07- Bangungot na naman?

1 0 0
                                    

Clarissa's POV:

BIGLA akong nakarinig ng kumakalam na tiyan. Sa likuran ko ay naririnig ko ang lumalagatok na mga buto at tila napupunit na laman.

Napaatras ako nang lingunin ko ito. Pinagtitigan ko iyon. Para kasing may nakikita akong  taong nakadapa sa dulo ng pasilyo.

Ano ang nilalang na iyon? Bakit nakatingin sa akin habang gumagapang ito?

Napaatras ako.

Hindi ko maigalaw ang nanginginig kong mga tuhod. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Parang biglang may bumara sa aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita.

Papalapit na siya. Gumagapang siya pero baligtad ang katawan niya.

Tagaktak na ang aking luha sa takot. Lalo na't bumilis ang paggalaw nito. Nang makalapit na ito sa akin ay nilundag ako.

"W-wag"

"Wag..."

"Wag!!!"

NAPABALIKWASA ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga.  Napahawak ako sa aking dibdib habang habol ko ang aking paghinga.

Bangungot!

Anong klasing bangungot iyon. Parang totoong-totoo. Pero wala na akong pakialam, ang importante ay hindi talaga iyon nangyari. At ang importante ay nagising agad ako.

Hindi pa siguro ako magigising kundi dahil sa isang katok. Sinilip ko muna ang bintana kung maliwanag na bago ako tumayo.

Mabuti nalang at umaga na pala. Nawala na rin ang takot ko nang marinig ko ang maamong boses ni Donya Nerida.

"Clarissa, gising na," tawag niya.

Kandadulas akong nagligpit ng higaan ko.

"S-sandali lang po." Napahinto lang ako nang makita kong basa na naman ang sapin ng kama ko.

Naihi na naman ako? Sigurado dahil sa binangunot ako.  Kung totoo mang mangyari iyon ay maiihi talaga ako.

Binuksan ko ang pinto ngunit bahagya lang.

" G- goodmorning po..."

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Donya Nerida habang pilit na sinisilip ang loob ng aking kwarto.

...

MARIIN akong napalunok habang naglalakad ako sa hallway papunta sa kwarto ni Kael. Kumatok ako nang ilang beses. Walang nagsasalita.

"K-kael,kailangan mo na raw uminom ng gamot."

Binuksan ko ng bahagya ang pinto at natanaw ang walang katao-taong silid.

Nasan na siya?

Bakit walang tao rito!!

"K-kael!!" Nanginginig akong pumasok at tumingin sa bawat sulok ng kwarto niya.

Wala!!

Wala siya rito!!

Pero ang mas nakakapagtaka ay bakit nandito ang wheelchair niya!!

Imposible namang makapaglakad ang isang lumpo hindi ba?

Bakit parang bumabalik na naman itong matinding kaba na nararamdaman ko!!

Clarissa!

Clarissa!!

Sa likod mo!!..

Bulung-bulungan ng namamaos na tinig na nanggagaling sa likuran ko.

Ayokong lumingon!

Hinding-hindi ko gagawin yon. Pilit kung ipinapaalala sa sarili ko na kahit anong mangyari hindi ako lilingon.

I saw the devil Where stories live. Discover now