CHAPTER 10.25: Conceptual Framework

4 1 0
                                    


MICHAELA

KUNG SINUSWERTE KA nga naman. Nag-iba ang direksyon ng bangka na sinasakyan namin. Buti na lang at umayon sa plano namin ang lahat.

Isang araw na ang lumipas mula nang mag-bonding kami ng kapatid ko sa school fair kasama sila Vicinity at Cameron. Marami kaming naikot na booths at pinilahang tindahan ng pagkain noong araw na 'yon. Karamihan ay nilalayasan namin 'agad dahil sa mahal ng pricing ng mga paninda nila. Para na kasi nilang kapresyo sa mall, eh. Akala mo naman talaga magaganda ang quality ng paninda nila.

Going back to the present. Nasa bahay kami ni Rainier that day, specifically sa kwarto niya at sa usual spots namin, ang iniba lang ay nagbabasa ako ng libro sa kama niya habang nakahilata, siya naman ay naglalaro ng RPG sa kaniyang computer habang nakatungko ang isang paa sa kaniyang upuan. Mukhang tambay sa comshop ang kapatid ko habang ako naman ay labanderang kakatapos lang magsampay. Masasabi mo talagang relaxed kami noong araw na 'yon.

Rest day kasi namin kaya kami nasa bahay at wala sa school. Mukhang napagod si Vicinity dahil maghapon kaming nagpaikot-ikot sa campus kahapon kaya wala kaming meet up ngayong araw. Ang bilin niya, magpahinga raw muna kami para makapag-ipon kami ng lakas para bukas; our last day of preparation, Miyerkules. Balak niya yatang mag-chill na lang kaming apat sa isang araw para fresh kami sa huling araw ng School Fest kung kailan gaganapin ang most-awaited event namin.

Dahil na-mention na rin lang naman ang event slash competition namin. Akalain mong masasalba pa pala ang bangka namin ni Rainier kasama sila Cameron at Vicinity, 'no? Akala ko talaga lulubog na kami, eh. Buti na lang at nakaisip ng paraan si Vicinity para maayos ang grupo namin. Our friendship is now back. Our voyage is now back on its original track.

Maayos na ang grupo. Mananalo na kami sa Battle of the Brains. At pagkatapos, makukuha na namin ang cash prize. Tapos na. Sureball na ang sagot sa problema namin ng kapatid ko.

Or so I thought.

"Ate Aela, you need to see this."

Lumapit ako kay Rain at tiningnan ang naka-flash sa kaniyang cellphone. Mukhang patay pa ang character sa RPG niya kaya naisipan niyang buksan ang phone niya at mag-scroll muna sa BookFace. When I looked at the post he's referring to, una kong napansin ang pangalan ng account o page na siyang publisher. The Nightwalkers.

"Teka nga. Ano ba kasi 'yan?" Naningkit ang mga mata ko habang binabasa 'yung post. "Hmm . . . Uhuh . . . Oh." Nang mabasa ko ang dulong bahagi ng post, doon na tuluyang nalaglag ang panga ko.

"Seryoso ba 'to?" Tiningnan ko si Rain. "Ie-expose nila ang totoo sa Biyernes? No way!"

"Yes way." Tiningnan niya pa ang mga comments at nakita naming dalawa kung gaano ka-excited ang mga DBNHSians. Hindi dapat sila ma-excite sa bad news na 'yan! "Kung hindi magbabago at 'yon na talaga ang napagdesisyunan nilang date para i-release ang bago nilang issue, malas tayo. 'Yon din ang huling araw ng School Fest."

The truth about Vicinity's troll account; isisiwalat nila 'yon sa mismong araw ng Battle of the Brains.

Dapat ba kaming mabahala? Abay oo! Isipin mo. Kapag pumutok ang balita bago magsimula o habang nagaganap ang competition, may tsansang ma-postpone 'yon at lalo kaming matagalan makakuha ng pera, o mas malala, ma-disqualify ang grupo namin dahil sa katarantaduhang ginawa ni Vicinity.

Sabihin na nating harmless nga ang ginawa niya tulad ng sinabi ni Rain (kahit may nasiraan siyang grupo ng mga estudyante). He may had just wanted to get the students' attention off him and Cameron at wala na siyang iba pang pakay. Pero tingin ko ay hindi na 'yon ang kaso ngayon. May nasagaan na sa ginawa ni Vicinity at 'yon ay ang tsansa naming manalo sa Battle of the Brains. Baka nga hindi kami makasali in the first place! Tell me, harmless pa rin ba ngayon ang ginawa niya?

Carnage of Vicinity (At a Not-So-Ordinary Senior High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon