13- Sino ka?

0 0 0
                                    

Clarissa's POV:

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Sumagi na naman kasi sa isip ko iyong mga kababalaghang nakita ko kanina.

Napabalikwasa ako ng bangon. Baliw na talaga siguro si Kael!!!


Biglang may kumalabog sa aking pinto kaya napabalikwasa ako ng tayo. Hindi naman ito katok. Para kasing inuumpog na ulo ang naririnig ko.

Parang inuumpog ang sarili sa mismong pinto ng aking kwarto!

Napalunok nang malalim. Kumalabog bigla ang  dibdib ko sa takot. Ayoko na nakakarinig  nang ganitong tunog. Na para bang kung sino man ito ay tila wala sa sariling  gustong pumasok dito sa loob ng kwartong kinaroroonan ko.

Nanginginig akong napaatras habang naliligo sa sariling pawis. Habang tumatagal kasi ay palakas nang palakas ang kalabog! Kulang nalang ay gibain nito ang pinto!

Si Kael ba ito? Ano ang gusto niya? May kailangan ba siya?

Nilapitan ko ang pinto. Sisiguraduhin ko na maayos ang pagkaka-lock.

Ngunit bago ko pa ito malapitan ay isa -isa nang nagsitalsikan ang turnilyo nito sa paligid. Napatigagal na lang ako nang makita kong nalalaglag ang mga ito sa sahig. Napaluha ako nang matanggal na rin ang seradura ng pinto. Nabuwal ako sa pagkakatayo nang dahan-dahang umangat  ang pinto.

Ilang minuto lang ay tuluyan na iyong bumigay  sa sahig.

At nawala pang segundo na nasilayan ko ang dahilan ng pagkasira ng pinto ng kwarto ko.

Nanginginig akong lumayo sa pinto. Bumagsak na iyon at ngayon ay sumasalubong na sa akin ang kadiliman mula sa labas ng kwarto.

Ano iyong imahe na iyon? Anong klaseng imahe ang naaaninag ko...

Ano ito? Sino ito? Anong nilalang ito?

Diyos ko...

Napaluha ako habang nanginginig. Gusto kong tumili at sumigaw, pero manhid ang lalamunan ko. Pinagsisipa ko ang sahig para lang makaatras ako. Hindi kasi ako makatayo sa sobrang takot.

Walang kahit anong senyales na papasok ang kung sino mang nilalang na nasa labas ng kwarto ko. Pero hindi ako dapat mapanatag. Hindi ako  pwedeng huminga ng maayos.

Hindi... Hindi ko kaya!!!

Kailangan kong makapagtago! Kailangan kong makakilos para makalayo! Malayong- malayo sa pinto!!

Para akong tumatakbo ng ilang kilometro sa lakas ng paghingal ko. Pakiramdam ko nga ay anumang oras ay hihimatayin na ako.

Tigib ang luha at pawis ko ng  lumingon ako sa pinto.


Madilim.



Kumurap ako.


Nawala?






Kumurap ulit.



Nakailang kurap ako. Kinusot ko pa ang aking mga mata, pero wala talaga.


Anong nangyari?


Nasan na iyong nakita ko?

O  may nakita ba talaga ako?


Ipinilig ko ang aking ulo. Na nanaginip na naman ba ako? Imahinasyon lang ba iyong nakita ko? Baliw  na rin ba ako? Nasisiraan ba ako ng ulo? O bangungot lang talaga iyon? Ano ba talaga?!

Nasan na siya? Iyong humahampas kanina sa  pinto, nasaan na siya? Nasan na?!...


O nandyan lang siya. Hindi ko lang talaga makita dahil madilim? No. No way! Hindi siya totoo. Tinatakot ko lang ang sarili ko!

Bangungot lang ito. Oo, tama...
bangungot lang. Nang may maulinigan akong tila huni mula sa kadulu-duluhan ng madilim na hallway  sa labas.

A-ano iyon?”


Nananayo ang mga balahibo ko sa katawan, nangangatal ang mga labi ko sa nerbiyos. Bumalik ang takot ko, pero pilit ko itong nilabanan.

Ano iyong ingay? Ano iyong sumusutsot sa dulo ng madilim na hallway?



Pilit kong inaaninag kung ano ang meron sa bandang dulo niyong, ngunit wala talaga akong makita kundi kadiliman.



Dapat kung ibalik ang pinto sa dati. Dapat muli ko iyong isara.



Maingat akong humakbang papalapit sa pinto. May kung anong pwersa na tila humihila sa akin para usyusuhin kung saan  galing ang sutsot. Sinilip ko ang labas, tagaktak ang pawis ko.


Napakadilim talaga.

Wala akong makita dahil madilim. Bahagya pa akong humakbang hanggang sa makalabas ako ng kuwarto ko.


“ Clarissa, wag duwag... imagination lang iyon...” pang-uuto ko sa sarili ko.



Pilit kong inaaninag ang dilim.

Nasan iyong sumusutsot?


Teka at mabuksan ko nga ang ilaw. Nangapa ako sa dingding, pero wala akong makapa. Kailangan kong mabuksan ang ilaw dito sa daan. Nasan na ba kasi iyong switch?

Kapa...kapa...


Kapa...

Kapa...



“Ha?”




Mabilis akong napalingun sa aking kaliwa nang may narinig akong ingay.
Naririnig kong parang may umiiyak.


“S-sino yan?”



Parang may nasisinag na ako sa dulo ng hallway.  Don sa pinakamadilim ay parang may taong nakasalampak sa sahig.

Marahan akong lumapit.

“ S-sino iyan? A-ate Bheng? M-mang Tenor?”






Bakit ganon? Bakit parang kakaiba ang itsura niya? Kahit madilim ay unti-unting nasasanay ang mga mata ko kaya naaaninag ko na ang bulto nito.

Tao ba iyon? Anong nilalang iyon?








I saw the devil Where stories live. Discover now