kanilang pamilya.

Napaalis sila dahil sa akin...

Isang butil ng luha ang dumampi sa aking pisngi na agad ko namang pinawi agad. Huminga ulit ako ng malalim para ipagpatuloy ang aking trabaho.

Hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako rito.

I'm The CEO's Personal Maid (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon