CHAPTER 09.50: Onto the Storm's Eye

11 1 0
                                        

MICHAELA

Parang gusto kong manabunot pagkauwi namin ni Rain sa bahay. The moment I most anticipated to come- if not feared, had already happened before my eyes.

Pinagsususpetyahan na ni Cameron ang intensyon namin ni Rain sa patuloy na pagdikit sa kanila ni Vicinity. In-expext ko naman nang darating ang pagkakataon na 'yon dahil hindi naman mangmang ang dalawa, but I didn't see it coming this early. Talagang nasabay pa sa preparation namin para sa Battle of the Brains na siyang patimpalak na sasalihan namin.

If we would lose because of the lack of cooperation and coordination of our group resulted by our "fight", hindi ko alam kung si Cameron ba ang sisisihin ko o kung ang pagpapabaya namin ni Rain. The moron saw right through us. Siguro'y may napansin siyang inconsistencies at openings sa pagpupumilit naming "makipagkaibigan" sa kanila. Or he could just be an anxious boy na may trust issues sa mga taong nasa paligid niya. Anuman ang dahilan, hindi 'yon pumabor sa'min ni Rainier.

Ugh. Hindi kami pwedeng matalo sa competition because we needed the cash prize!

"Gano'n pala ang pakiramdam na harapin ang isang Cameron Buenaventura. I didn't know that he's capable of being that intimidating."

Nilingon ko si Rainier na kakaupo lang sa study area niya. Ako naman ay nakaupo sa kama niya at panay ang ikot ng mata sa kaniya. "Sana nga hindi mo na lang siya pinatulan kasi we already did days ago. Ang naiba lang eh mas malala ang pagpatol mo sa kaniya ngayon. Yes, ikaw, dahil hindi naman ako ang nagbitaw ng mabibigat na response kay Cameron ngayon."

"You're the first to snap, ate. Sinundan lang kita dahil baka may masabi kang mas magpapalala sa sitwasyon." He turned to me for a moment bago ibinalik 'yon sa screen ng computer niya na kabubukas lang. "If I didn't butt in, baka hindi natin nadaan sa pag-alis ang pag-iwas sa mga tanong ni Cameron."

Approved siya sa'kin sa part na 'yon. "In fairness, ang galing mo ro'n. Meron ka pang pa-walkout effect." Natawa kaming dalawa na parang mga batang palarong kinukurot sa singit which was rare for the two of us to do. Siguro kung hindi namin pasan ang mundo, baka mas madalas naming nagagawa 'yon. I'd credit Cameron for giving us an opportunity to have a rare moment.

"Tutal pinag-uusapan na natin ang mga tukmol na 'yon, what do you think can we do to aid the wound we inflicted to our friendship?"

Rainier reclined on his chair. "Kung ako ang tatanungin, wala tayong dapat at kayang gawin." If he ran out of idea, masasabi kong nagulat ako ro'n. "Cameron was the one who lit up the fire. Dalawang beses niyang b-in-ring up ang isang accusation na once na nating d-in-eny, and that would make him the at fault here. Adding also the fact na puro lang siya salita ay hindi dapat tayo ang sumuyo sa kaniya but rather the other way around."

"I've thought of this already, pero hindi ba no'n maaapektuhan ang grupo natin sa paparating na school fair?"

"It will, surely. Pero let's play that card to our advantage. Kung hindi makikipag-ayos si Cameron nang bukal sa loob, mapipilitan naman siya eventually dahil at stake ang magiging performance natin sa Battle of the Brains." The calmness in his voice made me believe na confident siya sa sinasabi niya. "Kung hahayaan nating si Cameron ang umayos sa gusot na 'to, lalabas na naninindigan tayo na wala tayong ginagawa- o gagawing masama sa kanila. I advise to let things be kung gusto nating gano'n ang kalabasan ng mga pangyayari."

"Well, ikaw ang matalino sa ating dalawa. You'll know better than me in any situation. Pero meron nga pala akong tanong. I've been thinking about this since we left Vicinity's house."

He looked at me. "Yeah?"

"Bakit nga ba sumasama pa rin tayo kila Vicinity at Cameron? You told me once that it's the best to keep them in radar, pero hindi ko naman alam na aabot sa puntong sasama tayo sa kanila tuwing recess. Akala ko ay occasionally lang tayong makikipag-interact sa kanila pero nah. Is there something that you plan to do with them?"

Carnage of Vicinity (At a Not-So-Ordinary Senior High)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon