Author's Note: Hi, Mambabasa! Whew! Was it heavy for you? For me, it was! It seems that this is no longer a story about the immature view of our characters on the Pre-Test Exams issue! It turned out that there was more than meets the eye. But really, ano ba talaga ang Hierarchy? Rainier was right; everyone kept mentioning it but no one could explain it vividly. Like, how does it work?
Maybe our Interlude before the Faculty Members Arc will shed some light on us. How about having Ma'am Melanie's point of view this time?
Bye for now, anyways. Joy, joy!
-
MELANIE
"I didn't expect a call for a meeting today!"
Iyon ang bungad ko pagpasok sa conference room at 'agad ko namang nakuha ang atensyon ng mga naabutan ko sa loob. Some of them smiled at my direction and may ilan naman na napaismid, making my eyes close on rolling around. Were these oldies really allergic to someone who likes beaming out some energy?! Concern lang naman ako dahil napakaseryoso ng mga mukha nila.
I am Melanie Francisco, one of the faculty members from the Grade 12 department. I am quite popular sa mga students since I was the youngest teacher that time. Ang iba naman, nakilala ako dahil sa pagiging okray ko sa mga estudyante. Eh kasi naman, gusto kong alisin ang taboo na dapat kaming katakutan ng mga bagets. Para sa'kin, mas effective ang teaching approach ko na maging palakaibigan sa kanila sa loob man o labas ng klase. Isa pa, hindi naman gano'n kalayo ang edad ko sa kanila kaya kaya kong sakyan ang trip nila.
And today, magkakaroon kami ng meeting ng mga teacher nila. Biyernes no'n sa unang linggo ng balik-eskwela at oras na para umuwi kami, at 'yon ang kinagulat ko tungkol dito.
"Heto na naman siya," sabi ng isang lalaking nasa mid-50's ang edad. Nakataas na naman ang kulay abo na niyang buhok. "Pwede bang pakalmahin mo ang sarili mo, hija? May pag-uusapan tayong importante ngayon; wala tayong oras para sa kagaslawan mo."
That was so OA, ha? Magaslaw 'agad? Siya si Sir Arturo Magdangalan, ang teacher na laging naka-Mohawk ang buhok. He's kind of conservative lalo sa school affairs, pero siya mismo, hindi mapanindigan sa sarili niya at gan'yan ang ayos ng buhok niya. Who wants to look professional but insisting to have that hairstyle, 'di ba?
"Tama si Sir Arturo," sabi naman ng isang babaeng na naka-pigtails ang buhok. Mas matanda lang siya sa'kin nang dalawang taon (making her 25 years old) pero may suot na siyang reading glasses. "Late ka pa man din, Melanie."
She's Jasmine Irabagon, ang nag-iisang colleague ko na hindi ako tinatawag na ma'am. Pansin ko rin na lagi niya akong minamata, tulad ngayon. Mainit yata ang dugo niya sa'kin, eh.
"Umupo ka na, ma'am Melanie," sabi naman ni sir Jonathan Maglaque while wiping his eyeglasses. Siya ang pinaka-artistic sa'min, which is the reason why he's the adviser of the Arts and Design class. I sat like what I was instructed and wala nang ibang sinabi si sir Jonathan, o mas kilala bilang sir Tan.
Pito kami na nasa loob ng opisina, pero apat pa lang sa amin ang nagsasalita. I looked over the three who haven't say a word yet, at nakita ko ang seriousness sa mga mukha nila. Mukhang hindi gumana sa kanila ang pampa-good vibes ko kanina, ah?
To give you a short introduction, kami ang ilan sa mga Subject Group Heads mula sa Grade 12 Department. May ilang sakop na subjects ang Senior High, right? Sa bawat grupo ng teacher na distributed sa mga subject na 'yon, kami ang nagli-lead. In my case, ako ang Subject Group Head ng Philosophy Department, at na-achieve ko 'yon in a span of 3 years.
It's still quite overwhelming to sit with these people kahit isang taon ko na silang kasama, pero that wasn't formidable. Nakaka-overwhelm naman talaga ang presensya nila.
BINABASA MO ANG
Carnage of Vicinity (At a Not-So-Ordinary Senior High)
Novela JuvenilWhoever said that a peaceful high school life would be your best memory was wrong. It would be more exciting if you would add some spice here and there, wouldn't it be? In Dulong Barangay National High School, everyone has their own recipes to cook...
