JAZZ
Pagtingin ko sa suot kong relo ay pasado alas-nuwebe na ng gabi. Hindi na ako nakapasok sa trabaho ko. Pero okay lang 'yan, dodoblehin ko nalang 'yung oras ng pasok ko bukas para mabawi ko 'yung nasayang ko ngayon. Mag-isa na nga lang ako, wala pang pera.
Kanina pa ako dito dahil natutuwa akong mag duyan-duyan dito kahit para akong tanga na kanina pa tinatawanan ang mga walang kwenta kong pinagsasabi.
Medyo maliwanag naman dito dahil may street lights na nakabukas sa labas. Medyo madilim nga lang dito sa parte ko dahil natatakpan ng slides iyong ilaw pero kita pa rin naman ako mula sa labas.
Siguro 'yung mga multo na kasama ko ngayon dito ay pinagtatawanan na ako o di kaya'y pinagsusuntok na ako sa pag kausap ko sa sarili ko. Kung sumasagot lang sana sila ay baka tropa na kami ngayon, kaso mga pipi ata itong mga multong nandito, hays boring.
Humugot ako ng malalim na hininga bago muling nag duyan. Paulit-ulit na nagrereplay ang naganap kanina sa utak ko kaya nililibang ko ang sarili ko.
Muli kong pinagsusuntok ang sarili ko ng muli kong makita ang hitsura ni Mommy ng hindi ko siya nirespeto kanina. Alam kong nabastos ko at nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Kaya ngayon ay naggagalaiti ako sa galit para sa sarili ko.
Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito ni Mommy. Nahihirapan akong nakikita ko siyang nasasaktan dahil sa akin kaya nga ako umalis doon eh. Kasi ayaw ko na magkasakitan pa kami ng damdamin.
"Stupid, stupid stupid," paulit ulit kong sabi sa sarili ko habang pinagsusuntok ko ang mukha ko.
Napakawala kong kwentang anak. Sarili kong magulang nabastos ko. Kung alam lang nila kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na yakapin sila at humingi ng patawad sa lahat mga pinagsasabi ko kanina, hindi ko rin naman gusto na masaktan sila eh. Kaso lang hindi ko pa talaga kayang patawarin ang sarili ko.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit, nanghihina ang buo kong katawan at kumikirot ang puso ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang sakit nito na mas lalong nagpahagulgol sa akin.
Sobrang tagal na mula nung huli akong umiyak at ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong sakit at galit.
"I...am s-sorry, M-mommy," panimula ko, "I m-miss you so much, s-sorry for h-hurting you a-again. N-ngayon na nga lang tayo ulit n-nagkita t-tapos sakit na naman a-ang naidulot ko s-sayo," humihikbi kong sambit.
"S-sorry I d-dispespect you, you don't deserve it M-mommy, I am s-sorry for b-blaming you for w-what happened to K-klea when in fact, it is really my f-fault. I don't d-deserve your l-love for me, and I am just too coward to f-face you and my p-past. S-sorry..." halos hindi ko na nga maintindihan ang mga pinagsasabi ko dahil sa pag iyak. Wala na akong pakialam ngayon kung para na akong batang nawawala sa sobrang lakas ng paghikbi ko. Hindi ko mapigilan.
"You d-dont know h-how much I w-wanted to hug you b-before...h-how much I wanted t-to...to say s-sorry and how badly I w-want to be w-with you again. I miss you M-mommy, Daddy and our h-home, but I can't live there anymore, h-hindi ko pa k-kaya, please w-wait for me, sisikapin kong unti-unting p-patawarin ang sarili ko para sa i-inyo. P-para pag bumalik ako d-do'n wala na 'yung s-sakit." sa bawat salitang binibitawan ko ay mas lalong sumasakit ang dibdib ko, hindi ko nga maigalaw ang kamay ko para mapunasan ang mga luha na kanina pang pumapatak sa mga mata ko.
Basang basa na ang mukha ko at maging ang suot kong t-shirt ay inabot na ng luha ko. Siguro kung may balde lang ay sinahod ko na ang mga luha ko ngayon. Wala man lang akong dalang panyo para mapunasan ang sipon ko gago.
YOU ARE READING
My Only Exception [GXG] [PROFXSTUDENT]
Fanfictie"No matter what life throws our way, I swear to always cherish, guard, and remain by your side. I promise to protect you, to make sure you're always at ease, and to give you all you've ever wanted. I, Jazz Alexia Morgana, swear to support you and lo...