CHAPTER 04: When the Present Meets the Past

15 3 2
                                    

Author's Note: Hi, Mambabasa! Before we move on to the Guidance Office scene, let's have a look at Michaela's point of view on the things that had happened in the past few days. Joy, joy!

MICHAELA

It is naïve for an artist to think that he can conquer the world thru his art. May it be thru his letters, his color palettes, or his voice— it will never be enough to cross the world and make his name relevant, or even worthwhile to be spoken about. Being an artist is like an epitome of inevitable loss, a decided faith to be a "nobody." It is what most people believe in, and so did I. Nakakatawa siguro kasi gano'n ang pinaniniwalaan ko pero sa Arts and Design track ako pumunta.

Well, para sa ikaaalam mo, hindi ako artist, but my brother was. Sinamahan ko lang ang kapatid ko sa Arts and Design track na 'yon para may karamay siya kapag sinampal na siya ng reyalidad.

At nu'ng araw na 'yon, we were 15 hours away from witnessing if that taboo was a reality.

Sunday afternoon. It was the day before the classes officially started. Nasa kwarto ako at nag-aayos ng mga magiging gamit ko sa lecheng eskwelahan na 'yon. Inilagay ko na sa bag 'yung iba kong gamit. 'Yung iba naman, sinasalansan ko pa sa kama. Sa totoo lang, ito ang pinakanakakairitang bagay tungkol sa pagbalik sa eskwelahan.

My room was simple, by the way. Kulay dilaw ang mga pader ng kwarto ko. Karamihan naman ng gamit ko sa kwarto ay kulay violet, tulad ng mga gamit ko sa school (including my bag). May aircon din ako at isang malaking smart TV na nakasabit sa pader. Meron din akong mini fridge sa tabi ng bedside table ko, kung saan naman nakapatong ang Macbook ko.

Oh. Mukhang I have misused the word "simple". Sorry for that!

Mayamaya, may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napakunot ako ng noo. "Ano 'yon?!"

Bumukas ang pinto at sumalubog sa'kin ang pagmumukha ng kapatid ko. Hapon pa lang pero naka-pajama na siya. "May ipapakita ako sa'yo, Aela..." It was Rain, or as you've known him, Rainier. Dala niya ang iPad niya at may naka-flash do'n na kung ano.

Inirapan ko siya. "Seriously, kung issue lang 'yan sa social media tungkol sa mga artista, lumayas ka dito—"

"Tungkol 'to sa school." He showed me his iPad. "May nakita akong post ng isang student..."

Kinuha ko 'yon sa kamay niya at tiningnan ko ang sinasabi niya. Post ng dummy account? Binasa ko 'yon.

Artemis Monopoly
10 minutes ago

DBNHS IS A TRASH! Wala silang pakialam sa mga TVL students! Wala silang sapat na facility for us, habang 'yung ibang strand, baby na baby nila. WE ARE YOUR STUDENTS, TOO, HINDI LANG SILA! #DBNHSbasura

I turned my gaze at him. "DBNHS...as in our school?" I asked, and he nodded. TInaasan ko siya ng kilay. "Gaano ka naman kasigurado na estudyante talaga 'to sa school natin, ha? Would you 100% believe a statement of a person hiding in a dummy account?" Napabuga ako ng hangin. "C'mon, Rain, mas better ka dito."

"In-authenticate ko 'yung identity niya..." Kinuha niya ang iPad sa kamay ko at nag-swipe nang ilang beses. Mayamaya, iniharap niya ulit sa akin ang iPad niya. He was showing his Gallery, specifically 'yung album for screenshots. "Tiningnan ko ang list ng friends niya, pati mga dati niyang posts... Hindi naman siya nag-effort itago 'yung identity niya. Kaya kahit limited ang information, nalaman ko kung sino talaga siya," paliwanag niya at pinindot niya ang isa sa mga picture. A picture of a girl with short brown hair. "Dummy account 'yon ni ate Denise..." Si ate Denise nga ang nasa picture.

"Anak siya ni Ninang Imelda, 'di ba?" tanong ko. Tango lang ang isinagot niya. "May mga kakilala ako na kilala siya. Base sa mga narinig ko, reklamadora nga siya sa social media."

Carnage of Vicinity (At a Not-So-Ordinary Senior High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon