05- katok?

0 0 0
                                    

Clarissa's POV:

Mag a-alas-sinko na nang tawagin ako ni Ate bheng para tumulong sa paghahanda ng pagkain nila Donya Nerida para sa kanilang hapunan.

Nakakamangha talaga itong mansyon kahit na  medyo luma na ay napaka ganda pa rin. At saka ngayon lang ata ako nakakita ng napakalaking kusina na halos kung ikukumpara mo sa bahay namin ay sure akong mas malaki pa ito roon.

"Clarissa."

Napakurap ako habang naghihiwa ng sibuyas nang tawagin ako bigla ni Ate Bheng.

"P-po?"

Itinuro niya ang kanyang hintuturo sa bintana malapit sa aking kinatatayuan.

Sa labas ng bintana ay makikita mo si Kael na nakaupo sa kanyang wheelchair habang nakatitig sa kung anong bagay ang nakakuha ng atensyon niya.

Ba't ganyan siya makatingin?

Kalmado ang maamo niyang mukha, pero malamig ang mga mata niya. Bakit nga ba nandiyan siya?

Nang lumingon siya sa akin ay nahugot ko ang aking paghinga. May kailangan ba siya? May hinihintay ba siya?

May sasabihin ba siya? Bakit nakatingin siya sa akin? Bakit ang tagal? Wala siyang kahit anong reaksyon ni kahit pagkisap ng mga mata niya ay hindi niya ginagawa?

Ibinukli niya ang aming tinginan ng talikuran niya ako kaagad. Dahan-dahan niyang ipinagulong ang kanyang wheelchair at saka umalis na na para bang walang nangyari.

Napabuntong hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

..........


[ 7:30 PM ]

Oras na nang paghahapunan habang abalang  inaayos ng mga katulong ang hapag.

Nagluto si Ate Bheng ng nilagang baboy at porkchop para sa hapunan.

"Clarissa. Bheng. Halina kayo't samahan kami sa pagkain." Anyaya ni Donya Nerida habang nakatingin sa amin.

"P-po?" Nag-aalangan kong tungo at tumingin kay Ate Bheng.

Napatango naman siya at ininguso ang upuan na nakalagay sa tabi ni Kael.

Dahan-dahan akong lumapit dito at umupo nang mahinahon.

Sa totoo lang gusto kong tumanggi pero sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw ni Donya Nerida na tinatanggihan ang imbitasyon niya.

Tahimik na inilapag ni Kael ang isang basong gatas sa harapan ko sanhi ng pagkabigla ko sa kanyang ginawa.

" It look's like wala kang ganang kumain. So if you don't want to eat uminom ka nalang niyan." Malumay niyang tungon habang nakatitig sa pagkain niya.

"Siguro pagod ka lang Clarissa. Mas mabuti pa't inumin mo nayan ng makapagpahinga kana." Sambit naman ni Don Leonardo.

" I'll go to sleep, Lola and Lolo. Good night everyone." Mahinahong tugon ni Kael.

" Ihahatid na kita." Pag-aapura ko namang tugon.

Napatingin silang lahat sa akin. Tumawa nalang ako ng saliwa sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

"I-I mean magkasunod lang naman yung kwarto natin kaya." Nahihiya kung sinabi.

"Sure" maiksing sagot ni Kael.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at dahan-dahan na itinulak ang wheelchair niya.

Habang naglalakad na kami sa corridor papunta sa kanya-kanya naming kwarto ay wala kang  maririnig na kung ano mang ingay kundi ang maliliit na tunog ng gulong nang wheelchair habang itinutulak ko ito.

" You should sleep na clarissa." Malumanay na sabi ni Kael nang makarating na kami sa pinto ng kwarto niya.

"P-pero bak-"

"It's okay. You should sleep na it's getting late." Tugon nito at tinalikuran na ako.

" Okay po, good night." Mahinahon kung sagot. Tumango siya at isinara na ang pinto ng kwarto niya.

I guese kailangan ko rin magpahinga. Sumasakit na ang buong katawan ko. Para bang may hinapas na bagay sa mga binte't balikat ko.


Mahinahon akong pumasok sa kwarto ko at agad na ni-lock ang pinto.

Walang kibo akong napahiga sa aking higaan at napatitig sa kisame ng kwarto ko.

°°°°°°°

[ 11:59 PM]

NAPABALIKWASA ako ng bangon dahil sa ingay.  Ano ang ingay na iyon? Bakit nakakarinig yata ako ng malalakas na kalabog?

Tumayo ako at napatingin sa wall clock mag a-alas-dose na pala. Napakibot ako nang aking balikat ng biglaang tumunog ang Wall clock.

It's already 12:00 AM

Naririnig ko pa rin ang mga malalakas na kalabog pakiramdam ko ay yumayanig ang sahig.

Tinungo ko ang pinto at tinanggal ang lock nito. Ibabalik ko rin naman kaagad. Tiyak na magagalit si Donya Nerida kapag lumabas ako ngayon lalo na't malalim na ang gabi.

Kinuha ko sa aking bag ang aking cellphone.

Napatingala ako nang may narinig akong nananakbo.

Umuga ang kisame sa itaas ko. Naririnig ko- may mabibigat na mga paa ang naglalakad sa ibabaw ng kisame ng kwartong kinaroroonan ko.

Matagal kong pinagmasdan ang kisame. Mayamaya pa'y heto na naman iyong nananakbo. Mas mabilis pa ito kaysa kanina! Mas mabibigat na ngayon ang kanyang mga paa!

Napatakbo ako sa pinto. Sinigurado ko na naka-lock ito.

Ilang sandali pa'y sa ibang parte ko na naririnig iyong mga yabag. Napahilig ako sa pader dahil doon ko ito naririnig.

Pinagpawisan ako. Nanlaki ang mga mata ko.

Posible bang may taong makakalakad sa pader?

Papalapit na ito!

Sa kwarto ko! Papalapit ang mga yabag sa kwarto ko!

Nang malapit na sa pinto ko ang mabibigat na paa ay huminto ito. Sanhi para mapaatras ako.

Hindi umalis ang paningin ko sa pinto. Nananalangin ako na wag sanang  bumukas ito.

Ilang sandali pa'y may mahihina akong katok na naririnig at biglang lumakas ito.

Parang gusto nitong sirain ang pinto ng kwarto ko.

I saw the devil Where stories live. Discover now