CHAPTER 10

335 11 16
                                    

JAZZ

"May sakit ka ba, Master? Bakit ang tamlay mo today?" tanong ni Eze kupal sa akin.

Napuyat kasi ako dahil ala una na rin ako nakauwi ng bahay galing sa trabaho. Mula kasi nang hindi ako nakapasok dalawang araw na ang nakakalipas mula ng mangyari ang sagutan sa amin ni Mommy ay talagang todo trabaho ako para mabawi ko ang pera na nawala sa akin. Gusto ko na rin kasi mag bayad sa jeep these days, baka kasi makarma ako.

Pag-uwi ko kagabi ay hindi rin naman ako agad nakatulog dahil naligo pa ako, kaya ang ginawa ko nanood nalang ako ng anime na hindi ko alam ang title. Basta pinanood ko lang.

"Wala, ginabi lang ng uwi," humihikab na sagot ko.

Napailing-iling nalang sila sa sagot ko. Alam naman kasi nila na hindi nila ako mapipigilan kahit pa sermunan nila ako buong araw. Sanay na sila sa akin kaya siguro hindi na rin nila ako pinipilit na itigil ang mga ginagawa ko, 'di gaya dati na talagang gagawa sila ng paraan para lang hindi ako makapasok. Mga gagong 'yon, tinatanggalan ako ng karapatang magkapera. Tsk.

"Nandito na pala sina Billy at Johnny, kanina lang pumasok," nagulat naman ako sa sinabing iyon ni Nerma kaya nilibot ko ang paningin ko sa loob pero wala naman sila.

"They're here earlier, I don't know where they are now." komento ni Fushia.

Kakapasok palang umalis na naman 'yung dalawang palaka na 'yon. Ano bang pinaggagagawa nila sa mga nakalipas na araw. Nakakapagtaka talaga.

"Bakit umalis pa sila, malapit na pumasok si Miss," sabi ko dahil ayoko naman na pag initan sila ni Miss dahil baka ma-late sila, at halos isang linggo rin silang absent.

Bumuntong-hininga si Abel bago sumagot. "Sinabihan na namin sila kanina, pero hindi sila nakikinig, hindi nga sila mapag-hiwalay eh."

"Truth," pagsang-ayon ni kupal.

"They seemed to have gotten so close since they've been together for almost a week. I wonder what they are doing in those days," Fushia said which I couldn't agree more. I sense something.

"Ano pa ba, edi syempre nag girls hunting sa bar, wala naman silang ibang pinagkakasunduan kundi iyon e," sambit ni Eze. Maybe yes for them, because that's what we're always thinking before, but now, hmm.

"Hayaan niyo na lang, babalik din 'yan sila bago makarating si Miss," sabi ni Nerma habang kumakain ito ng biscuit.

Speaking of Miss, after noong nakita niya akong umiiyak sa park ay gusto niya sana akong dalhin sa hospital para magamot ang sugat ko pero tinanggihan ko dahil hindi naman masyadong masakit 'yon. Buti sana kung duguan na ako at balian na buto ko baka pwede pa.

Sanay naman na kasi ako na laging nasusugatan dahil nga sa madami akong kaaway na hindi ko alam kung paano ko sila naging kaaway. Basta kalaban ko na lang sila bigla.

Pero dati lang 'yon, pinapatulan ko sila dati kung gusto nila ng bakbakan pero ngayon ay hindi na, hinahayaan ko nalang sila dahil masyado akong busy para makisakay sa mga trip nila. Good girl na kasi ako.

Hinatid niya lang ako sa amin tapos umalis na naman ng walang pasabi kagaya n'ong una niya akong hinatid.

Ang daya niya talaga, siya alam niya agad bahay ko tapos ako kapag tinatanong ko siya kung saan siya nakatira sasabihin niya lang, "don't mind me, I have to go." GRRRRR.

Pinapaiksi talaga nito ni Ma'am yung pasensya ko sa kanya e, palibhasa alam niya na hindi ko kayang magalit sa kanya.

"Good morning." Napatahimik ang lahat at mabilis pa sa alas-kwatro silang napatayo at bumati kay Miss Svenillo na nasa harapan na namin ngayon.

My Only Exception [GXG] [PROFXSTUDENT]Where stories live. Discover now