CHAPTER 30

10.1K 148 24
                                    

Nakauwi na kami at pinagpahinga ko muna si Zachary sa kwarto. Bumaba muna ako sa kusina upang pagtimplahan siya ng gatas at pagkatapos ay bumalik din ako upang bantayan siya.

Pinapabangon ko muna siya para painumin ng dala kong mainit na gatas, sinunod sunod niya iyon ng lagok hanggang sa maubos lahat at bumalik na ulit sa paghiga.

"I'm okay Mom, don't worry po." Ngumiti siya ngunit bakas pa rin sa mukha niyang hindi pa rin talaga.

"Magpahinga ka lang muna baby, okay?" Nag-nod naman siya agad bilang sang-ayon.

Aalis na sana ako para ilagay muna sa kusina ang baso nang magsalita siya kaagad at pinigilan ang kamay ko.

"Mommy tabi tayo, please." Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya inilapag ko muna sa gilid ang baso at agad na tumabi sa kaniya at pinahiga siya sa mga braso ko.

Ilang minuto lang ay nakatulog na rin siya habang hinahaplos ko ang kaniyang buhok. Napahinga ako ng malalim ng maalala ang nangyari kanina, mabuti nalang at naging okay na si Zachary ngayon. Inayos ko muna ang pagkakakumot sa kaniya ay pumikit na dahil ramdam ko na rin ang antok hanggang sa ilang minuto lang ay nakatulog na rin ako.

Sabado ng umaga ngayon at gusto pumunta ni Zachary ngayon sa mall at doon daw kami kakain, pumayag naman agad ako dahil bumalik na rin siya sa dati at hindi na matamlay, pinangakoan ko rin kasi na pag magaling na  siya ay kakain kami kung saan niya gusto.

Ang simple lang ng sagot niya, sa mall lang.

Nakasuot siya ng black shirt at naka shorts ng maong, inayos ko na rin ang buhok niya. Napapangiti nalang talaga ako sa sobrang pogi ng aking anak, manang mana sa akin e at sa alam mo na...

Nakasuot din ako ng croptop na sinapawan ko ng blazer at trousers na kulay caramel. Naka-rubber shoes din ako ng kulay puti.

"All done, let's go?" tumango na ito at nauna pang lumabas sa akin.

Nang maisirado ko na ang pinto ay lumabas na kami patungong gate upang maghintay ng taxi at nang makapara ay bumaba na kami agad sa mall.

Nag-ikot ikot muna kami at nang madaanan ang Miniso ay pumasok kami agad, pinapili ko siya roon ng mga gusto niya. Ilang minuto lang kaming nanatili roon nang hilahin na niya ako palabas.

"Bakit anak, ayaw mo bang bumili?" tanong ko at pasimple siyang tumango.

"I just don't like fluffy toys," halos matawa naman ako nang bumulong ito.

"Bakit ka bumubulong?" pabulong din na tanong ko kaya sumagot din agad siya.

"I just don't want to hurt their feelings." Turo niya sa mga sales lady na nag-arrange sa unahan.
"You know, nandito tayo sa loob ng store nila tapos sasabihin ko na hindi ko type ang mga gano'n," dagdag na pagpapaliwanag niya.

Ginulo ko naman agad ang buhok niya, natutuwa ako sa mindset ng anak ko. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na ulit kami papalabas at pumunta nalang sa ibang store.

Pagkatapos naming mag ikot-ikot ay nag order muna kami sa food court dahil alas dose na rin at gutom na rin daw si Zachary. Pagkatapos naming kumain ay tinanong ko siya kung gusto niya ba mag cine, mukhang na-excite naman ito dahil mabilis din siyang tumango kaya sumakay na rin kami ng eskalator papuntang 5ft floor kung saan nandoon ang cinehan.

May limang now showing ngayon, itinuro ko ang fantasy genre na movies ngunit umiling lang siya at sinabing...

"No, that's boring. Ito nalang Mom!" Napaawang ang labi ko nang tinuro niya ang isang genre na Mystery-thriller at about solving case about sa cr!mes.

I'm The CEO's Personal Maid (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon