14- ano ang nilalang na iyon?

0 0 0
                                    

Clarissa's POV:

Hanggang unti-unti ay lumilinaw sa akin ang imahe. Nasanay na ang mga mata ko kaya't kahit madilim ay nakikita ko ang manipis na katawan nitong nakabaluktot. Sa paningin ko ay  dikit ang balat niya sa kanyang buto. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakayuko.

A-ate Bheng?”  kahit pa alam kong hindi ito si Ate Bheng.

Mula sa maliit na bintana sa hallway ay pumasok ang liwanag ng buwan.

Sa wakas at nagpakita na rin ang buwan. Sigurado ay nahawi na ang mga ulap. Pero hindi pa rin sapat ang kapiranggot na liwanag mula sa bintana para mabistahan ko nang maayos ang nakabaluktot na nilalang.

Pero kahit paano at nakatulong ang munting liwanag ng buwan para maging malinaw ng kaunti ang  kahit balat lang ng nilalang sa di kalayuan.

Umuga ang kanyang balikat habang nakayakap sa sariling tuhod.

Maugat ang kanyang mga binti. Sinipat ko ito nang husto para lang makita na wala itong saplot.

Bakit siya nakahubad? Oo, tiyak kong nakahubad siya kahit pa hindi pa rin siya gaanong kalinaw sa akin.

“ S-sino ka?” takot na tanong ko.


Walang tugon. Patuloy lang ito sa pag-uga habang nakabaluktot.

Hindi kaya isa siyang baliw na nakapasok dito? O isang palaboy na gutom na gutom at kailangan tulungan?

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang malaki niyang buto sa siko at tuhod. Naririnig  ko rin ang kumakalam niyang sikmura.

Sa wakas ay pinansin niya ako. Huminto ang pag-uga ng balikat niya.

Umangat bigla ang kanyang mukha. At dahil madilim ay mga mata lang niyang nanlilisik ang aking nakita. Mabilis siyang gumapang papalapit sa akin.

Mabilis. Maliksi. Papunta siya sa kinatatayuan ko!

Sa sobrang gulat ko ay napatakbo ako papalayo sa kanya. Wala ako sa sariling katinuan ko.

Tumakbo ako papuntang kwarto ni Ate Bheng at pinaghahampas ko ang pintuan.

“ A-ate Bheng!!!!”

Biglang bumukas ang pinto at hinablot ako ni Ate Bheng papasok.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.

Napayuko ako bago ko siya tiningala. “ M-may nakita akong tao dun...”

Nakatingin lang siya sa akin.

“H-hindi ko alam kung sino. P-pero wala siyang saplot sa katawan. S-sino ang taong iyon? I- iyon ba yung laging kumakalampag sa pintuan ng kwarto ko? I-iyon ba ang dahilan kung bakit bawal akong lumabas tuwing gabi? Ate Bheng!!! Sagutin mo naman ako!!”

Nagsimula siyang maglakat at napa upo sa pinaka malapit na upuan. Mukhang wala yata siyang planong sumagot.

“ Hindi ko nakita ang mukha niya. H-hindi ko rin naaninagan kung babae ba siya o lalaki. Sino siya? A-anong kaya niyang gawin? N-nanakit ba siya?”

Humakbang siya at naglakad palampas sa akin. Bumalik siya sa kanyang kama.

Nilapitan ko siya.
“ Ate Bheng, ano ba?! Sino ang taong iyon? Bakit siya nangangambala tuwing gabi?”

Hindi niya ako inimik. Obviously wala na rin siyang balak na sagutin pa ang mga tanong ko.

Naglakat ako gamit ang aking mabibigat na mga paa papunta sa pinto.

Pero hindi niya ako pinansin.

Bakit ganon? Kanina ay parang mamamatay ako na ako...pero bakit ngayon ay bigla nalang naging safe ang pakiramdam ko.

“Ang mabuti pa ay dito ka nalang matulog clarissa.”

“ P-pero ate Bhe- ”

Umiling siya. Pagkatapos ay hinila ako papalapit sa kama. Napatanga lang ako sa kanya.

Saglit niya akong tinitigan at saka sinenyasan ng kanyang mga kamay upang magsabing mahiga na sa kama.

Wala sa loob akong napatingin kay Ate Bheng. Nakade-kuwatro siya sa upuan habang nakahalukipkip ang mga braso niya sa harap ng kanyang dibdib.

Nakatingin lang siya sa akin at mukhang wala siyang balak kumurap.

“ Goodnight Clarissa...” mahina niyang tugon.

Safe ba talaga ako sa kanya?...

Inilapat ko ang aking pagod na katawan sa kanyang higaan. Kahit naiilang ako ay lumapat na rin ang aking ulo sa kanyang malambot na unan.  Hanggang sa naigupo na ako ng antok. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

Pero naramdaman ko pa ng umuga ang kama at may nag-ayos kumot ko.

...

Nang masikatan ng araw ang aking mga mata ay napabangon ako kaagad. Namulatan ko si Ate Bheng na nakaupo pa rin sa upuan na malapit sa sa akin. Parang hindi nagbago ang kanyang pwesto.

Nakatingin lang siya sa akin.

“ H-hindi ka po ba nakatulog?”

Tumango siya.

Teka baka hanapin ako ni Donya Nerida!!

Tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng pinto. Ano nalang ang sasabihin ni Donya Nerida kapag nadatnan niya ako sa kwarto ni Ate Bheng na mayroon naman akong sariling kwarto.

Bago ako tuluyang lumabas ng pinto ay nilingon ko si Ate Bheng.

S-salamat nga po pala...”

Lumabas na ako at isinara ang pinto. Naglakat ako nang mabilis papunta sa aking kwarto. Nadatnan ko si Donya Nerida doon na ipinapaayos ang aking pinto. Okay na okay na iyon. Nakakabit na ulit. Katatapos niya  lang din ipaayos ang lock ng pinto.

“ G-good morning po. N-nasira po yan kagabi dahil-”

Pakainin mo na si Kael.”

“Po?”

Humarap siya sa akin. Ayos na ang lock ng pintong ito. Bumaba kana at pakainin mo na si Kael.”

“S-sino po yung-”

“Ayoko sa lahat ay iyong nagtatanong. Di ba sinabi ko na sa iyo yan?!” Nagtaas siya ng boses. “ Bakit ba ang kulit-kulit mo, Clarissa?!”

“P-pero-”

“Pakainin mo na si Kael!...”

Napaatras ako. Lalo na nang pinandilatan niya ako. Nangingitim kasi ang ilalim ng kanyang mga mata. Salubong din ang makakapal niyang mga kilay.

“ Pakainin mo na si Kael.” Gagad niya, hindi na pasigaw pero mas nakakatakot ang timbre ng boses niya.

Hindi na ako kumibo matapos ko siyang talikuran. Bumaba na ako ng hagdan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I saw the devil Where stories live. Discover now