Alas sais ng umaga palang ay umalis na ako sa bahay para naman ay masulit ko ang araw ko na ito, pumara na ako ng taxi na dumaan sa labas. Nakasuot lang ako ng turtle neck na fitted shirt at pinaresan ko ng loose pants at puting sneakers. Habang dala ko ang aking maliit na bag.
Day off ko ngayon kaya napagpasyahan kong mamasyal muna para naman maka-relax ako ng kaunti sa trabaho ko.
Tiningnan ko ang notes ko kung saan nakasulat doon ang mga gagawin ko ngayon. Sakto at ibinigay na ni sir ang sahod ko noong isang araw kaya sigurado akong mapupuntahan ko ang lugar kung saan ko gusto ngayon. Sana magawa ko itong lahat ng plano kong nasa listahan.
Huminto muna ako sa fastfood at nag order ng pancake at hot choco para sa almusal ko, ito ang unang nakalagay sa list ko. Noon palang kasi ay nananabik na akong mag almusal rito sa McDo.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may naglapag ng tray sa harapan ko na may laman rin na pancake at hot choco.
"Ay hindi po ako nag order niyan, naka-order na po ak--- ASH?" Napatigil ako sa pagsasalita nang pagtingala ko'y nasa harapan ko na si Ash at malawak na nakangiti sa akin ngayon.
"Goodmorning beautiful Lady," bati niya sa akin na ikinangiti ko naman bigla, palabiro pa rin talaga 'to siya.
"Can i sit?" tanong niya pero nakaupo na siya sa harapan ko at sumimsim ng kape.Paano pa ba ako aayaw nito?
Tumango ako, "kamusta? Ilang buwan din tayong hindi nagkita." Napansin kong mas naging maporma siya kahit naka blue suit lang ito na pati mga crew ay tumitingin na rin sa direksyon namin ngayon.
Kay Ash lang pala. Lakas ng charisma ng lalaking ito..
"As you can see, gwapo pa rin." Puri nito sa kaniyang sarili kaya napa-ismid naman ako sa ginawa niya.
"Ang sabihin mo, walang pinagbago, mahangin pa rin." Tawa-tawang iling ko habang patuloy na sumusubo sa tinidor ko.
"Mahal na prinsesa, anong ginawa mo rito ng ganito ka aga?" pag-iiba ng tanong niya.
"Day off ko kasi ngayon kaya plano kong sulitin ang araw na ito bago matapos," paliwanag ko at tumango-tango naman ito.
"Good to hear, mag-relax ka rin minsan. Anyway, okay ka na ba ngayon? I heard you pass out last time at Zach's office?" halos mabitawan ko ang hawak kong kutsara sa huling sinabi niya.
"B-ba't mo alam?" gulat na tanong ko sa kaniya.
Kinuwento kaya ni Zach sa kaniya?
"Don't you know that he carried you out the building when you lost consciousness," paliwanag niya sa akin. Oo nga, hindi ko naisip kung sino ang nagdala sa akin pababa dahil paggising ko nasa bahay na ulit ako.
"They thought you're his girlfriend. The rumor spread like virus, Calia," dagdag niya.Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Ngayon ko lang din nalaman iyon.
Pero dapat lang naman, kargo niya 'yon siya dahilan kaya ako na gano'n. Pero hindi niya naman kasalanan na makatulog ako sa jeep, umakyat ng hagdan keysa gamitin ang elevator. Hindi ko alam kung bakit mas gustuhin niyang dalhin ako palabas na marami nakakakitang empleyado kahit puwede naman siyang tumawag ng iba para magpapababa sa akin.
Kainis, hindi ko na alam ang takbo ng utak ko ngayon kung naiinis ba ako sa kaniya o hindi. Bakit ko ba siya sinisisi and at the same time pinaglalaban.
Napatigil ako sa pag-iisip ng matauhan ako sa tawa ni Ash sa harapan ko, napakunot naman bigla ang noo ko sa inasta niya.
"Anong nakakatawa?"
"Natatawa ako sa reaksyon mo, ang pangit mo HAHAHAHAHAHAH!!"
"Umalis ka na nga Ash, baka masira pa ang araw ko." Pagtataboy ko sa kaniya, ngumuso naman ito na parang bibe.
"Tumigil ka, hindi bagay sa iyo." Pero mas ngumuso pa ito, mukhang nang ti-trip na naman e. Parang si Zac--- ay hindi, dapat wala siya sa pag-iisip ko ngayon.. Kailangan ko munang mag enjoy na wala siya isipan ko.
"What's your plan?" tanong niya, sinabi ko naman sa kaniya kung anong mga gagawin ko.
Pagkatapos kong kumain ay hinila niya agad ako ng walang pasabi-sabi. Huminto kami kung saan naka park ang sasakyan niya.
