CHAPTER 6

271 12 10
                                    

JAZZ

Agad akong napabalikwas sa kama ko ng makitang pasado ala siyete na ng umaga. Puta male-late na ako!

Narinig kong tumunog na ang alarm clock ko kanina pero dahil inaantok pa ako ay agad ko rin itong pinatay. Sabi ko 5 minutes lang eh.

Kaya ayaw kong pinapatay talaga ang alarm ko dahil alam kong 'yung sinasabi kong 5 minutes na 'yan ay aabutin talaga ng matagal.

Mabuti na nga lang at nagising pa ako ng medyo maaga, aabot pa 'to.

Nagmadali akong pumasok ng banyo ko at naligo ng mabilisan. Pagtapos ay nag bihis lang ako ng white oversized t-shirt at wide leg black pants dahil ang lola niyo mahilig sa ganitong porma. Maangas kasi tayo.

Hindi kasi ako mahilig sa mga fit na suot dahil feeling ko para na akong suman n'on. Mas prefer ko 'yung ganitong pormahan dahil mas komportable ako dito at nakakagalaw ako ng maayos.

Uminom lang ako ng malamig na tubig sa kusina tsaka nagmadaling sinukbit ang bag at lumabas na ng bahay. Syempre sinara ko 'yung gate.

Hindi ako naglalagay ng kahit na ano sa mukha ko dahil okay naman na ako ng wala n'on. Maayos pa rin naman akong tingnan, maganda naman kasi ang lola niyo kaya hindi ko na need n'on. Mayabang pero may maipagyayabang. Bleeh.

Patingin-tingin ako sa suot kong relo dahil putek 20 minutes nalang ang natitira kong oras bago mag simula ang first subject ko at ang mas malala pa nito ay si Miss Dracula iyon kaya medyo kinakabahan ako.

Medyo malayo itong bahay ko sa school kaya alam kong kahit humarurot pa ang sasakyan ko ay hindi ako makakarating d'on sa tamang oras.

Nang makita ko ang jeep na palapit sa akin ay agad akong nag para para makasakay. Dumiretso ako sa likod ng driver para madali lang akong mag bayad, ayaw ko kasi ng iaabot pa ang bayad sa katabi, at isa pa ay iyon nalang ang natitirang bakanteng upuan kaya no choice din.

"Manong naman, ang tagal mo kanina pa ako naghihintay d'on," reklamo ko dito ng makaupo ako.

Napatingin naman si Manong sa rear view mirror at napakamot pa.

"Ineng, pasensya kana, hindi ko naman alam na naghihintay ka pala," agad naman akong napairap sa sagot nito.

"Nako, Manong, hindi pwede 'yan, male-late na ako at kasalanan mo 'yon,"

"Bakit ako pa ang may kasalanan?"

"Sino ba ang pinaghintay ako doon, Manong?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

Nag alangan naman itong kumamot sa batok bago sumagot, "Ako."

"Correct, kaya kapag ako pinagalitan ni Dragon, ikaw ang ituturo ko," pananakot ko sa kanya.

"I-ineng naman, huwag mo na akong idamay diyan, tsaka sino ba 'yang dragon na tinutukoy mo?" Haha, baka mas lalo kang matakot 'pag nakilala mo siya.

"Prof ko siya, Manong. Masama 'yun magalit, may itim na kapangyarihan siya at kayang kaya ka niyang kulamin at gawing butiki," agad na napa-preno ito kaya ang mga pasahero dito ay nag reklamo pa ngunit ang iba naman ay humagikgik pa sa naririnig.

"S-seryoso ka ba diyan? Kung professor siya bakit siya naging mangkukulam?" may bahid ng takot ang boses nito pero nakapag tanong pa rin.

"Bakit bawal ba 'yun? Kaya nga sila pumupunta sa madaming tao para madaming mabiktima. Kaya siya nandun sa school kasi diba madaming tao d'on? Kaya Manong, humanda kanang maging butiki," mahabang litanya ko. Kitang kita ang takot sa mga mata nito at parang hindi na mapakali dahil sa narinig.

My Only Exception [GXG] [PROFXSTUDENT]Where stories live. Discover now