Clarissa's POV:
Nang iminulat ko ang aking mga mata ay agad na bumungad sa harapan ko ang kisame ng kwarto ko.
Anong nangyari? Bakit ako nandito? Nananaginip na naman ba ako?
Puwersa kong ipinaupo ang sarili ko mula sa pagkakahiga ko sa aking kama. Ang sakit ng batok ko para bang hinampas ng kung anong bagay na mabigat. Kinapa ko ito at may kulay pulang likidong akong nakikita sa kamay ko.
Huh? Dugo ba ito? Ba't ganito? Sapagkaka- alala ko ay nasa kwarto ako kanina ni Kael para maghatid ng pagkain niya. Pagkatapos ay iyong babaeng itinulak niya papalabas ng balkonahe ng kwarto!!!
Okay lang kaya siya? Buhay pa kaya siya?
Parang mababaliw yata ako sa mga katanongan na gumagambala sa isip ko.
Is this for real? Ay bahala na. Hindi ko na talaga alam ang totoong nangyayari sa bahay na ito.
Tumayo ako mula aking kama para pumunta sa kusina sa ibaba.
Nagugutom na ako atsaka nauuhaw narin ako.
Lumabas ako ng kwarto at agad na napatakip ako ng aking ilong. Para kasi akong maduduwal sa masangsang na amoy na sumasalubong sa akin habang papalapit na ako roon.
Nang malapit na ako sa pinto ay lumiko ako sa kanan. Sa pasilyo doon sa dulo ay naroon ang isa pang kusina. Nagtungo ako doon.
Sinalubong ako ng mabahong amoy at mga bangaw. Halos paypayan ko ang aking mukha dahil sa mabibilis na bangaw na dumadapo sa aking mukha.
Hinanap ko agad iyong refrigerator. Pagbukas ko nito ay wala na iyong nakabalot na tinapay.
Nasan na kaya iyon? Ubos na kaya?
Naghalungkat pa ako. Binuksan ko iyong mga cabinet na nasa itaas ng lababo. Nagsilabasan ang mga gamu-gamo nang buksan ko ang mga cupboard.
Sa lababo ay may mga inaamag na plato. Iyong tubig na natuyot na ay may mga patay na mga uod.
Isa ito sa mga pinagmumulan ng mabahong amoy, pihado. Wala bang balak si Donya Nerida na ipalinis ang parte ng bahay na ito?
Binuksan ko rin ang ilalim ng lababo. Halos maduwal ako nang makita ang isang duguang palakol na nakalagay rito.
Kaninong dugo ito? Meron ba silang pinatay? Pumapatay ba sila ng tao?
Habang tumatakbo sa isipan ko ang mga katanongang ito ay parang maiihi ako sa takot.
Bumibilis ang tibok ng puso ko at bigla-biglang pinagpapawisan ang buong katawan ko.
Nataranta akong napatayo at napakislot ng malubha nang makasalubong si Ate Bheng.
“ oh, hija kamusta na ang pakiramdam mo?” kaswal niyang tugon.
Hindi ako makapagsalita. Parang maliligo na ako sa sarili kong pawis. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko.
“ A-ate Bheng? G-gusto ko na pong u- umuwi!” nanginginig kong sabi.
Napatitig siya saakin ng malubha. Bakit ganito? Ang creepy naman wala akong makitang ni kahit anong emosyon sa mukha niya.
“ Ano bang pinagsasabi mo, Clarissa?” Malamig siyang napatitig saakin.
“ Nakalimutan mo na bang bawal kang umuwi?” ngumiti siya ng katakut- takot.
“p-po?”
Ano bang pinagsasabi niya?
“ akala ko ba kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral at ma-iahon ang pamilya mo sa hirap.”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko. Nagsimulang mangatog ang buong katawan ko sa takot.
“p-pero. K-kaninong dugo ang nasa palakol na iyon!” lakas loob akong napasigaw habang itinuturo ang duguang palakol na nakalagay sa ilalim ng lababo.
Napakurap ng malubha saakin si Ate Bheng at ibinalin ang kanyang buong atensyon sa palakol.
“ ah, yan? Aksidente kasing nabitawan ng hardinero iyong palakol kaya hindi sinasadyang tumama ito sa paa niya.”
Huh? Niloloko niya ba ako? Sinong tanga ang maniniwala sa pangangatwiran ganyan? Ni hindi nga niya ipinamukhang kapani-paniwala ito.
“ ayaw mong maniwala?”
“ Kuya Tenor, hali ka nga rito!”
Biglang pumasok ang isang lalaki habang ipinagulong ang wheelchair niya kinauupuan.
“ Siya si Kuya Tenor, ang hardinero ng Casa.” kaswal na Sabi ni Ate Bheng habang ikinukumpas ang kamay niya sa lalaking nasa gilid niya.
“ Magandang araw sayo, hija.” napangiti siyang bumati sa akin.
Napatango naman ako ng saliwa. Gumalaw ang mga mata ko at napatitig sa paa ng lalaking nakaupo sa wheelchair.
So totoo nga?...
Nakacover ang paa nang lalaki sa gauze pad. Ilang sanadali pa ay napagtatanto kong huwag nalang umuwi.
Mukhang nadala na naman ako ng emosyon ko.
Nahihiya akong napatitig kay Ate Bheng at sa lalaki.
“ mabuti pa ay umakyat ka muna ng kwarto mo, Clarissa. Hahatiran nalang kita ng makakain. Magpahinga ka muna.” mahinhin niyang tugon.
Hinaplos ng maiinit na palad ni ate Bheng ang magkabilaang pisngi ko. Dahilan para makaramdam ako ng panginginig sa gulugod ko.
Nagsimulang akong maglakad papalabas ng kusina nang lingunin ko ulit na nag-uusap ang dalawa habang nagngingitian sa isa't- isa.
Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Nasan na ba ang dating Clarissa na positibo kung mag-isip?
Simula noong pumasok ako sa pamamahay na ito ay parang hindi na ako nakakapag- isip ng matuwid. Ni hindi na nga ako makatulog ng mahimbing.
Humiga ako sa aking kama at blankong napatitig sa kisame ng kwarto ko. Ilang sanadali pa ay naipikit ko na ang aking mga mata ng makarinig ako ng parang tunog ng kadenang kinakaladkad sa sahig.
Napabalikwasa akong bumangon at dali-daling tinungo ang pinto.
AHHHHHH!!!!!
Napasigaw ako ng napakalakas sa aking nakita.
YOU ARE READING
I saw the devil
Sonstiges"Basta ang tatandaan mo apo wag na wag mong bubuksan ang pinto." Babala nito habang mukhang takot na takot. " Pero bakit po? Ano ba talaga ang nangyayari sa bahay na ito?" "Basta pakinggan mo nalang ang sinasabi ko! Wag kang lalabas!"