"Let's go, kumpletuhin natin 'yang bucket list mo." Taka ko naman siyang tiningnan.
"Seryoso ka ba? May trabaho ka pa baka nakakaabala lang ako sa'yo Ash," tanggi ko naman sa kaniya.
"I already cancel the meeting, just to go with my friend—you." Napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya?
Ano bang nasa isip ni Ash at nagawa niyang i-cancel lahat ng meeting para lang samahin ako ngayong araw?
Ilang beses pa ako tumanggi kasi nakakahiya na para sa kaniya pero heto ako ngayon, naka-upo sa front seat habang bumabyahe at patungo kung saan nakalagay kung anong meron sa checklist ko, ang museum.
Bumaba na kami sa parking lot at naglakad na kami papasok sa D'bone Collector Museum.
Ilang oras din kami roon at tinitake ko ng pictures ang mga buto ng mga species, isa sa mga naagaw ng atensyon ko 'yong worlds tallest bird species. Sa pagkakaalam ko ang museum dito ay parang nasa 650 ang display ng specimen at dinadagdagan nila every week. May mga whale and dolphin's skeleton din na makikitang naka-display sa harap.
Si Ash naman, parang batang ang laki ng ngiti habang pinipic-turan ang mga butong nasa harapan. Natuwa ako sa reaksyon niya kaya palihim ko siyang kinuhanan ng litrato at tinawag siya
"Ash! Lumingon ka rito." Pinindot ko agad ang camera kaya ayon ang epic tignan ng mukha niya. Nakikipag agawan pa siya sa cellphone ko kasi mukhang pangit daw pagkakuha ko no'n. Gusto niya pa ipa-delete.
Pagkatapos namin libutin ang buong museum ay sunod naming pinuntahan ang Philippine Eagle Center. Isa-isa kaming kinuhanan ng litrato habang nakapatong ang Agila sa amin. Medyo natakot pa ako noong una ngunit kalauna'y nakalma ko rin ang sarili ko para lang makunan ng maayos.
Ang ibang taga kuha ng litrato roon gusto pa kami kunan dalawa na magkasama, akala ata nila magjowa kami. Todo tanggi naman ako at sya naman ay todo tawa lang, mukhang masaya pa e.
"Ngumiti ka nga Calia." Ngumiti naman ako agad sa sinabi ni Ash.
"Ikaw nga kanina parang naiiyak habang nagpa-picture e," sabi ko naman habang lumalapit sa kaniya.
"Atleast gwapo pa rin,"
"Sus, hindi naman talab sa'kin." Tumawa naman siya.
Maya-maya'y napagpasyahan naming kumain sa restaurant na malapit lang dito. Nag-order na siya at nag-order na rin ako. Pagkatapos ay pumunta ulit kami sa ibang mga tourist spot sa lugar dito.
Nakumpleto na nga ang araw ko kasama si Ash, ang saya buong araw lalo na't nagiging joker din ito minsan kahit ang iba'y corny naman.
Sumapit ang gabi ay kumain ulit kami sa isang restaurant na sikat din dito para pangpatapos ng gabi, pagkatapos naming kumain ay nag boluntaryo na siyang ihatid ako pauwi dahil sa gabi na rin at sya pa raw ang makonsensya kung may mangyaring masama sa akin. Hindi ko na lang din siya tinanggihan.
"Salamat pala ngayong araw Ash," pasalamat ko sa kaniya kaya ngumiti naman ito.
"Wala 'yon, tell me kung may kailangan ka pa. I'll be one call away."
"Wala na, tama na 'yon. Sobra na ang kabaitan mo sa akin, ayaw ko na iabuso."
Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto na kami sa tapat ng gate. Nagpaalam na ako sa kaniya at siya rin ay kumakaway na.
"Thanks for this day, Calia. I enjoy."
"Wala 'yon, ako dapat magpasalamat. O siya, ingat ka Ash."
Kumaway na siya bago isinarado ang kaniyang windshield, nag serbato pa ito bago tuloyang umalis at ako nama'y kumaway lang hanggang sa mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko.
Isinarado ko na ang gate, ang laki ng ngiti ko habang naglakad patungo sa bahay. Hindi ko rin naman kasi inakala na may mag boboluntaryong sasama sa akin.
Ang bait ni Ash.
Napatigil ako nang may nakasandal sa labas ng pintuan. May hawak siyang isang champagne glass habang nakatingin ang direksyon sa akin, napalunok ako nang mapagtantong si sir Zach iyon.
"You're late."
BINABASA MO ANG
I'm The CEO's Personal Maid (COMPLETED)
RomansaWhen she unexpectedly took on a job as a maid, little did she know that her life would undergo a significant transformation, throwing her into chaos and misery. Despite encountering initial obstacles, she developed stronger feelings for a guy who co...