CHAPTER 7

256 11 14
                                    

JAZZ

Hanggang matapos ang subject ni Miss Svenillo ay nasa harap lang ako at naka squat habang may mga libro pa na sandamakmak sa mga kamay. Mabuti nalang at malakas pa ako kaya nakayanan ko iyon kahit para na akong tatakasan ng lakas kahit isang minuto palang.

Pagkatapos niyang mag turo kanina ay tinapunan lang ako nito ng isang malamig na tingin saka lumabas ng walang pasabi kaya agad akong napahiga sa sahig sa sobrang pagod at sakit ng katawan. Kainis.

Agad akong nilapitan ng mga kumag kong kaibigan pero hindi ako kumilos dahil napakasakit talaga ng buong katawan ko. May trabaho pa ako mamaya, puta.

"Are you okay, Jazz?" Bakas sa tono nito ang pag aalala kaya ngumiti lang ako at tumango sa kanya.

Nakapalibot sila sa akin ngayon na akala mo naman kailangan na akong isugod sa hospital.

"I'm okay, Fushia. Wala lang 'to, napagod lang, magpapahinga lang ako saglit," tumango lang ito sa sinabi ko pero bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-aalala.

"Oh my god, babe are you okay?" Agad na tanong ni Cherry ng makalapit ito. Parang mas lalo atang sasakit ang katawan ko dito, nandiyan na naman siya.

"Ang OA mo talaga, Bomba, alis nga diyan," itinulak pa nito si Cherry para makalapit siya sa akin.

"What the hell, bakla! Why did you push me?" agad na tumalim ang tingin nito sa sinabi ni Cherry.

"Annabel 2.0 kaba? Hindi nga sabi ako bakla, pwede ba tigil-tigilan niyo 'yan at baka pag buhulin ko pa kayo ng isa diyan," mataray na asik nito.

Madilim ang mukha ni Annabel na pumwesto sa likod nito sabay ngisi na ikinailing ko.

"Aray! Puta sino 'yang nambatok na 'yan ng mabigawasan ko agad ang pagmumukha?" agad din niyang tanong ng malakas siyang batukan ni Abel sabay tago sa likod ni Dani.

"Walang nambatok sayo, tanga," singit ni Nerma habang may hawak itong piattos na nilalantakan na naman niya.

"Baka akala mo nandiyan si Black lady para batukan ako? Hindi pa naman ako baliw para mag reklamo kung hindi masakit ano?" taas-kilay na bwelta nito kay Nerma. Napakataray talaga.

"Ayan, kaya ka napagkakamalang bakla dahil diyan sa mga kilos mo," puna sa kanya ni France na tinarayan niya lang.

Tumayo itong si Eze na kunot ang noo at masamang bumaling kay Cherry na mataray lang na nakatingin sa kanya.

"Ikaw siguro nambatok sa akin Bomba, 'no?" Pagbibintang nito sa isa kaya nagsimulang mag tawanan ang mga gago.

"Stop calling me that! And no, bakit naman kita babatukan eh ang tigas tigas ng ulo mo,"

"Aba, pumapalag kana ngayon ha, Sige, lumaban ka, kahit isama mo pa mga alipores mo, halika sugod na," napuno ng malakas na tawanan ang buong silid kaya imbes na makapag pahinga ako ay lalo lang akong nanghina sa kanila.

"Manahimik ka nga diyan, bakla. Napakaingay mo, karindi ka," sabat ni Abel sa likuran nito kaya mas lalong tumaray ang mukha ni kumag ng balingan niya ito.

Kita ko naman si Dani na nasa may gilid ko na pala kaya wala ng tinataguan itong isa.

"Sinasabi ko na nga ba eh, awatin niyo ako guys, ngayon na," sabi nito habang ang dalawang kamay ay nakakapit sa dalawa naming kaklase sa likod niya.

Tinawanan lang siya ni Abel sabay lapit ng kaunti dito, "Ulol ka talaga, baklang duwag," nagsisimula na naman sila.

"Hoy! Hanggang kailan ko ba sasabihin na hindi nga ako bakla ha?" galit na sigaw nito.

My Only Exception [GXG] [PROFXSTUDENT]Where stories live. Discover now