Third person's POV:
"Mom I said I don't want to go!... ilang ulit ko bang sasabihin na ayokong pumunta sa putanginang bahay na yon!..." Sigaw ng binata sa babaeng naka upo sa harapan niya.
"Anak dadalawin mo lang naman ang grandparents mo sa probinsya. Anong masama doon?" Mahinang Sabi ng babae.
" The fuck!... Don't you hear me!... I said I don't want to!... Mamamatay ako sa inip doon. Ni pisting signal wala kang mahahagilap doon!..." Nangdadabog na sigaw. Bakas sa mukha ng binata ang pagka inis nito.
"Gael makinig ka naman kahit minsan lan- " Hindi na niya napatuloy ang kanyang pagsasalita ng padabog ng umakyat ng hagdan ang anak niya. Napa buntong hininga nalang siya habang nakatitig sa sahig.
"Ummh... Mom? If it's okay for you I can visit naman po sila ni Lolo and Lola." Tungo ng isang binata na nakaupo sa wheelchair katabi ng babae. Sa guwapo at mahinahon nitong mukha ay maipagtatanto mong
nasa labing- anim na itong taon.Napangiti ang babae at marahan itong lumapit sa kanya.
" Sigurado kaba kael?" Tinanong niya ito ng mahinahon. Napatango ang binata at ngumiti ng matamis. Hinawakan niya ang kamay ng babae at marahang tinapik ito.
Masasabi mong malaki ang pagkaka iba ng magkakambal. Ipinanganak silang dalawa na non-identical twins. Magkakambal ngunit magkaiba sila ng mukha, ugali at gusto. Si Gael ay mainit ang ulo at masasabi mong may pagka spoiled brat ang ugali nito. Gusto niya na siya lang lagi ang nasusunod. On the other hand si Kael naman ang ganap na kabaliktaran nito. Mabait, friendly at sweet. Pagdating naman sa pisikal na anyo ay mas lamang ng malaki si Kael kaysa kay Gael. Napaka guwapo at may pagkamestiso nito. Mayroon siyang napaka tangos na ilong at mahahabang pilik mata at mapupulang labi.
Si Gael naman ay may pagka seryoso ang mukha at singkit na mga mata.
Si Kael naman ay may kapansanan sa paa simula ng ipinanganak siya. Ang tawag sa sakit na ito ay Paraplegic na kung saan naka paralisa ang katawan mo mula sa baywang pababa. Kapag may Paraplegic ka ay hindi mo magagawang igalaw ang iyong baywang pababa sa iyong paa.
"Mabuti pa't matulog kana Kael ihahatid na kita sa kwarto mo." Mahinang Sabi nito. Tumango lang ang binata at tumingala sa kanya. Nagsimula ng pagulungin ng kanyang
Mommy ang kanyang wheelchair at tahimik na inihatid ito sa kanyang silid." Kakausapin ko nalang ang Daddy mo kapag nakauwi na siya galing ng trabaho. At kapag pumayag siya ay bukas na bukas rin ay pupunta na tayo ng probinsya."Masayang Sabi nito habang hinihipo ang malambot na buhok ng anak niya. Hindi man lang umimik ang anak niya at piniling ibalin ang kanyang atensyon sa bintana na naka tapad sa kama nito.
" Good night Kael." Malambing na tungo nito at hinagkan ang noo ng anak niyang naka tulala sa kawalan.
Kael!...
Kael!...
Tulungan mo ako!...
Napabalikwasa ng bangon ang binata at tumingala sa bintana ng kwarto niya.
Bangungot!...
Na naman!...
Tagatak ang pawis nito at hinihingal na tumingin sa bintana. Tirik na tirik na pala ang araw sa labas.
Bakit parang ang tahimik naman?...
Bakit walang ingay na naririnig sa buong bahay?...
Nakakabinging katahimikan ang tanging maririnig.
Nakakapagtaka naman...
Dahan-dahan nitong iniinat ang kanyang mga kamay para abutin ang wheelchair na nasa tabi ng kama niya. Dahan- dahan siyang umupo rito at tumingin sa pinto ng kwarto niya.
Anong amoy na iyon?...
Nangangamoy malansa!...
Nakakasuka ang amoy!...
Bakit ganito?...
Ang baho!...
Amoy nabubulok na karne!...
Napatakip nalang siya ng kanyang ilong sa sobrang malansang na ng gagaling sa labas ng kwarto niya.
Ipinagulung niya ng dahan-dahan ang kanyang wheelchair para alamin kung ano ang pinanggagalingan ng amoy na ito.
Wala...
Wala siyang makita...
Bakit madilim ang labas ng kwarto niya?...
Tirik na tirik na ang araw sa labas pero bakit punong-puno ng kadiliman ang labas ng kwarto niya?...
Ipinikit nya ang kanyang mga mata at humugot ng malami na paghinga.
Bakit ganito ang tibok ng puso niya?...
Palakas ng palakas ang tibok nito para bang sasabog na ito. Nanlalamig na ang kanyang mga kamay at ramdam na niyang nagtatayuan ang mga balahibo niya sa batok.
May biglaang umungol!...
Sa labas ng kwarto!...
Anong nilalang iyon!...
Ipinagulung niya pa ng dahan-dahan ang kanyang wheelchair at...
At...
At...
Katahimikan...
Biglang may mabibigat siyang yabag na naririnig sa labas!...
Natarantang ipinaatras niya ang kanyang wheelchair at...
Diyos ko!...
May kung anong nilalang ang nakatayo sa labas ng kwarto niya na tila ba pinagmamasdan siya...
Ang dilim!...
Hindi niya gaanong ma aninag kung ano ito.
"S-sino ka?" Nanginginig na tanong niya.
Nagsimulang lumakad ang nilalang na iyon at...
Putanginang!...
Ano ito!...
Napaka laking lalaki na sobrang nakakasuka ang anyo!...
Bakit wala siyang saplut?...
Wala siyang balat!...
Puro laman walang balat!...
Ngumisi sya ng katakut-takot at inihayag ang kanyang mga ngipin na naninilaw na!...
Tumutulo ang laway nitong malalagkit!...
YOU ARE READING
I saw the devil
Random"Basta ang tatandaan mo apo wag na wag mong bubuksan ang pinto." Babala nito habang mukhang takot na takot. " Pero bakit po? Ano ba talaga ang nangyayari sa bahay na ito?" "Basta pakinggan mo nalang ang sinasabi ko! Wag kang lalabas!"