RAINIERIT'S A FACT THAT some storms are difficult to deal with. Mula sa pagpe-prepare para sa pagdating nito, hanggang sa kalagitnaan ng pamiminsala at pagtatapos, it will consume a lot of resources and manpower para maka-survive at maka-move forward ang isang community o ang isang buong bansa. In our case, the storm was not that fatal, pero sapat 'yon para magdulot ng pangamba sa'min.
Going back to the day of the Battle of the Brains, masasabi ko talagang kabado ako, hindi lang dahil sa magiging resulta ng kompetisyon, pero sa magiging outcome din ng mga inilabas naming baraha laban kay Kristoff.
Kung mag-iisip ako nang diretso nu'ng mga panahon na 'yon, hindi ko gagamitin laban kay Kristoff ang lahat ng nakatago naming alas laban sa kaniya. Sapat nang malaman niya na hawak namin ang listahan ng mga current member ng org nila noong academic year 2021-2022, isang taon bago kami nagharap ngayon na siya na ang editor-in-chief at wala na kami sa org.
Hindi na sana namin gagamitin pa ang greatest bullet namin laban sa kaniya, pero dahil kalaban namin ang oras at baka hindi na gumana ulit ang pagbabantang ie-expose namin ang mga correspondents ng org para mapasunod siya— like what he claimed noong cinonfront namin siya tungkol sa pagbawi sa exposé ni Vicinity— wala na akong nagawa kundi ibigay ang go signal kay ate Aela na gamitin ang final blow namin laban kay Kristoff; ang i-expose na siya ang ulo sa likod ng The Nightwalkers.
Knowing that information didn't take a lot of effort. Wala kaming binlockmail na kahit sino, o kinalkal na impormasyon ng kahit sinong estudyante sa DBNHS. Nothing underhand was done para lang malaman ang huling bagay na kayang magpaluhod kay Kristoff.
After all, we were members of the org, too. Yes! You've read it right. We were correspondents for The Nightwalkers noong mga panahong hindi pa nila miyembro si Kristoff.
The list wasn't difficult to retrieve from whatever kind of vault The Nightwalkers has had after we left, dahil ang list ay hawak na namin noon pang mga miyembro pa kami ng org. We took the list with us nang umalis kami dahil sa isang misunderstanding. That's another tale for another time.
Kung paano naman namin nalaman ang posisyong nakuha ni Kristoff, it's given na malalaman namin 'yon mula sa mga co-correspondents namin noon. Some of them did not agree to our seniors giving him the title, kaya naman nang mapag-usapan namin iyon, hindi na kataka-takang walang pag-aalinlangan silang nag-vent out sa'min kung paanong undeserving ang isang baguhang katulad niya.
Unfortunately kay Kristoff, huli na para ma-realize niya kung paano namin siya nalagyan ng tali sa leeg. Without bearing too much sweat, nagawa naming makuha ang gusto namin mula sa kaniya.
Since the day na cinonfront namin siya sa bahay nila, hindi na namin siya nakita. The latest news we've got about him and his org was, wala silang pinost na kahit anong uri ng exposé tungkol kay Vicinity. Kahit alanganin nu'ng una, sa dulo ay wala pa ring nagawa si Kristoff kundi gawin kung ano ang hinihingi namin sa kaniya.
What's surprising ay hindi pala sa'min fully credited ang nangyari. It was all thanks to Cameron's doing. Kung hindi siya nakipag-deal kay Ember— na bawiin nito ang intel na binigay niya kay Kristoff kapalit ng siguradong pagkapanalo niya sa Battle of the Brains— malamang ay natuloy ang exposé ng troll account ni Vi.
"Kung hindi nagbigay ng pera si Cameron, paniguradong wala na tayong uuwian ngayon," said by ate Michaela as she sat on my bed. It was a Saturday afternoon at kakauwi lang namin mula sa campus. It was the same day na kinausap namin si Cameron sa campus library tungkol sa naging liability ng plano niya. "Buti na lang at marunong siyang umintindi. Kung hindi niya talaga tayo binigyan ng compensation, baka nasapak ko na 'yon kahit may librarian na nakabantay sa'tin kanina."
BINABASA MO ANG
Carnage of Vicinity (At a Not-So-Ordinary Senior High)
Ficção AdolescenteWhoever said that a peaceful high school life would be your best memory was wrong. It would be more exciting if you would add some spice here and there, wouldn't it be? In Dulong Barangay National High School, everyone has their own recipes to cook...