CHAPTER 1

30.2K 305 3
                                    

Gumuhit ang isang malaking ngiti sa aking labi nang makita ang kabuoan ng bahay na papasokan ko. Sobrang laki at ang ganda. Inaya na ako ng isang manang papasok sa bahay at mas namangha pa ako dahil pagpasok ko sobrang ganda ng paligid, akala ko sa TV ko lang makikita pero hindi ko akalain na makakaapak at makakatrabaho ako sa ganitong kalaking bahay.

Tuloy-tuloy ang lakad ko habang sa tumapat kami sa kwarto.
"Dito ang kwarto mo, Iha. Magligpit ka na para makapagsimula ka na sa iyong trabaho." Tumango naman ako bilang sagot. Medyo maliit ang kwarto ko pero okay na rin para sa pang isahang tao.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos ko nang iligpit at iayos ang mga gamit ko galing sa dala-dala kong maleta, sumenyas si manang sa akin na sumunod sa kaniya, umakyat kami pataas ng hagdanan dito sa 2nd floor at huminto sa isang malaking itim na pintuan.

"Kwarto ito ng Amo natin, kumatok ka ng tatlong beses Iha ha bago mo buksan, ang gagawin mo lang ay ayusin ang mga gamit sa loob at magligpit ng mga damit." ngumiti ako sa kaniya at tumango ulit bilang sang-ayon.

"Opo manang."

"Oh sya, bababa muna ako at ako'y magluluto pa." Pagkatapos niyang magpaalam ay bumaba na ito.

*TOK* *TOK* *TOK*

Kumatok ako pero walang sumagot sa loob, kumatok ulit ako ngunit hindi pa rin ako pinagbuksan kaya dahan-dahan kong pinihit ang pinto pabukas, baka wala ang Amo ngayon.

Pagbukas ko palang ay tumambad sa akin ang magulong kwarto na mukhang isang buwan na hindi nalinisan, ang mga damit na nagkalat sa sahig patungo dito sa pinto, mga vase at design na natumba.

*CRAAACCCCCKKKKKKKK*

Halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig akong malakas na pagkabasag, lumingon-lingon ako para malaman kung saan nanggaling iyon ngunit tumigil ang mata ko sa harapan at nakitang may nakatayo na lalaki sa di kalayuan na katabi ng kama. May hawak pa itong isang baso ng alak, nakita kong matalim ang titig nito sa akin dahilan nang paglunok ko ng sunod-sunod.

Napahigpit ang hawak ko sa door knob nang bigla siyang sumigaw.

"GET OUT OF MY ROOM, NOW!" Tinaas niya ang basong hawak niya at nakaambang itapon sa akin ang baso na may laman, naging alerto naman ako at mabilis na sinarado agad ang pinto.

*CRAAAACKKKKKKK!!! *

Rinig ko sa labas ang malakas na pagkabasag ng baso na tumama sa pinto.

Napahawak ako bigla sa aking dibdib hanggang sa dahan-dahan akong napaupo sa sahig dito sa tapat na labas ng pinto. Tulala pa rin ako at matagal na nag sink in sa utak ko ang nangyari. Muntik na akong matamaan ng baso kanina.

Anong klaseng bahay ang pinasukan ko?

I'm The CEO's Personal Maid (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon