Clarissa's POV:
Ano ba talaga ang nangyayari sa bahay na ito? Bakit parang sa bawat araw na lumilipas sa pamamahay na ito ay mas lalong lumalala ang mga nangyayari.
Gusto ko nang umalis rito!! Pero papano ko gagawin iyon? Kapag umalis ako rito tiyak akong hindi ko na matutuloy ang mga pangako at plano ko na maiahon ang pamilya ko sa hirap.
Dali-dali akong tumungo sa cabinet na nasa gilid ng kama ko. Sa loob ng cabinet ay napapaloob roon ang backpack at cellphone ko.
Kailangan kong tawagan si Mama. I hope paniwalaan niya ang mga sasabihin ko.
Ring!!!!!...
Ring!!!...
...
“ oh, Clarissa. Ba't napatawag ka anak?”
“ Ma? Gusto ko na pong u-umalis rito.”
“ H-hello? Ma?!!..."
“Anak h-hindi k-kita maintindihan!! C-choppy!!”
“H-hello? Ma!!”
Haysst bakit ba kasi ganito!! Ang malas naman. Nakakainis wala na akong mahagilap na signal!!...
Kalma Clarissa!! Kumalma ka muna...
Kailangan kong makapag-isip ng mabuti. Kailangan kong pag-isipan kong pano ako aalis rito tsaka ko nalang ipapaliwag sa kanila ang mas importante ay maka-alis na ako rito.
T
imeskip...
“ MAGANDANG araw po.” Ngumiti ako sa babaeng nadatnan ko sa storage room sa basement. Inutusan kasi ako ni Ate Bheng na salubungin siya.
“ Maganda araw rin sayo, hija.” Bati ng ginang matapos magpunas ng pawis. “ Bago ka dito?”
“ Opo.” Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang bitbitin ang mga karne. Inilagay naman iyon sa freezer.
“ Ako si Helen, ” pakilala niya. “ Ako ang tagadala ng stocks dito nila Don Leonardo.”
“ tuwing kailan po kayo nagdedeliver ng stocks.”
“ Every week. Kaya lang mabilis maubos ang karne nila nitong mga nakaraan na buwan. Kaya tuwing ikatlong araw ay nagdedeliver na ako.” Napatingin siya sa isang basket ng mga prutas. “ Nabubulok na ang mga prutas nila.”
“ Hindi po yata sila mahilig sa prutas.”
Napapailing siya. “ Iyon nga ang nakakapagtaka. Pitong taon na akong nagdedeliver sa kanila pero ngayon lang nangyari ito.”
“ Ano po bang ibig niyong sabihin?”
“ Mahilig si Don Leonardo sa mga prutas. Mas marami nga ang delivery ko dati ng mga prutas kaysa karne noon. Simula noong dumating rito ang apo nila ay biglang nagbago ang lahat.”
YOU ARE READING
I saw the devil
Random"Basta ang tatandaan mo apo wag na wag mong bubuksan ang pinto." Babala nito habang mukhang takot na takot. " Pero bakit po? Ano ba talaga ang nangyayari sa bahay na ito?" "Basta pakinggan mo nalang ang sinasabi ko! Wag kang lalabas!"