CHAPTER 12: Possibilities at Hand

5 1 0
                                        


MICHAELA

ISANG MINUTO NANG gumagawa ng tunog ang sahig dahil sa pagtama ng sapatos ko ro'n. Nakakainip. Kung hindi lang sana importante ang pinunta ko rito sa downtown, kanina pa sana ako umalis dito at tumambay sa kung saan.

Nasa isa akong grocery market sa bandang dulo ng downtown. May ilang customer sa loob ng establisyemento na busy sa pamimili. Lima lang kami sa loob kasama na ang nag-iisang kahera. Hindi na nakakapagtaka na kaunti lang kami rito dahil may mas malalaking grocery market malapit sa amin.

Sa sobrang inip ko, nailibot ko na sa buong store ang mata ko. Kahit nga 'yung paskil ng "Wanted: Cashier Staff", nakita ko na sa kasuluksukan ng bintana.

Bakit niya ba kasi naisip na dito makipagkita? Pwede namang sa isang cafe na lang. Badtrip. Sana umiinom na ako ng caramel macchiato ngayon.

"Sorry for keeping you waiting~~"

Nilingon ko ang boses ng bagong dating at pinagkrus ang mga braso ko. "Ang tagal mo naman yata? Kanina pa ako naghihintay sa'yo rito."

In-adjust niya ang pabilog niyang salamin saka ngumiti. "I have something to pass by kasi sa sentro, eh~~ Sorry again, ah? Shall we go na ba?"

Cardy Avellino, our class secretary, led the way to the back of the building. Dumaan kami sa fire exit. Tumatalbog-talbog pa nga ang buhok niya na naka-pigtails ngayon habang naglalakad kami.

Nagkita kami ngayong Sabado dahil kami ang mag-partner sa isang project namin sa Art Appreciation. Dapat talaga ay nitong Huwebes pa kami magmi-meeting para ro'n, pero dahil nga naghahanda kami sa lintik na Battle of the Brains na 'yon, nawalan ako ng oras para harapin siya. Ngayong tapos na 'yon— at natalo kami— may oras na ako para sa kung anumang kailangan naming gawin ni Cardy.

"Welcome to our apartment!" masiglang sabi niya pagbukas ng pinto katapat ng fire exit. Pagsunod ko kay Cardy sa loob, nakita kong walang ibang tao.

"My ate is at work kaya naman she's not around, that's why I thought na here na lang tayo mag-usap about our project." Tumawa pa siya nang alanganin. All-smile pa rin siya kahit kanina pa siya nakangiti, ha? "Would you mind ba kung black coffee and bread lang ang meron us? You know, pang-meryenda."

"Kahit ano, hindi naman ako pihikan," sabi ko habang iniikot ang tingin ko sa apartment nila. Hindi 'yon kalakihan at halos walang natural lighting. Masikip kasi ang parteng 'yon ng downtown at matataas ang gusali kaya hindi na nakakarating ang sinag ng araw sa mga ganitong sulok. Medyo gloomy tuloy ang atmosphere ng apartment nila dahil walang liwanag, tapos hindi pa gano'n karami ang gamit.

"Bagong lipat lang kayo rito sa Andrecito, 'no?" Sandali niya akong nilingon mula sa kusina nila. Hinahanda niya yata 'yung miryenda namin. "'Yun ang sabi mo nu'ng first day of school, eh."

"Yes! Thanks to the referral of my pinsan, my sister and I decided to lipat here from Manila. I didn't expect nga na I will love being here in Andrecito, eh." Pumunta na siya sa sala kung nasaan ako at umupo sa katapat kong sofa. Ngumiti na naman siya nang alanganin. "Sorry for the miryenda, ha? My ate has no sahod pa kasi, eh. We haven't gone to grocery yet."

"Okay lang, hindi naman ako nandito para magmiryenda." Pinagkrus ko ang mga binti ako. "Tungkol saan nga ulit 'yung project natin? Nu'ng last week pa kasi 'yon binigay kaya nakalimutan ko na."

"Can we talk about that mamaya? I want something to pag-usapan first, eh."

Nagsalubong ang kilay ko. Ano naman kaya ang gusto nito?

"Spill it."

"Ahm... I noticed kasi that madalas of the time, you are with Vicinity." Iniwas niya ang tingin sa'kin at yumuko, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng mukha niya. "I just want to ask lang kasi some questions about sa kaniya, if pwede..."

Carnage of Vicinity (At a Not-So-Ordinary Senior High)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon